Hindi na talaga ako pinapansin ni Baekhyun.. Di bale. Maaalis ko rin tong nararamdaman ko para sa kanya.. Or at least susubukan ko.
---
Jeehyun's POV
Hay. Nakakainis talaga si Trish. Poor Yuri.. I really feel her. Nangyare na din sakin.
Noon kase.. Nung sina Baekhyun at Trish pa, na attract si Trish kay Luhan. Buti nalang hindi pumatol si Luhan.. Sino ba ang papatol sa girlfriend ng kaibigan nya?
At tsaka boyfriend ko na sya nung time na yun. Epal lang si Trish sa buhay namin lahat. Oo, nagmumukha akong mataray at maarte pero hindi ako ganun. I mean.. Oo medyo lang pero hindi katulad ni Trish.
Hindi ko naman 'tunay' na pinsan yun. Inampon lang sya ng tita ko kasi nung makita nya si Trish (nung maliit pa) sa daan na-awa sya. Pero hindi nila inakala na ganun sya lalaki. Nahihirapan na kaming lahat. Kapag gusto nya ang isang bagay makukuha nya. Pero hindi ko alam kung alam nya na ampon lang sya.
Nung nagkagusto si Trish kay Luhan, nag away kaming lahat. Nagsabunutan pa kami, pero pinigilan kami ng iba. At tsaka, poor Baekhyun. Hindi nya alam na ginamit lang sya at ginagamit hanggan ngayon ni Trish para "sumikat" kahit konti gamit yung mga rumors about them.
Anyway. Nandito na pala sila Chanyeol, tao, Luhan, Kai at Chen para sunduin si Yuri. Guess ata sila sa isang show of challenges. May tumatawag sa cellphone ko.
"Wait lang ha?" Sabi ko kay Luhan habang nakaupo sa lap nya.
"Hello dad?"
"Hi Jeehyun. Sorry nakalimutan ko sabihin sayo na guest ka din kasama ang exo sa isang challenge show."
"Ah.. Don't worry. They're here at home. So.. I'll go with them. Ok bye."
"Sasama ka samin?" Tanong ni Luhan habang pinapaupo ulit ako sa lap nya habang nag uusap yung iba.
"Yep. Wait. I have to change my clothes" ngumiti ako at pumunta sa kwarto para magpalit.
--
Yuri's POV
Sasama pala si Jeehyun. Good!
Pagkatapos nya mag bihis, sumakay na kami at pumunta sa challenge show na yun. Nandun na pala yung iba sa labas, iniintay kami. Sinubukan ko hindi pansinin sina Trish at Baekhyun. Binati ko yung iba at pumasok na kami sa loob.
After introducing us, inexplain yung first challenge. Kailangan tumakbo papunta sa finish line habang binubuhat sa likod ang babae, ang huling 8 ay may parusa: bubuhusan ng malamig na tubig.
"Kailangan kayo pumili ng partner." Sabi ng lalakeng host.
"Para walang gulo, ang mga boys ang pipili ng gustong partner. Girls, please line up." Sabi ng babaeng host.
"At 3, boys pick your girl!" Sabi ng lalake.
"1..! 2..! 3..!" Sigaw nilang dalawa. Parang baliw lang. Haha..
Hindi na ako umaasa na ako ang pipiliin ni Baekhyun pero.. Pero palapit sya ng palapit sakin?!
Wait. Tumigil sya. Dumeretso sya kay.. Hay. Kay Trish. Laro to at tsaka hindi ko naman talaga inaasahan na ako pipiliin nya pero nasasaktan parin ako.
Napatingin ako sa baba pero may humawak ng kamay ko. Ah, si Kai. Ako pala pinili nya.
"Ok lang sayo kung ikaw pinili ko?" Sabi nya habang nakangiti.
"Oo naman. Bakit hindi?" Pinilit kong ngumiti at i-enjoy to.
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?