Chapter 44

339 6 1
                                    

"Ah, wala sorry. Tara na?" Lumabas na kami sa kwarto at umupo sa carpet kung saan nakaupo silang lahat.

"Ano ba nilalaro nyo?" Tanong ko nung makaupo na ako.

"Dare" sabi ni Lay.

"Dare..?" Sabi ko.

"Oo, kung sino ang tamaan ng bote, sya ang gagawa ng isang dare" sabi ni Kai.

"Ah Tao, ikaw na pala" sabi ni Sehun.

"Ok, ano yun?" Sabi ni Tao.

"Sumayaw ka" sabi ni Sehun.

"Yun lang? Haha! Kayang kaya" mayabang na sabi ni Tao haha.

"Wait lang hindi pa ako tapos. Sumayaw ka habang may ice cubes sa pants mo" sabi ni Sehun.

Tumawa silang lahat.

"Huh?! Sige.." Kumuha sya ng nga ice cubes at nilagay sa pants nya. Bigla syang napatalon, baka sa lamig. Sumayaw sya kahit mali mali, nakakatawa yung mukha nya.

"Ok, next" sabi ni Luhan.

Inikot nila yung bote at tumapat kay Jeehyun.

"You have to guess kung sino ang hinahawakan mo ng naka blindfold. Pag hindi tama, lalaggyan namin ng gel ang buhok mo"

"Sige" nilagyan nila si Jeehyun ng panyo sa mata at sinigurado na hindi sya nakakakita. Si Kyungsoo ang nasa harap nya. Sinimulan na ni Jeehyun hawak yung mukha ni Kyungsoo.

"Ahm.." Hinawakan nya yung ilong. Pero hindi nya alam. Then yung mga tenga ang hinawakan nya.

"Hindi to si Chanyeol for sure.. Haha" sabi nya.

"Hindi rin ito si Sehun.. Iba yung jaw shape.. Hindi rin si Luhan.. Sino ba to?" Biglang hinawakan ni Jeehyun yung ulo ni Kyungsoo.

"Magkasing pantay lang kami.. Hahaha.. Alam ko na ata to. Kyungsoo?"

"Hahaha tama!" Sabi ng iba.

Inalis na ni Jeehyun yung panyo at pinaikot yung bote. Tumapat kay Baekhyun.

"Ano gagawin ko?" Tanong ni Baekhyun.

"Lagyan mo ng lipstick ang taong nasa right mo ng hindi ginagamit yung mga kamay." binasa si Jeehyun yung mga dare galing sa mga fans.

.. Wait. Ako ang nasa right nya ah. Dahan dahan ako umalis sa tabi ni Baekhyun pero nahuli nila ako.

"Sige na Yuri! Wala lang yan!" Sabi ni Suho at Kai.

"Sige sige.." Sabi ko.

Pinahiram ni Jeehyun yung lipstick nya na pula kay Baekhyun. 'Kinagat' nya ito at lumapit sa mukha ko. Eye contaaact lol. Dahan dahan nya ipinatong yung lipstick sa lips ko gamit yung bibig nya. Napapikit ako. Ramdam ko yung mahinang pag'dulas' ng lipstick sa lips ko. Bigla itong tumigil.

"HAHAHA!" Napatigil si Baekhyun. Anyare? Tumayo ako at tininnan ko ang sarili ko sa salamin. Hala! Mukha akong si Joker, from batman -.-

"Hahahaha!" Tumatawa yung iba. Isa nanaman itong masayang araw para sakin. Pero hindi nagtagal lumabas nanaman ang mga problema.

--FF--

Tatlong araw na ang nakalipas, normal lang. Walang mga problema at hindi ko na nakita yung babae na sumunog ng bahay.. Andito kami sa practice room' nag prapractice ng madami..papalapit ng papalapit yung araw na iprepresent ako as member nila. At dahil dun humikpit yung mga security guards.

"Hindi ganyan, ganto yung step!" Sabi ni Kai sakin.

"Sige sorry" inulit ko yung step.

"Break muna tayo!" Sabi ni Suho.

"Kaya nga, pahinga muna. Nauuhaw na ako" sabi ni Xiumin habang pinupunasan nya yung pawis nya.

"Ahm nasan cellphone ko?" Tanong ko habang patingin tingin sa mga sulok.

"Ewan" sagot ni Chen.

"Ay oo nga, nakalimutan ko sa van. Kunin ko lang ha?" Sabi ko.

"Mag pa alam ka muna sa kanila" sabi ni Tao sabay turo sa mga guards na nag memeryenda.

"Hindi na, mabilis lang naman" sabi ko.

--

Ok sorry for the short update :) ud nalang ulit mamaya maya. Salamat :)

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon