Yuri's POV
"Hindi noh! Ako? Pwe." Kiniliti ko si Kai. Kiniliti nya rin ako. Tawa kami ng tawa (wala yung iba. Nasa kwarto nila) . Hindi ko napansin, na nakatingin pala si Baekhyun samin dalawa ni Kai. Napatigil ako sa kakatawa at tumayo. Nagkatitigan kami ng konti hanggan sa umalis sya. Hindi ako makaimik.. Ano ba sasabihin ko? Sorry? Sorry saan? Siguro naman wala yun sa kanya. May Trish na kasi sya. Kaya pinabayaan ko nalang sya. Sa ngayon dapat naka focus ako sa pag hahanap sa tatay ko, kailangan ko malaman kung sya nga ba..
--
Baekhyun's POV
nasa kwarto ko ako kasama si Trish. Nag ccellphone ako habang daldal ng daldal itong si Trish. Hindi ko naman sya pinapakinggan.
Bigla kong narinig yung boses ni Yuri galing sa living room.
"Hindi noh! Ako? Pwe."
Agad ako tumayo.
"Pasaan ka?" Tanong agad ni Trish.
"Wala. Sa bathroom" lumabas ako sa kwarto at lumakad dahan dahan papunta sa living room. Ayun, si Yuri at Kai nagkukulitan at nagtatawanan. Gusto ko sana syang lapitan kaso hindi pwede, baka makita ni Trish. Si Kai ba ang nagpapasaya sa kanya? Hindi to pwede.. Napansin ni Yuri na nakatingin ako sa kanila. Tumigil sya sa kakatawa at tumayo. Hindi ko sya pwede lapitan or kausapin.. Kaya bilis bilis akong pumunta sa bathroom. Hindi ko kaya to. Paano pag nahulog si Yuri kay Kai? Dapat ko ba hayaan? ..
--
Yuri's POV
After 30mins.
Nag paalam ako sa kanilang lahat at umalis sa bahay.
Pupuntahan ko si sir Seunghwan. Simula nung makilala ko sya, araw araw ko na sya dinadalaw dun sa mall, or at least tinitinnan ko ng malayo. Mga after or before lunch ko sya dinadalaw.
Nagpahatid ako. Pagdating sa mall dumeretso ako sa pinagtratrabahuan nyang pwesto.
"Oh Yuri, andyan ka nanaman" sabi nya nung makita nya ako.
"Hehe opo.. Dinalhan ko po kayo ng pagkain. Nakakain na po ba kayo?" Sabi ko.
"Ah. Sige kain tayo.. Salamat." Nag pa alam sya sa mga kasama nyang co-workers para mag break. Umupo kami sa isang table. Inabot ko sa kanya yung lunch box, at bag simula syang kumain.
Tinitinnan ko sya. Makalipas ilang minuto may tinanong sya: "Nga pala.. Bakit ang bait bait mo sakin..?"
Ano sasabihin ko ngayon? .. Na mabait ako sa kanya kasi iniisip ko na baka sya yung dad ko? Magsasalita na sana ako nung.. "Seunghwan! Tama na yang break mo! Mapapagalitan tayo nito!" Sigaw nung kasama nya na malayo.
"Oh. Sige!" Sigaw nya. "Salamat Yuri! Pero kailangan ko na bumalik dun!" Tumayo sya at tumakbo papunta sa kanila.
Pagkatapos ayusin yung konting kalat sa table tumayo na ako. Gumala gala ako hanggan mga 8pm. Bumalik ako sa place kung saan sya nag wowork. Gusto ko malaman kung saan sya nakatira (stalker lang? lols).
Yun sya! Aalis na sya. Nasa labas na kami. Sinundan ko sya. Pero nawala sya sa paningin ko kasi ang daming tao. Haiist! Ano ba yan! Ah yun!
Sumakay sya sa isang kotse. Sumakay ako sa isang taxi at sinabi ko na sundan yung kotse na yun. Malayo layo kami sa kotse nya. Baka kasi mahalata na sinusundan namin.
Tumigil sya. Hindi ko alam kung nasaan kami, ang dalim kasi. SOBRA. Dahan dahan ako naglalakad baka kasi marinig nya ako. Pero dahil tanga ako, nadapa ako at napasigaw ng "OUCH!"
Lumingon sya. Tumakbo sya papunta sakin.
"Yuri?! Ok ka lang? Ano ginagawa mo dito?!" Sabi nya ng malakas pero hindi pasigaw.
Patay! Ano sasabihin ko?!
"..."
"Ok ka lang??" Tanong nya.
"Uh? .. Opo.." Tumayo ako. Masakit yung tuhod ko (lola ka na ata Yuri XD) , may sugat ata..pero ok lang. Titiisin ko nalang.
"Ano nga pala ginagawa mo dito?" Tanong nya.
"Uh.." Mag isip ka Yuriii! Bilis!! Ah! Alam ko na! "May.. May nakalimutan po ako ibigay sa inyo!"
May inabot ako na.. Book. Lols binabasa ko yun pero ok lang. Wow ang weird/akward ng moment na to..
"Huh? Ah.. Ok salamat" pilit ata yung ngiti nya.
"Tara na hahatid kita mamaya.. Pero may pupuntahan lang ako saglit" sabi nya. Sinundan ko naman sya.
Nasa harap na kami ng isang bahay. Kumatok si sir Seunghwan sa pinto.
"Daddy?!" May sumigaw.
Napasilip ako. HUH? Si.. Si Tin?!
"Ate Yuri?!" Sigaw nya.
Niyakap ni Tin si sir Seunghwan.
"Ano ginagawa mo dito daddy?? Bakit kasama nyo po si ate Yuri??" Tanong ni Tin.
"Mag.. Magkakilala kayo?" Tanong ni sir Seunghwan. Tumango si Tin.
..tatay nya sya? .. Bakit ganun?
"Ikaw?!" Sigaw ni ate (mom ni Tin)
"Jen!" -sir Seunghwan.
"Bakit ka nandito?!" Sigaw ulit ni ate.
"Miss ko na kayo! Bakit ka ba lumayo sakin?! Bakit nilayo mo yung anak natin sakin?!" Sabi ni sir.
.. Hindi pala sya yung dad ko.. So.. Ano pa ba ang ginagawa ko dito?
"Wag nyo ako iwanan please!" Paiyak na sabi ni sir.
"Sorry.. Pero hindi mo kami kayang buhayin ng anak mo.." Sabi ni ate.
"Nag wowork naman ako ah! nakakita na ako ng tarbaho/trabaho! Nagmamakawa ako!"
Ganun..? Para dun lang..?
"Please mommy! Let him stay with us!" Umiiyak na si Tin.
Na-imagine ko lang yun dad ko at si mommy. Bakit ba sila nag hiwalay?! Bakit ba ganto yung buhay ko?! Ako ba yung dahilan? ..
Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako. Bilis bilis ko pinunasan.
Tumakbo na ako ng walang pa-alam. Away family nila yun.. Dapat nga hindi ako nakinig dun sa mga problems na yun..
Mga 20mins bago pa ako makarating ng patakbo sa bahay. Pagod na pagod na ako sa lahat. Hindi ko na kaya.
Pumasok na ako sa bahay. Walang ilaw. Baka tulog na sila?
Pumasok ako sa kwarto namin, habang umiiyak parin.
Buhay yung ilaw. Andun si Baekhyun nakaupo sa kama na parang may iniisip.
Ng hindi sinasadya tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya ng mahikpit.
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomansaI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?
