*Tun..Tun..Tun*
..huh..? Where am i? I can barely see what's in front of me but it's blurry.. I can't even hear the voices around me.. What's going on..?
As i try my best to focus what i can barely see, my vision goes blank.
I can hear some voices around me..
Hindi ko alam kung ilang minuto or oras ang nakadaan, parang matagal na.. pero 'naka malay' na rin ako.
Sinubukan ko umupo sa kinakatayuan ko pero hindi ko maigalaw yung right foot ko.
"Ouch.." Sabi ko sa sarili ko.
"Hui! Wag ka masyadong gumalaw." Sino yun? Hindi ko makita yung mukha nya .. Malabo pa paningin ko..
"Lumabas nga muna kayo! Ang sikip sikip na dito!" Boses ng isang babae.. Si Jeehyun?
"Pero--"
"Tse! Labas!" Sigaw ulit nya.
..
"Yuri?" Mahina nyang sabi.
"Jeehyun, kaw ba yan?" Sabi ko.
"Oo.. Ok ka lang ba?"
"O-oo.Tara na, alis na ako dito" sabi ko. Sinubukan ko ulit umupo pero pinigilan nya ako.
"Baliw ka ba?! Muntik ka na nga masagasa ng tuluyan! Buti nga at nakapag preno yung driver! .. Pero kahit ganun, nadali parin yung paa mo.." Sabi nya.
"Bakit ka nga ba nasa gitna ng daan?!" Tanong ni Jeehyun
"Ahm.."
Ikwinento ko lahat.
"HUH? What a ... Buti nalang at sa cellhone nya lang nakasave yung mga picture. Haha buti talaga at tinapon mo dun sa lake." Sabi nya.
"Hindi ko naman sinadya, Jeehyun.. Nabigla lang ako dahil hinila ni Trish yung buhok ko.." Sabi ko.
"Eh paano ka napunta sa gitna ng daan?" Tanong nya.
"Nagalit sya ng sobra kaya yun, nasaktan nya ako, sinabunutan hanggan sa mapunta ako sa gitna ng daan. Nung nakita ko yung kotse na paparating tinulak ko si Trish sa tabi ng daan, kasi hindi nya ako pinapakinggan.. Tapos nung tatakbo na ako papunta sa tabi ng daan, nadapa ako." Kwento ko.
"Grabe talaga..." Sabi nya.
".."
"Sige labas muna ako dito ah? Kailangan to malaman ni dad ay sir Lee pala" sabi nya.
"Sige.. Ingat." Sabi ko.
"Don't worry nandito naman yung iba." Sabi ni Jeehyun habang sinasara yung pinto ng room.
Biglang may pumasok.
"Yuri? Ok ka lang??" Si Baekhyun yung pumasok.
"Oo."
"Sure ka?"
".."
"may mali ba..?"
"Sa tingin mo? Akala mo ba hindi mo ako sinasaktan sa pag iwas sakin? Dahil akala mo pag sinundan mo yung sinasabi ni Trish, hindi ako masasaktan? Sorry but, no! At tsaka diba dapat ang problem ng isa, problem ng lahat? Bakit mo itinago samin lahat? Pwede ka naman namin tulungan ah! Alam mo, parang sinabi mo na rin na ok lang sayo yung ginagawa mo! Hindi mo man lang sinubukan gumawa ng paraan! Alam mo ba kung ano naramdaman ko all this time?!"
Ang bilis pumatak ng mga luha sa pisngi ko.
"Sorry Yuri.."
"Sorry? Ano magagawa ng sorry mo? Umalis ka na dito.."
"Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Akala mo ba madali para sakin ang hindi ka malapitan? At sa tingin mo hindi ko sinubukan gumawa ng paraan? "
".."
"Yuri.." Hinawakan nya ang kamay ko pero iniwasan ko.
"Umalis ka na. Ayaw kita makausap.."
"Pero--"
"Please.. "
Dahan dahan sya tumayo at umalis sa kwarto.
Sana maintindihan nya din ako.. I just need some time..
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?