Habang papunta sa kusina, tininnan ko si Baekhyun, and our eyes met for a second kasi binaba ko kaagad ulo ko, nag blublush kasi, habang sya, nakangiti.
"Oy Kyungs--" pagdating ko sa kusina nakita ko na ready na lahat kaya napanganga ako.
"Oh? Gutom ka na ba? Wag ka mag alala konti nalang at luto na to" sabi nya habang may hawak na spoon. Tinitikman nya ata yung soup.
"Sorry ah? Hindi kita natulungan" sabi ko habang sumisilip sa niluluto nya.
"Ah ok lang" sabi nya.
"Ah.. Sige ilalagay ko nalang yung mga plato at chopsticks sa table." Sabi ko.
"Paano? Diba may hawak kang crutches? Paano ka makakalakad nyan?" Nanlaki ang mata nya.
"Ah oo nga noh.. Nakalimutan ko. Sorry talaga hindi ako makatulong dahil ng paa ko" malungkot kong sabi.
"Ok lang Yuri, naiintindihan naman namin ang condition mo, kaya, umupo at mag relax ka nalang" sabi nya.
Kahit ayoko, sinunod ko yung sabi nya. Umupo ako sa sofa malapit sa iba.
"Musta na?" Lumapit si Luhan at kinausap ko bigla.
"Uh, eto.. I feel so useless.."
"Huh? Bakit naman? Hindi ka naman useless, diba ikaw nga yung nagluluto para sa amin palagi?" Sabi ni Luhan.
"Noon.. Pero ngayon paano ako makakatulong kung ganto paa ko?"
"Makakatulong ka kahit sa vocal practice mo, at least hindi namin uulitin ng dalawang beses, at tsaka you're not useless, tinutulungan mo kami palagi kahit saan, at kailan. Oh diba?"
"Haha.. Salamat Lu, tama nga si Jeehyun, mabait at sweet ka" ngumiti ako, pero nawala ngiti ko nung biglang nagpalit yung expression ni Luhan.
"Oh..? May nasabi ba ako na mali..?" Sumilip ako sa mukha nya kasi nakatungo sya.
"Nag away kasi kami ni Jeehyun.. Mga kani-kanina lang.."
"Huh? Bakit?"
"Ano.. Hindi ako pumayag makipagkita sa kanya mamaya, kasi... Kasi makikipagkita ako sa isang kaibigan nyang babae.."
"Huh?? Bakit naman??" Napalakas yung boses ko kaya napatingin yung iba sakin.
"Opss sorry" sabi ko.
"Basta.. May pag uusapan kami."
"Ay ano nga? Hindi ko naman pagsasabi"
"Mag tatanong kasi ako ng mga gusto ni Jeehyun para sa birthday nya, nang hindi ko tinatanong ng direct kay Jeehyun.."
"Aww, sweet nga oh. Haha, pwede naman ako ang tumulong sayo diba? Wag ka na makipag kita sa kaibigan nya, baka ano pa isipin ni Jeehyun." Suggest ko.
"Talaga? Tutulungan mo ako?" Napangiti si Luhan.
"Oo naman, magkaibigan naman tayo diba?" Nakangiti rin ako.
"Salamat talaga" sabi ni Luhan.
"Sige sasabihin ko nalang kay Jeehyun na makipagkita sakin bukas pag hindi busy schedule" sabi ko.
"Ok haha" sabi ni luhan.
"At.. Diba nga malapit na birthday nya? Eh kung mag organize tayo ng surprise birthday party?"
"Oo nga. Pero kailangan natin ang tulong ng iba."
"Uhm guys, punta kayo dito please? Kyungsoo pati ikaaaw!" Sabi namin ni Luhan.
"Oh?" Sabi ng iba.
"malapit na ang birthday ni Jeehyun diba? Mag organize tayo ng surprise birthday party!" Sabi ko.
"Wow ok!" Sabi nila.
"Paano?" Tanong ni Sehun.
"Ewan! Mag isip tayo." Sabi ko.
Pagkatapos namin mag usap at mag organize tungkol sa surprise birthday party, tinawagan ko si Jeehyun para makipagkita bukas.
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
Storie d'amoreI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?