Chapter 26

458 9 2
                                    

Papunta na ako sa cashier pero may naka bangga ako. Nag patak lahat ng hawak ko. Nilimot ko at tininnan yung lalake.

"Sorry po sir..?" Sabi ko na parang hinihinge yung name nya.

"Seunghwan. No problem. I should say sorry, it was my fault" wait.. Seunghwan? Hindi ba iyon ang pangalan ng real dad ko?

"Uh.. It's ok.." Yung lang nasabi ko. Hindi ko naman pwede itanong kung sya yung real dad ko. It's akward to ask someone you've just met : "are you my real father??" .

"Ahm.. May kailangan ka ba?" Sabi nya. Ay? Nakatitig pala ako sa kanya.

"Dito po ba kayo nag wowork?" Tanong ko.

"Oo. Pero tapos na ako ngayon." Sabi nya.

"Ah.. Ingat po sa pag uwi nyo ah? Siguro iniintay na po kayo ng family nyo." Sabi ko.

"Wala.. Wala na akong family. Hindi ko na sila nakikita." Hindi na nya daw nakikita family nya.. Baka sya nga yung tatay ko?!

"Bakit naman po?" Alam ko sobrang personal ng tanong na to pero kailangan ko lang talaga malaman.. Bakasakali sya nga yung hinahanap ko.

"Nag hiwalay kasi kami ng asawa ko habang may anak pa kami.. Matagal ko na silang hindi nakikita simula nung magkahiwalay kami." Malungot nyang sabi.

Kailangan ko syang kilalanin ng maayos. Sya nga ata yung tatay ko..

Bigla nag ring yung cellphone ko. Ay! nakalimutan ko si Jeehyun!

"Ay sorry po ah! Sorry po talaga at naitanong ko po yun .. Kailangan ko na po umalis! Sorry po ulit, bye!" Sabi ko habang tatakbo sa cashier.

Pagkatapos ko magbayad tumakbo ako sa labas.

"Hoy! Bakit ang tagal tagal mo? Bored na ako!" Sigaw ni Jeehyun habang tatakbo ako papunta sa kanya.

"Sorry! may nakabangga kasi ako." Hinihingal na ako.

"Sino? Si mr. Cupido?" Sabi nya sabay tawa.

"Corny mo ah haha" sabi ko.

Sumakay na kami sa kotse.

"Pasaan tayo ngayon?" Tanong ko habang nakatingin sa labas.

"Ewan. Baka sa puso mo" sabi nya.

"Ano ba nangyayare sayo? Haha puro ka ganyan" sabi ko.

"May date kasi kami ni Lu. Kakatawag nya lang kanina. Ang saya ko talaga!" Sabi nya.

"Ah.. Hindi halata alam mo? Abot langit ngiti mo dyan haha. So ano nga? Saan tayo?" Sabi ko.

"Ahm.. i guess uuwi na? Kailangan ko pa kasi maghanda para mamaya." Masaya nyang sinabi.

Hinatid nya ako sa tapat ng bahay at umalis na. Sana mag enjoy silang dalawa hehe.

Pagkapasok ko sa bahay nakita ko si Tao at Suho.

"Dali na! ligo na tayo!" Sigaw ni Tao.

"Ayoko! Mag isa ka maligo!" Sigaw ni Suho habang nag hahabulan.

"Anong nangyayare dito?" Tanong ko sabay upo sa sofa.

"Si Tao kasi gusto palagi may kasama pag naliligo" sabi ni Suho habang natakbo pa.

"Para hindi masayang yung oras at tubig!" Sabi ni Tao.

"Hmm.. Hahahaha" napatawa ako, bigla silang tumigil.

"Masaya ka ata?" Sabi nilang dalawa.

"Huh? Hindi no.. Sige una na ako." Sabi ko.

Pumunta ako sa kwarto 'namin' ni Baekhyun. Ngumiti ako nung makita ko sya, pero wala syang kibo. Ano ba ang nangyayare sa kanya?

"Hoy" sabi ko sabay hawak sa kanya.

Hindi sya kumikibo.

"May ginawa ba akong mali? Galit ka ba sakin? Hui sumagot ka naman. Hello? Baekhyun?" Daldal ako ng daldal pero hindi sya sumasagot. Bigla syang tumayo at umalis sa kwarto.

--FF--

*Makalipas ilang araw*

hindi nya parin ako pinapansin.

'Samantala' unti unti ko na rin nakikilala si sir. Seunghwan pero hindi ko parin naitatanong yung gusto kong itanong.

Tapos busy pa kaming lahat sa mga practice at schedule namin. Dami daming gagawin. Kakapagod.

Andito kami sa bahay ngayon, nag papahinga. Boring. Andito pa rin si Trish, yung ibang kaibigan nya wala na. Kasama nya ngayon si Baekhyun sa kwarto.

"Affected?" Biglang bulong ni Kai sakin sabay tawa ng mahina, siguro napansin nya na nakatitig ako sa pinto ng kwarto 'nila' . Kinurit ko sya.

"Hindi noh! Ako? Pwe." Kiniliti ko sya. Kiniliti nya rin ako. Tawa kami ng tawa (wala yung iba. Nasa kwarto nila) . Hindi ko napansin, na nakatingin pala si Baekhyun samin dalawa ni Kai. Napatigil ako sa kakatawa at tumayo. Nagkatitigan kami ng konti hanggan sa umalis sya. Hindi ako makaimik.. Ano ba sasabihin ko? Sorry? Sorry saan? Siguro naman wala yun sa kanya. May Trish na kasi sya.

--

Sorry this is kinda 'short' as a chapter. Nway salamat po sa mga nag babasa ^^

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon