"Kasi noon, nung mga 22/23 years old kami, close friends kami, mahal ko sya at alam nya, nandun ako palagi sa tabi nya nung may mga problema sya pero ang tingin nya sakin ay kaibigan lang.. Isang gabi pareho kaming nasa isang club, nandun kami kasi sabi nya may problema syang gustong kalimutan, pero nalasing kami at pakiramdam ko may nangyare samin.. Makalipas ang isang week nalaman ko na buntis sya, pero nung pumunta ako sa bahay nila wala na sya, umalis daw papuntang pilipinas.. Hindi ko alam kung bakit.. Sinubukan ko sya hanapin pero wala.. Makalipas ilang taon nakalimutan ko na sya at nagmahal ulit. Nagkapamilya kami ni Jen.." Kwento ni dad.
"..." Napatahimik ako.
So.. Isang pagkakamali lang ako? Hindi nila sinasadya? .. Hindi pala minahal ni mommy si dad..
".." Tahimik lang kami.. Hanggan sa
"Our lunch is ready! C'mon let's eat!" Dinala ni tita ang mga pagkain.
"Tulungan ko na po kayo.." Tumayo ako, kinuha ang mga plato sa kusina at dinala sa lamesa ng dining room.
"Thanks sweetie" nginitian ako ni tita.
Umupo na kaming lahat sa lamesa at kumain.
Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko.. Ang akward."So Yuri, how have you been these days?" Tanong ni tita habang kumakain kami.
"Ok lang po.. " sagot ko.
Pagkatapos ng tanong nya wala ng umimik samin.. Kaya pagkatapos tulungan si tita mag hugas at mag ayos, nag paalam na ako.
12:30 pm na, nasa park ako nakaupo sa isang bench tinatawagan si mommy.
"Hello?" Sabi ko nung sinagot nya yung tawag.
"Hello Yuri? Musta ka na dyan?" Sabi ni mommy.
"Ok lang po.. Kayo po?" Sabi ko.
"Ok lang din kami" sabi ni mom.
"Ahm.. Mommy nakita ko na po sya.." Sabi ko.
".."
"Mommy?"
"Ah! O-ok.. Kamusta na sya..?"
"Ok lang po.. Masaya po sila ni tita."
"Tita?"
"Yung wife nya po"
"A-ah.. "
"Mommy? Ok ka lang po ba? Matamlay ata boses nyo..?"
"Hindi ah, ok lang ako Yu"
"Mommy.. Totoo po ba na kayo ang umiwan sa kanya..?"
"HUH? HINDI YUN TOTOO!" Malakas na sabi ni mommy.
"Yun po kasi sinabi nya.."
"Sya ng iwan sakin!"
"Pero.."
"Sinungaling!"
"Mo--"
Call ended.
A-ano nangyare..? Bakit ganun si mommy? Parang may galit kay dad..
At tsaka.. Wait lang.. Sabi ni mommy noon, iniwan kami ni dad nung maliit pa ako.. Ang sabi naman ni dad ay si mommy ang ng iwan nung buntis pa sya.. Ano ba talaga ang totoo? Naguguluhan na ako..Oh nakalimutan ko itanong kay dad yung kwintas..
Bukas ko nalang itatanong, kailangan ko na kasi umuwi baka ma late pa kami.
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?