Chapter 48

328 7 3
                                    

"Kailangan mo ng tulong?" Napatingin ako sa taas at nakita ko si.. Baekhyun.

"Uh.. Hindi" sagot ko.

Nilimot nya yung papel at umupo sa tabi ko.

"Alin dito ang hindi mo magawa?" Tinitinnan nya yung papel.

"A-ahm yun" tinuro ko yung part na hindi ko magawa.

"ah, simple lang. Ganto yun" kinanta nya yung part.

Napapanganga ako at napatitig sa kanya. Ang..

"Hoy" huh? Oh nakakahiya.. Natulala ako sa pagtingin sa kanya.

"O-oh? Nagets ko na.. Salamat" sabi ko habang tumitingin sa ibang direction.

"Pogi ko no? Hahaha" bigla nyang sabi. At dahil dun kinurit ko sya.

"Alam mo, ang yabang mo talaga" sabi ko.

"Haha totoo naman diba?" Sabi nya.

"Oo na! Haha" kiniliti nya ako.

"Haha tama na!" Sabi ko.

Tumigil sya at kinuha yung kamay ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Pikit ka"

"Ano nanaman kalokohan to? Haha" pinikit ko yung mga mata kahit. Hindi ko alam kung ano gagawin nya.

"Yan, mulat na" minulat ko yung mga mata ko at nakita ko ang isang plastic bag.

"Ano to?" Tanong ko.

"Buksan mo" sabi nya habang nakangiti.

Binuksan ko at nakita ko ang isang dress na parang familiar sakin.

"Naalala mo pa ba yan? Yan yung dress na hindi mo nakuha kasi kinuha ni Trish.. Pero pumunta ako kahapon sa mall kasama sina Sehun at nakita ko yang dress. Alam ko na gusto mo yan pero hindi mo nakuha kasi binigay ko kay Tri--" niyakap ko sya.

"Salamat" sabi ko habang nakangiti.

".. Wala yun" inalis ko na yung mga braso ko sa kanya at napansin ko na medyo namumula sya.

"Nag blublush ka ba? Hahaha!" Sabi ko.

"Hindi ah!"

"Sus! Kasing kulay mo yung cap ko hahaha!" Niloloko ko sya haha.

"Pero hindi nga salamat" nakangiti ako.

"Wala yun. Oy hindi yan libre haha!"

"Huh??"

"May kapalit yan"

"A-ano? Magkano ba yan..?" Tanong ko.

"Magkano? Hindi pera kailangan ko haha"

"Eh ano..?"

".."

".."

"Ano nga?" Tanong ko.

"Kiss" Huh?!

"A-ano?!"

"I need a kiss" pinikit nya yung mga mata nya.

A-anong gagawin ko?! Hahalikan ko ba sya??

Ipinatong ko yung kamay ko sa lips nya kunwari ako yun. Pero iminulat nya yung mga mata nya at masama akong tininnan.

"Bilisan mo na, nag iintay ako"

"A-ayoko nga" sabi ko.

"Ah sige. Ibalik mo nalang sakin yung dress" sabi ni Baekhyun.

"Ay ang sama mo" sabi ko.

"Ako na nga lang ang kikiss sayo. Pikit" sabi nya.

Mas pula na ata ako sa cap ko lol. Ipinikit ko yung mga mata ko. Ilang seconds lang ang lumipas nung naramdaman ko yung mga labi nya.

".." Ang soft ng lips nya..

"Tapos na hui haha. Mulat kana. Or.. May iniintay ka ba? Gusto mo halikan ulit kita? Haha!"

"Wag na .. Haha" sumandal ako sa balikat nya.

Itong mga moments na to ang isa sa mga hindi ko makakalimutan. Ang saya ko palagi pag kasama sya, at yung iba.

Biglang may kumatok.

"Come in!" Sabi ni Baekhyun.

"Warning warning warning warning warning warning!" Sabi nina Luhan at Chanyeol sa tone ng overdose.

"Haha" napangiti ako.

"Yo yo" sabi ni Luhan.

"Gala tayo!" Sabi ni Chanyeol.

"Tayong lahat ba?" Tanong ni Baekhyun.

"Oo, mag bihis na kayo" sabi ni Luhan.

"Kasama ba si Jeehyun?" Tanong ko.

"Oo" sagot ni Luhan.

"Sige tara!" Tumayo ako.

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon