Chapter 13

569 9 2
                                    

Since bihis na naman ako, nag toothbrush nalang ako at inintay si Chen sa living room. Walang tao sa living room kung di ako lang hanggang sa umupo sa tabi ko si Baekhyun. Lumayo layo ako pero lapit sya ng lapit.

"Ano ba?" Sabi ko sa kanya.

"Bakit ka nalayo?" Tanong nya sakin.

"Eh bakit ka nalapit?" Sabi ko habang lumalayo pa.

"Gusto kasi kita makausap" sabi nya habang pilit lumapit.

"Kaninang umaga hindi ka namansin, hindi ka man lang bumati." Sabi ko sa kanya.

"Asuss. Nagtatampo sya oh." Sabi nya sabay tawa.

"Hindi ako nag tatampo sayo. Why should i?" Pasungit kong sinabi.

"Kasi may gusto ka sakin. Hahaha." ayan na. Yan ang Baekhyun na kilala ko, ng aasar .

Wala na akong mapuntahan kasi nasa dulo na ako ng sofa kaya nagkadikit kami.

"Pasaan ka ba?" Tanong nya sakin.

"Sa labas kasama si Chen" sabi ko.

"Kayo lang dalawa?" Tanong nya.

"Ahm baka. Bakit? Bestfriend ko naman sya eh. Gusto mo ba sumama?" napangiti ako bigla.

"Ayoko nga. Bleeh may gagawin pa ako" sabi nya. Edi ok .-.

Dumating na si Chen sa living room at umupo sya sa tapat namin.

"Yuri hindi daw sila sasama. Tinatamad daw sila haha" sabi ni Chen sakin.

"Ah sige." Sabi ko. Napatingin ako sa tabi ko. Kailan pa umalis si Baekhyun sa tabi ko? Kala ko nakadikit sya. Uhm nevermind.

"Sige alis na kami Baekhyun" sabi ko habang tumayo sa pwesto ko. Tumayo na rin si Chen.

"Ingat" sabi ni Baekhyun.

Lumabas na kami ni Chen sa bahay, at nagpahatid kami (sa driver) sa malapit sa mall. Bago bumama sa kotse, nilagyan ako ng cap ni Chen.

"Ilagay mo yan. Mas ma eenjoy natin mag dala kung walang makakarecognize satin" sabi nya sabay lagay din ng cap at sunglasses. Nag lagay na din ako ng sunglasses at lumabas na.

"Saan tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw nga nagyakag tapos hindi mo alam ang pupuntahan natin? Haha" sabi nya habang tinitinnan yung paligid.

"Hindi ko kabisado yung place eh.. Diba sabi ko sayo hindi ako nakakagala?" Excuse ko agad haha.

"Ahh sige. Dun tayo." Sabi nya sabay turo. Pumunta kami sa isang malaking store. Ang gaganda ng mga tinda. Gusto ko bumili ng mga bagong damit ^^ ehm.. Tsaka bili narin ako ng mga gift para sa iba.

"Anong oras ba tayo dapat nasa bahay na?" Tanong ko habang tinitinnan ang mga damit.

"Mga 10am dapat nasa bahay na tayo. Pero wag ka mag alala, mag 2hours pa tayo." Sabi nya. Ang aga pala namin gumising. Nakalimutan ko nga haha. Sa ngayon nakapili lang ako ng short, light shirt at sweatpants para sakin. Pipili na ako ng mga shirt para sa iba :)

"Chen dun tayo sa "men zone"" sabi ko sa kanya habang hinihila sya.

"Huh? Ano naman gagawin mo dun? Diba dito yung pang babae?" Tanong nya sakin sabay kamot sa ulo.

"Bibili sana ako ng mga gift para sa inyo as thank you for welcoming me." Sabi ko habang nakangiti.

"Luh hindi mo naman kailangan bumili ng gift. Kami ang dapat mag pa-thank you sayo, kasi inaalagan mo kami." Sabi nya.

"Eh basta haha. Bibili ako."sabi ko.

May nakita ako sweatpants na katulad nung sakin na pang lalaki. Pero iisa nalang. Pano yan? Ahm iba iba nalang sweatpants ang bibilhin ko para sa kanila, pero kukunin ko din yung pang lalaki ma katulad sakin na sweatpants kahit hindi ko pa alam kung kanino sa kanila ko ibibigay. Pagkatapos makapili, nagbayad na ako, kahit pinipilit ni Chen na sya ang magbayad. Nung palabas na kami, may pumigil kay Chen.

"Chen oppa?! Is that you?" Tanong nung babae. Exostan ata sya.

"Sino yung kasama mo?!" Tanong nung isa. Since nakita na kami, kinausap nalang "namin" sila kesa tumakbo.

"Hui, sya ata yung bagong member.." Bulong ng isa sa babaeng nagtanong.

"Oo tama kayo. Sya nga" sabi ni Chen habang nakangiti.

"Ahm nice to meet you" sabi ko.

"Oppa, picture tayo! Ahm pwede ka ba sumama ate..?" Sabi ng isang hyper na exostan.

"Sige sige." Sabi namin dalawa,

"Ate ano pangalan mo?" Tanong nung isa sakin pagkatapos magpicture kasama sila.

"Yuri" sabi ko sabag ngiti.

"Salamat sa time ha? Sa susunod" sabi ni Chen habang hinihila ako palabas.

"Cheeeen!" Sabi ko.

"Oh anong nangyare sayo? Hahaha" sabi nya habang naglalakad kami.

"Bili tayo ng bubble teaa" sabi ko sa kanya. Nilibre ako ni Chen pero bumili pa ako ng 10 bubble tea ^^

Gumala gala pa kami ni Chen at nag enjoy talaga ako. Bumalik na kami sa bahay ng mga 09:50 am. Pagpasok namin walang tao sa living room at kusina. Siguro nasa room nila.

"Tara puntahan natin sila sa mga kwarto nila" sabi ni Chen sabay hila sakin.

Pumasok muna kami sa kwarto nina Luhan at Xiumin kung saan nag uusap sila.

"Musta na?" Tanong ko sa kanila habang nakangiti.

"Ok lang kami, kayo? Musta gala nyo?" Tanong nilang dalawa ng nakaupo sa bawat kama.

"Ok lang. May dala ako sa inyo oh." Inabot ko yung mga plastic bag kung saan andun yung bubble tea at sweatpants (wala dun yung sweatpants na katulad nung sakin).

"Wah.. Nag abala ka pa. Salamat " sabi nila. Napangiti sila nung mabuksan yung laman.

"Salamat talaga hehe" sabi nila sabay yakap. Ganun din ang nangyare sa ibang room nung binuksan nila. Pagkatapos ko maibigay ang mga gift, nagpasalamat ako kay Chen sa pagsama sakin, then dumeretso na ako sa kwarto. Pagbukas ko ng pinto, pumunta ako kaagad sa kama (ko) at humiga. Bakit walang tao sa kwarto? Nasaan si Baekhyun? Inayos ko muna gamit ko, pagkatapos ni-lock ko yung pinto kasi mag papalit lang ako ng damit para sa practice mamaya, baka kasi pumasok si Baekhyun ng biglaan. Pagkatapos mag bihis ini-unlock ko yung pinto. Kakatalikod ko lang nung may bumukas kaya nauntog yung ulo ko sa pinto. Sino ba kasi yan? Uso kaya kumatok.

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon