Nakalipas na ang 2minutes pero hindi parin kami umiibo , his embrace is so warm.. I don't know why but i kinda feel protected.. Why am i feeling like this?
Biglang may kumatok. Napalayo kaming dalawa sa isat isa. Tumalon ako sa kama ko at nagkunwareng nag ce-cellphone. Binuksan ni Baekhyun yung pinto.
"Yuri? Ay, Baekhyun ikaw pala yan. Nasaan si Yuri?" Tanong ni.. Ni Suho.
"Nandun sa kama nya, may ka txt." Sabi ni Baekhyun. What? -.-
Pinapasok ni Baekhyun si Suho sa loob ng kwarto at dumeretso sakin.
"Ahm.. Hi Suho" binati ko sya habang nakangiti. Ano kaya sasabihin nya?
"Yuri pinapatawag ka ni sir Lee." Sabi nya. Umupo sya sa kama ni Baekhyun (sa tapat ko) .
"Bakit daw?" Tanong ko habang nakaupo sa kama ko.
"May pinapagawa sya sayo kasama si Jeehyun. Hindi ko tanda kung ano yun, pero kayo lang dalawa ang pinapatawag." Sabi nya. Bakit kami lang?
"Kami lang dalawa? Eh kayo?" Tanong ko.
"Oo kayo lang. Hindi ko nga rin alam.. Nga pala, bihis na kayo diba? aalis na tayo ngayon. At tsaka salamat ulit sa binili mo ah? Hehe" sabi nya sakin habang todo ngiti. Lumabas na sya at tumayo na ako. Lalabas na sana si Baekhyun sa kwarto pero hinila ko yung kamay nya.
"Oh?" Sabi nya. Mukhang nagulat sya.
"Bago tayo umalis at bago ko pa makalimutan ibibigay ko sayo yung binili ko" sabi ko habang inaabot yung plastic bag kung saan nasa loob yung sweatpants at bubble tea. Binuksan nya. Ay? Sa kanya pala napunta yung kaparehas ng sakin.. Sana hindi nya suutin pag suot ko.. Magmumukha kaming.. Ahm wala nevermind.
"Wow. Gusto ko itong sweatpants. Salamat Yuri. Salamat din sa bubble tea." Sabi nya.
"You're welcome. Pero.. Padaan." Sabi ko habang pumunta na sa tapat ng pinto para buksan ito pero hinawakan nya yung kamay ko at.. At hinalikan nya yung pisngi ko. What?! Oh my f.. Ok.. Stay calm Yuri. Wala yan. Hay! Namumula na siguro ako! Hinawakan ko yung pisngi ko at tininnan ko sya. Nakangiti sya. Wah.. Sasabog na yung dibdib ko sa lakas ng tibok...
May nagbukas bigla ng pinto nung nakatalikod (nakaharap kay Baekhyun) ako kaya nabigla ako.
"HUH?" Sigaw ko nung may nagbukas ng pinto.
"Luh! Sorry nagulat ka ata Yuri! Pero kailangan na natin umalis!" Sabi ni Chen.
"Huh.. Sige. Tara na.." Sabi ko habang sinusubukan kontrolin yung paghinga ko.
Sumakay na kami. Pagdating namin, dinala ako sa isang dressing room na iba sa dressing room nila (kase babae ako lol) at binihisan nila ako ng isang short beige dress (parang pang beach) para sa isang "ad" or patalastas" na gagawin namin. Hindi nila inalis yung eyeliner na nilagay ko, dinagdagan nila ng make up like fond, eye-shadow and *etc*. Pagkatapos, inayos nila yung buhok ko. From straight to curly hair at the ends. Pagkatapos ayusan ako, pumunta na ako sa room kung saan ang mga wall ay white (parang pag mag phophotoshoot).
Inaantay na pala nila ako. May inabot silang papel kung saan nakasulat kung ano gagawin ko. Uhmm.. Ok. Ad pala tayo para sa isang "waterproof cover" para sa mga cellphone.
Pagkatapos namin gawin, pinanood namin. Andun ako habang natakbo takbo malapit sa tubig ng dagat habang hawak hawak yung iphone na nasa loob ng cover na waterproof. Hinahabol ako nina Sehun at Suho. Habang sina Tao, Baekhyun, at Lay nasa underwater na lumalangoy (with "water glasses") at pinipicturan nila yung mga "fake" corall at mga sarili nila. Yung iba naman nakaupo sa isang table, naglalaro ng mga cards. Nadali ni D.O. yung isang baso katabi nya, at ang tubig ay tumama sa cellphone (na may cover) . Tumawa lang sila. Tapos may lumabas ang isang sulat "---- cover. It's waterproof." End of the ad. Ang weird naman ata neto.. Haha. Pagkatapos, nag palit na ako ng damit. Isinuot ko yung damit na suot ko bago dumating. Sumakay na kami at pumunta sa practice room. Kailangan namin mag practice ng madaming beses para sa presentation ko sa isang show as new member. Kakapagod mag practice pero natapos na rin namin. 4pm na. aalis na sana kami pero pinigilan kami ni sir Lee na biglang pumasok sa practice room.
"Good afternoon guys" sabi nya.
"Good afternoon too sir Lee" sabi namin.
"Pwede na kayo umuwi. Except kay Yuri." Sabi nya habang tinitinnan kaming lahat.
"Sige po. Salamat." Sabi nila habang pinupunasan nila ang pawis sa neck gamit isang towel. Nag pa-alam na sila at umalis na.
Pinasakay ako ni sir Lee at dinala sa isang building. Pinapunta ako sa isang dressing room. Andun si Jeehyun at si.. Sino yun?
"Oh, hii Yuri!" Sabi ni Jeehyun sabay takbo sakin. Katabi nya yung babae. binati ko sya at yung isa din.
"Ako nga pala si Kim Min Chan. Call me Kim" sabi ng babae habang nakangiti. Ang ganda nya.. Wait. Kim Min Chan? Diba yun ang pangalan ng girlfriend ni Sehun?
"Hi, i'm Yuri. Nice to meet you. Ahm ikaw yung girlfriend ni Sehun?" Tanong ko.
"Nice to meet you too. Ah hehe yup. I'm his girlfriend. Paano mo nalaman?" Sabi nya.
"Sabi nya eh haha" sabi ko.
Pinaupo na kami at inayusan. Tinangal nila yung make up namin at nilagyan ng panibago. Simple lang. Tapos may nilagay silang cream sa mukha namin. Makalipas konting minuto, naging mas makinis kesa kanina yung skin namin. Yun ata gagawin namin. Ad for this cream. Yun nga. Pagkatapos bihisan ng isang puting cute dress pinicturan kami hawak hawak yung cream. At gumawa rin ng ad video. Natagalan kami kasi pinapaulit palagi para maging perfect. Natapos kami ng mga 8pm kasi may ginawa pa kami isang ad for some shoes.
"Alis na ako ha? Pagod na pagod na kasi ako." Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Hatid ka na namin Yuri" sabi ni Jeehyun at Kim.
"Hindi na. Alam ko na pagod na din kayo. Mag tataxi nalang ako pauwi. Salamat nalang" sabi ko habang nakangiti. Niyakap ko sila at umalis na sa building. Medyo madilim dilim na kaya kailangan ko na magmadali. Nag lakad lakad ako papunta sa station. Tumigil ako bigla kase parang may naririnig akong sumusunod. Binilisan ko ang paglakad, pero naririnig ko pa yung ingay ng sapatos sa likod ko. Kinakabahan ako kaya hindi ako makalingon.
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
Любовные романыI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?