Nagkakamali ba ulit ako or.. Sya nga talaga tatay ko?
"Bakit mo naitanong..?" Sabi ni sir Seunghwan.
Hindi ako sumagot, nilaksan ko loob ko at nagpatuloy lang sa pagtatanong.
"A-ano po pangalan ng babae..?" Tanong ko.
"Yukiko.." Sabi nya. Pangalan yun ng mommy ko..
Sya nga! Sya nga tatay ko! Bigla ko syang niyakap.
"Yuri..? Ano ginagawa mo?" Sabi nya at inalis ang mga kamay ko sa kanya.
"Ikaw po.. Ikaw po dad ko!" Sabi ko habang umiiyak.
"Ano pinagsasasabi mo?!" Sabi nya ng pasigaw.
"Ako po anak nyo! Mommy ko po si Yukiko!" Sabi ko at niyakap ulit sya pero itinulak nya ako.
"Hi-hindi! Hindi kita kilala! Umalis ka na! Magdadala ka lang ng isang panibagong gulo sa family ko!" Sigaw nya.
Narinig ata ng iba kaya lumapit sina Tin, Baekhyun at mom nya.
"Anong nangyayare dito?" Tanong ng mom ni Tin.
"Wa-wala hon.." Sabi ni sir Seunghwan 'dad'.
Tumakbo ako ng luhaan palayo sa kanila.
"Yuri!" Sigaw ni Baekhyun at sumunod sakin.
Tumatakbo ako pero naabutan din nya ako at niyakap.
"Yuri.." Sabi ni Baekhyun.
Umiiyak ako habang niyayakap nya.
"Anong nangyare?" Tanong ni Baekhyun.
"Wa-wala, gu-gusto ko na umuwi" hindi ako makapagsalita ng maayos kasi naiyak,
"Sige.. Tawagin ko na rin yung iba" kinuha nya ang cellphone pero pinigilan ko sya.
"Wag.. Ha-hayaan mo na sila mag enjoy.. At tsaka dito ka na rin.. Uuwi nalang ako mag isa" sabi ko at humiwalay sa yakap nya.
Tumalikod ako at nag lakad papunta sa labas pero hinawakan nya kamay ko.
"Hindi.. Sasamahan na kita" sabi nya.
"Baekhyun.. Ok lang ako.. Hindi mo na ako kailangan samahan.." Inalis ko kamay nya at umalis na.
Ilang minuto ako nag intay ng bus papunta sa bahay. Pag dating ko humiga ako ka-agad at umiyak hanggang sa makatulog.
Yan ang kinakatakutan ko.. Ang hindi matanggap ng dad ko.. Ano gagawin ko? Kakausapin ko pa ba sya or lulubayan..? Ayoko magdala ng gulo pero.. Ano pa ba ginagawa ko dito kung hindi nya ako tanggap?

BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?