Chapter 39

471 8 13
                                    

Yuri's POV

Ang saya namin kagabi, parang nawala ang lahat ng mga problema at stress.

Nandun silang lahat ngayon sa sm building, nag prapractice ng mga choreography, habang ako nag prapractice ng vocal. Sana gumaling na ang paa ko.

5pm na. Mga 7/8:30 pm pa ata balik nila. Kakatapos ko lang magpractice ng pagkanta nung may tumawag sa cellphone ng bahay, private number.

"Hello?" Sabi ko.

".."

"Hello? This is Yuri. Who's this?" Sabi ko pero walang nasagot.

Inend call ko nalang. Baka mali natawagan nung number ulit..

Ahm nevermind nalang. Pwede naman yan mangyari kahit kanino diba. Makatawag nalang kina mom. Nag rring na.

"Hello?" Si dad ang sumagot.

"Hi po, musta po kayo dyan?" Tanong ko.

"Ok lang naman, ikaw? Musta ka na?"

"Ok lang din po. Ahm si mommy?"

"Ah wala, nasa work, nakalimutan nya yung cellphone nya."

"Ah.."

"Sige Yu, alis na rin ako. May work pa ako. Ingat dyan."

"Opo, sige. Ingat din po. Pabati nalang si mommy"

End call.

Hay. Sayang naman. May itatanong pa naman ako kay mommy tungkol sa tunay na dad ko..Makalinis nalang, kahit pilay (lol) para naman makatulong ako sa bahay.

Habang kumukuha ng basahan, may kumatok.

"Sino yan?" Sabi ko ng malakas.

Walang sumagot kaya pumunta nalang ako dahan dahan sa pinto para tinnan kung sino.

"Ano po kailangan nyo?" Sabi ko.

Oh.. Walang tao..? Baka prank lang yan. Isasarado ko na yung pinto pero may nakita akong box sa labas ng pinto. Kinuha ko. Ano to?

"To: miss Yuri. With love from: fan. Ps. Please eat this cake i made, it's only for you"

Huh..? Wow :) may fan agad agad? Nakakatuwa naman. Pero mas maganda siguro kung ishare ko tong cake na to sa kanila (exo) .

Sinarado ko na yung pinto at inilagay yung cake sa fridge.

--FF--

"We're home!" Rinig ko ang boses nila sa entrance.

"Welcome home" nakangiti kong sabi.

"Uh! Gutom na ako!" Sabi ni Tao habang umuupo sa sofa.

"Oh, nakapagluto na ako. Kain na tayo?" Sabi ko.

Tumango sila. Umupo na kaming lahat at kumain ng tahimik. Hanggang sa umimik ako.

"O-ok lang ba yung luto ko?"

"Oo, masarap." Sagot nila.

"Ah, nga pala may cake dito, kainin natin as dessert?" Sabi ko.

"Cake?" Sabi ni Lay.

"Oo, may nagbigay sakin. Fan daw sya, kaya naisipan ko ishare sainyo.

"Ah. Sige" tuwang tuwa sabi ni Xiumin.

"Kunin ko lang" sabi ko.

"Wag na, ako na" tumayo si Luhan.

Dinala ni Luhan sa table at ginayat ito.

"Waaah. Mukhang masarap" excited ata si Sehun kainin yung cake, kaya agad agad kumuha ng one slice at kinain, kahit hindi pa time ng dessert.

"Masarap ba?" Tanong ni Kyungsoo.

"Oo" masayang sabi ni Sehun.

Patuloy parin kami kumain ng kimchi habang kinakain ni Sehun yung slice ng cake. Maya maya napansin ko tumigil si Sehun.

".." Tumayo sya.

"Oh?" Napatingin kaming lahat sa kanya.

Namumula sya.

"Sehun..?" Sabi ko.

Bigla syang napaluhod at sumuka sa sahig.

"Huh?!" Tumayo kaming lahat at lumapit kay Sehun.

"Sehun?! Ok ka lang?!" Tanong ni Suho.

"Sehun!" Sigaw ni Baekhyun.

"!!" Nandun silang lahat sa tabi ni Sehun habang nakafroze lang ako sa harap nila.

.. Anong nangyare??

"Tumawag kayo ng hospital! At tsaka si manager Lee!" Sigaw ni Chanyeol.

Kahit shocked, bilis bilis ko 'idinaial' yung number ng hospital. Habang tinatawagan ni Kai si sir Lee.

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon