James's POV (yuri's stepfather)
Kakadating ko lang galing sa office, ibinaba ko yung bag sa couch at umupo.
"James! Kain na! Dinner is ready!" Rinig ko ang boses ni Yukiko, galing sa dining room.
"I'm coming!" Inalis ko ang sapatos ko at naglakad na papunta sa dining room nung biglang nag ring ang phone ng bahay.
"Sasagutin ko lang!" Lumapit ako sa phone at sinagot ito.
"Hello?" Sabi ko.
"Is this miss Yuri's father?"
"Yes. What can i do for you?"
"Your daughter is in the hospital"
"What?! Why? What happened?" Lumakas ang boses ko.
Sa lakas ng boses ko narinig ako ni Yukiko, kaya lumapit sya sakin.
"Anong nangyayare?!" Sabi ni Yukiko.
"Ok, ok.. We'll be there" pinatay ko na ang tawag at ipinatong ang phone sa lamesa.
"Sino yun?? Anong nangyayare?" Nakatingin sya sakin.
"Nasa hospital si Yuri, nadulas sya habang umuulan, at nadali ang ulo nya..hindi pa sya nagigising hanggang ngayon.." Sabi ko habang nakatingin sa baba.
"HUH?!" Sigaw ni Yukiko.
--
Yukiko's POV
Anong nangyare kay Yuri?! Bakit?!
Tumakbo ako sa kwarto at nilagay ang mga damit at gamit sa isang luggage.
"Yukiko.. Dahan dahan lang.." Nasa likod ko si James, nakatingin sya sakin.
"Dahan dahan?! Kailangan ako ng anak ko! Hindi ko sya pwedeng hayaan" tumakbo ako sa banyo at kinuha din ang ibang gamit, tapos nilagay sa luggage.
"Oo nga pero.."
"Wala ka bang pakialam kay Yuri?! Hindi ka ba nag aalala?! Purket hindi mo sya anak, ganyan ka ka-calma mag salita?!" Sigaw ko at humarap sa kanya.
"Yukiko! Syempre nag aalala ako kay Yuri! Kahit hindi nya ako tunay na ama, ako pa rin nag palaki at nag alaga sa kanya kasama ka! Minahal ko sya bilang anak! At ginawa ko na rin yun kasi bestfriend kita! Tinulungan kita nung may problema ka at iniwan ka ni Seunghwan!" Malakas na sabi ni James.
Napaupo ako sa kama at umiyak.
"Sorry.. Hindi ko sinasadya pagsalitaan ka ng ganyan.." Sabi ko habang umiiyak.
Umupo sya sa tabi ko at niyakap ako.
"Ok lang.. Alam ko nahihirapan ka.." Sabi nya.
Yuri anak.. Sana ok ka lang dyan.. Papunta na si mommy.. Intayin mo ako dyan..
---
Salamat po sa pag basa ng part 2 nag chapter 68 :) sorry po kung short to, dapat po kasi kasama sya sa part 1.
Again, salamat po sa pagbasa at pag suporta :)
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?
