Chapter 66

246 7 11
                                    

"Goodmorning" sabi ko sa lahat pagkalabas ko sa kwarto.

"Goodmorning Yuri!" Sabi nila habang nakangiti.

Umupo ako sa harap ng lamesa at ipinatong ang ulo ko sa kamay ko.

"Oh yan, kain kana" nilagay ni Suho ang isang bowl ng cereals at milk.

"Salamat.." Sabi ko.

"Nakakain na ba kayo?" Tanong ko habang nakain.

"Oo" sagot nila.

Nakaupo sila sa sofa nanonood ng tv.

"Ako hindi pa" tumabi sakin si Luhan at kumain rin sya.

"Hoy Luhan" sabi ko, napatingin sya sakin.

"Oh?" Sabi nya.

"Grabe ka kagabi haha. Hindi ka makalad sa dami mong ininom" sabi ko habang natatawa.

"Haha, anong itsura ko kagabi?" Tanong nya.

"Para kang zombie hahaha inaalalayan ka ni Jeehyun" sabi ko.

"Huh? Talaga?" Gulat na sabi ni Luhan.

"Oo haha" tumayo na ako at dinala ang pinagkainan ko sa lababo, para mahugasan ko.

Pagkatapos namin maghanda, umalis na kami sa bahay at pumunta sa isang show as guests.

After nun, madami pa kaming pinuntahan.

--

4:30 pm

"Ang sakit ng katawan koo!"

"Gusto ko matulog"

Kakatapos lang namin mag practice para sa isang music video, pauwi na kami ngayon pero nag pa alam muna ako kasi gusto ko makausap si Jeehyun.

Kumatok ako sa pinto ng bahay ni Jeehyun.

"Sino yan?" Rinig ko ang boses nya sa loob.

"Si Yuri to" sabi ko.

Binuksan nya ang ointo ang niyakap ako sabay bati.
Pinapasok nya ako at umupo kami.

"Kamusta?" Tanong nya.

"Ok lang. Medyo pagod. Ikaw?" Sabi ko ng nakangiti.

"Ok lang. Ahm napadaan ka ata dito?" Sabi nya.

"Ah oo.. May itatanong sana ako sayo eh" nakatingin ako sa kamay ko habang nakatingin sya sakin.

"Oh, sige. Ano yun?" Nakangiti si Jeehyun, ang soft ng boses nya.

"Diba may necklace ka na ganto?" Pinakita ko sa kanya ang picture na sinend ni mom sakin.

"Ikaw ba yan? Haha how cute. Ahm anyway, oo meron ako ng ganyan" sabi ni Jeehyun habang tinitinnan ang picture.

"Saan mo nakuha..?" Tanong ko.

"Bigay ni dad para sa birthday ko. Bakit?" Sabi nya.

".. Ahm jeehyun.. Kasi.." Napatingin ako sa baba.

Ano na? Sasabihin ko na ba ang totoong dahilan kung bakit ako napapunta dito sa korea..?

"Ano?" Sabi ni Jeehyun.

"Jeehyun.. Kasi yung kwintas ko ganyan din.. Bigay sya ng mommy ko pero kinuha ng daddy ko nung maliit pa ako.. Yung daddy ko ngayon, hindi sya yung tunay na dad ko. Yung tunay na dad ko ang may hawak ng kwintas ngayon.. Kaya ako pumunta dito sa Korea, para hanapin sya.. May na hanap na ako, pero hindi ako sigurado na sya yun kasi hindi man lang nya alam yung tungkol sa kwintas.." Sabi ko.

"S-so gusto mong malaman kung san nakuha to ni dad..?" Tanong ni Jeehyun, tumango ako.

"... Sige tara. Puntahanan natin sa bahay nya" tumayo sya ,hinawakan kamay ko habang ngingitian ako.

"Salamat Jeehyun.." Sabi ko.

Habang nasa kotse kami nakatingin ako sa labas ng 'bintana'.

Anong gagawin ko pag sya nga..? Nagkamali ba ako ng tinatawag na dad ngayon? Pero.. Paano yun? Kilala ni dad Seunghwan si mommy.. Pero hindi nya alam yung tungkol sa kwintas.. Sya ba talaga ang dad ko..? Kala ko ba Seunghwan ang pangalan nya..?

Nasa harap na kami ni Jeehyun sa bahay ni sir Lee.

"Tara" hinawakan ni Jeehyun ang kamay ko at pumasok na kami.

Naalala ko yung sinabi at ginawa ni sir Lee nung lasing sya.

Hay.. Sana may mahanap na akong sagot sa lahat ng tanong ko..

"Sino yan?" Rinig namin ang boses sa loob ng pinto, kasi nag doorbell si Jeehyun.

"Si Jeehyun po to" pinapasok kami ng isang babaeng may hawak ng pang linis.

"Pakitawag po si dad, importante lang po to" sabi ni Jeehyun.

Mga ilang minuto, bumaba na si sir Lee at umupo sa harap namin.

"Hi Jeehyun, hi Yuri" bati nya.

"H-hi po" sagot ko.

"Hi dad" sabi ni Jeehyun at nag beso beso sila.

"Yuri about that night.." Nag sasalita na si sir Lee.

"Oh, ok lang po yun.. Alam ko naman po na hindi nyo sinasadya" sabi ko.

"Sorry talaga" sabi nya.

"Bakit nga kayo napadaan dito?" Tanong ni sir Lee.

"Gu-gusto ko po malaman kung saan nyo nakuha ang kwintas na bigay nyo kay Jeehyun..kung ok lang po sainyo.." Sabi ko.

"..." Hindi sumagot si sir Lee, napatingin sya sa baba.

Ang bilis ng heartbeat ko.. Kinakabahan ako ng konti..
Ano kaya ang sasabihin nya..?

"I.."

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon