"I.." Nakatingin si sir Lee sa baba.
"Dad? What do you have to say..? Just tell her the place where you have bought it" sabi ni Jeehyun.
"Hindi ko yan binili Jeehyun.." Biglang sabi ni sir Lee at huminga ng malalim.
"Huh? Saan nyo po ba nakuha?" Tanong ni Jeehyun.Huminga ulit si sir Lee ng malalim bago mag salita.
"Jeehyun, anak. May kailangan kang malaman.. " sabi nya.
"A-ano po?" Pinisil ni Jeehyun ng konti ang kamay ko.
Kinakabahan din ako..
"Mahaba habang kwento ang sasabihin ko ngayon.. Hindi ko alam kung makakatulong to sayo Yuri.."
"Nung 22 lang ako,may girlfriend akong kasing edad ko lang.. Patago ang relationship namin, kaya kami lang ang nakaka-alam. Mahal na mahal namin ang isa't isa. Pero isang araw, nalaman ng mga magulang ko, lola't lolo mo Jeehyun, ang relationship namin. Simula non, pinag bawalan na akong makipag kita sa kanya kasi ayaw nila akong magkagirlfriend na hindi korean, kasi tradition yun, pero hindi ako sumunod at tumira kami ng girlfriend ko sa isang maliit na bahay dito parin sa Korea. Dun kami nagmahalan ng walang umiistorbo, hanggang sa matagpuan kami ng magulang ko. May pinakilala silang babae sakin, si Anne, sya ang ipapakasal sakin ng magulang ko. Pinilit nila akong pakasalan sya. Pero buntis yung girlfriend ko at mahal ko sya kaya lumuwas kami ng Korea, at nagpunta sa Manila, sa pilipinas, kung saan sya nakatira. Habang nasa bahay kami, nung naliligo sya, nakita ko ang cellphone nya, may tumatawag na isang lalaki, sinagot ko at hindi maganda ang narinig ko.. Dun ko nalaman na niloloko nya ako. Kahit ganun, hindi ko sya iniwan kasi mahal ko sya at magkaka-anak na kami. Ilang months makalipas, nanganak sya, babae. Dalawa sila, pero yung isa.. Wala.. Hindi daw sya humihinga.. Na depress sya, at madalas kami nag aaway, lalo na at palaging tumatawag yung mga magulang ko. Nag aaway kami dahil sa hindi pagtanggap ng magulang ko sa kanya at dahil in-engaged ako ng magulang ko kay Anne. Sinabi ko sa kanya na hindi ko sya iiwanan pero pagod na daw sya.. Ayaw na nya daw.. Pinagtulakan nya ako papalayo hanggang sa tuluyan na akong umalis, kasama ang baby namin.. Habang hawak hawak ko sa sya airport, na pansin ko na hindi yung necklace nya ang nakasuot sa leeg nya, kundi yung sa kapatid nya, na si Kim, yung wala na.. Bumalik na ako sa Korea at dun ako pinakasal kay Anne. Mabait sya at mapagmahal, pero alam nya na hindi ko sya kayang mahalin.. Alam nya na anak namin ng girlfriend ko yung baby na dala ko.. Inalagaan nya to at pinalaki kasama ko, itinuring nyang tunay na anak.. Unti unti, natutunan ko rin sya mahalin pero maaga syang nawala.." Napahinto si sir Lee at tumingin sa baba, naiiyak sya.
Naguguluhan ako..
Si Jeehyun naman umiiyak habang nakatingin sa baba, kinakagat nya yung labi nya.
"Si-sir Lee.. Ano po ang pangalan ng girlfriend nyo?" Mahina kong tanong.
"Yukiko.." Sagot nya habang pinupunasan ang luha na tumutulo sa mata nya.
Mommy ko yun.. So naging sila? Tapos nung magkaanak sila, dalawang babae.. Pero.. Si Jeehyun yung baby na nabuhay.. At yung namatay.. Si Kim..? Bakit ganun? Sino ako?! Kala ko ba sya yung dad ko..?
Nagsisinungalin nanaman ba si mommy..?Umiiyak ako, ang bilis tumulo ng mga luha sa pisngi ko, na agad naman basa.
"Sir Lee.. Anong pangalan nyo?" Tanong ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Seunghwan" matamlay na sagot nya.
Oh! Seunghwan.. Tapos nag ka anak sila ni mommy..
Pero bakit dalawa ang Seunghwan ang pinaghihinalaan ko na dad ko..?
Ang gulo gulo.. Bakit ngayon ko lang nalaman na Seunghwan ang pangalan nya..? Ang dami dami kont tanong na wala naman sagot."Bakit ka umiiyak Yuri?" Tanong ni sir Lee.
Magsasalita na ako nung sumigaw si Jeehyun kay sir Lee..
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomantiekI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?