Chapter 41

377 9 5
                                    

Pumasok na kami ni Jeehyun sa bahay nya at nilock nya yung pinto for our 'safety'.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong sakin ni Jeehyun pagdating namin sa living room.

"Ahm kahit ano" sagot ko.

Wow first time ko dito, ang ganda talaga ng bahay nya.

"Ok lang ba kung chicken noodle soup?" Tanong nya from the kitchen.

"Sige sige" nakatayo ako, tinitinnan ko yung mga picture frames.

Mukhang mahal na mahal sya ni sir Lee. Sana makita ko na tunay kong ama.. Ano kaya ang pakiramdam ng pagmamahal ng isang tatay?

"Yuri patulong naman sa pag gayat please? Hindi kasi ako masyado sanay" sabi ni Jeehyun sa kusina.

"Ok" habang lumalakad gamit ang crutches ko, may napansin akong isang babae naka 'dungaw' (nakatingin) sa loob ng bintana. Ngumingiti sya.. ang creepy..

"A-ahm.. Jeehyun?" Sumilip ako sa kusina kung saan nagluluto si Jee. Pagtingin ko sa bintana, wala na yung babae.

"Oh?" Sabi nya habang hinuhugasan ang mga vegetables.

"May babae sa labas ng bahay.." Mahina kong sabi.

"Huh?" Napatigil sya at tininnan ako.

"Jeehyun kinakabahan ako.. Please tawagin mo sina sir Lee.." Sabi ko.

"Oh sige.." Inilabas ni Jeehyun ang cellphone nya .

"Hindi sya nasagot" sabi nya.

"Paano na yan?" Tanong ko.

"Ewan.. Basta wag muna tayo lumabas, baka nandyan pa sya. Wait lang ka lang dyan.. Isasarado ko lahat ng mga bintana at ano pa" sabi ni Jeehyun.

Naiwan ako mag isa dito sa kusina. Hindi nasagot si sir Lee.. Tatawagan ko nalang si Baekhyun at yung iba.

"Hello?" Finally sinagot na nya.

"Baekhyun!"

"Oh? Ano meron?"

"Andito ako sa bahay ni Jeehyun, may babae sa labas ng bahay.. Tumitingin sa loob ng bintana. Hindi nasagot si sir Lee.. Baekhyun hindi ko alam ang gagawin ko" mabilis kong sinabi.

"Uh.. Wait ka lang dyan. Sunduin ka namin mamaya maya"

"Pero--"

"Hoy Baekhyun! Tama na yan!" Rinig ko ang isang boses sa kabilang linya.

"Sige bye na, ingat"

End call.

Ok.. Calm down. Hindi naman sya makakapasok dito kaya wala naman siguro mangyayaring masama.

"Jeehyun..?" Bakit ang tagal nya?

"Jeehyun...?" Dahan dahan ako lumakad palabas sa kusina, pero wala parin nasagot.

Ok, aaminin ko. Medyo natatakot na ako. Ano ba talaga kailangan nila sakin? May ginawa ba ako??

"Yuri!" Biglang tumakbo si Jeehyun sa tabi ko.

"Saan ka galing? Bakit ang tagal mo??" Tanong ko.

"Yuri, tama ka nga.. Galing ako sa taas (upper floor) may babae nga sa labas." Sabi nya.

"Ano gagawin natin?" Tanong ko.

"Ewan.. Umupo nalang muna tayo at intayin nalang muna natin na umalis sya" sabi ni Jeehyun.

"Ok.."

Lumakad kami papunta sa sofa pero muntik nalang ako madulas.

"Oh Yuri! Dahan dahan lang" hinawakan ako ni Jeehyun. Buti nalang.

"Ang dulas.. Anong meron? Ano to?" Tanong ko.

"Uh, baka tubig.."

Nung malapit na malapit na kaming umupo, biglang may bumasag ng bintana malapit samin. Isang bote, na umaapoy?!

Napasigaw kami ni Jeehyun. Biglang nasunog at umapoy yung mga gamit na malapit ng pinagpatakan ng bote. Biglang tumakbo si Jeehyun papunta sa pinto. Sinubukan nya buksan ito pero hindi mabuksan. Nagpapanic na kami. Hindi ako makagalawa ng ayos kasi may crutches ako, at kahit gustuhin ko, hinding hindi ako makakatakbo para tumakas.

"Yuri!!" Sigaw ni Jeehyun, umiiyak sya.

Ano gagawin ko?!

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon