Chapter 51

302 8 1
                                    

"Alsin mo nga yang flashlight sa mukha ko!" Sabi ko habang nakaupo sa sahig.

Pero bakit parang may nakatingin sakin..? Tumingin ako sa tabi ko (right) at may nakita akong lalaking madaming scars at pula (blood) kaya napasigaw ako.

"Whaaa?!" Bigla akong tumayo at tumakbo.

"Yuri! Wait lang!" Sigaw ni Baekhyun sa likod ko.

Bigla akong tumigil at dahil hindi alam ni Baekhyun na titigil ako, na bangga nya ako at nagpatak kami sa sahig. Nasa taas ko sya.

"B-baekhyun.." Sabi ko, ang bigat nya -.-

"Bakit ka tumigil?" Sabi ni Baekhyun habang hawak hawak yung ulo nya habang 'nakahiga' pa sya taas ko.

"May narinig kasi ako.. Pwede ba tumayo ka na? Uncomfortable kasi ako sa position na to.." Sabi ko habang nakapatong yung mga kamay ko sa dibdib nya.

Tumayo sya at tinulungan nya akong tumayo. Pinagpag ko yung dumi sa damit ko at nagpatuloy na kami, pero hindi na ako nakahawak sa braso nya, sa damit lang naman haha. Sana makalabas na ako dito kasi ayoko na dito, pero.. Bakit medyo nag eenjoy ako? Kasi kasama ko sya?

"Yuri?" Sabi nya habang dahan dahan kaming naglalakad sa madilim ng kwarto.

"Oh?" Nakakapit parin ako sa damit nya.

"Ngayon ko lang napansin, tayong dalawa lang ang nandito" tumigil sya bigla kaya nauntog ako sa likod nya.

"Ano naman..?" Sabi ko.

Nakangiti sya, pero hindi ngiting anghel.

"Oh..?" Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Kiss moko" nag pout sya at lumapit sa mukha ko.

"Tse" inalis ko yung mukha nya sa harap ko at nag lakad muli.

"Dali na" sabi ni Baekhyun sa likod ko habang hawak hawak yung flashlight.

"Ayoko nga" sabi ko habang nakangiti.

"Pero--"

"Waaah!!" Nabigla kami kasi biglang may sumulpot na babaeng naka white na sumigaw.

"Wag kang lalapit!" Sabi ni Baekhyun sabay takbo pauna.

Nakatayo lang ako dun sa dilim (kasi iisa lang yung flashlight, at hawak yun ni Baekhyun) kasama yung babae.. Hindi ko alam kung nandito pa sya pero dahan dahan akong lumalakad para hindi nya malaman na nandito pa ako. Pero bigla akong nauntog sa.. Ewan ko.. Ano ba to? Kinakapa ko yung bagay na nasa harap ko nung sumigaw ito.

"Waah!" Yung babae pala! Nagitla ako kaya ng hindi sinasadya nasampal ko to at tumakbo pero tumigil ako at sinabi: "ay sorry po! Salamat po sa pagtrabaho nyo!"

Syempre nag sorry ako kasi nasampal ko yung tao.

Makalipas ang isang minuto nakalabas na rin ako. Nakita ko silang lima (Baekhyun, Kyungsoo, Chen, Sehun at Chanyeol) sa harap ng labasan ng haunted house.

"Ok lang ba yung house?" Tanong sakin ni Chanyeol.

Tininnan ko sya ng masama.

"Oo, sige alis na ako guys" sabi ko.

Niyakap ko silang lahat at umuna na pero bago umalis tininnan ko si Baekhyun ng masama.

Mga ilang metro pa lang nalalakad ko nung tinawag ang pangalan ko: "yuri!" Tumatakbo si Baekhyun papunta sakin.

"Oh?" Sabi ko ng hindi lumilingon.

"Sorry haha" sabi nya, nag lalakad na sya sa tabi ko.

"Salamat sa pag iwan ah" sabi ko.

"Sorry nga diba?" Sabi nya.

"Oo na" sabi ko.

Napatigil ako sa harap ng entrance ng pirate ship.

"Sasakay ba tayo dyan?" Tanong ni Baekhyun.

Ngumiti ako at hinila ko sya sa kamay.

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon