Nasa tapat kami ng isang kwartong naka sarado ang pinto. May inabot si sir Lee sakin ng hindi sinasagot yung tanong ko.
Ano to..?
"Dear Yuri.. Sorry. Sorry sa mga nagawa ko, dahil napahamak ko yung buhay mo.. Alam mo ba kung bakit ko yun nagawa? Kasi ako nga rin naguguluhan.. Alam mo, fan ako ng exo at palagi akong updated.. Dun ko nalaman na magiging member ka nila.. At naisip ko na kung may boses pa sana ako edi sana ako ang nasa pwesto mo.. Kaya sinubukan kitang takutin, at saktan pero.. Ngayon ko lang narealize na mali. Mali pala ang mga ginagawa ko.. Sinisisi kita palagi sa kahit ano man ang masamang mangyari sakin kahit wala ka naman kasalanan.. Alam mo, baka baliw na ako. Sorry ulit.. At tsaka wag ka mag alala hindi na kita guguluhin.. Hindi mo na kailangan umalis, kasi ako na mismo ang aalis .. Kasi parang wala na akong mukhang maihaharap pa sayo.. Sa lahat. Sorry talaga Yuri. From Yoorin"
Hindi ko namalayan na lumuluha ng dahan dahan ang mga mata ko.
"Anong ibis sabihin nito..? Nasaan si Yoorin?" Tanong ko.
".." Tinuro ni sir Lee yung kwarto.
Bilis bilis akong pumasok.
Isang kamang puti malapit sa dingding ang nakita ko. May taong natutulog.
"Yoorin?" Dahan dahan akong lumapit.
Hindi sya sumasagot.
"Y-yoorin?" Inalis ko yung puting blanket na tumatakip sa kanya.
.. A-ano to?!
"Yoorin!" Nakapikit ang mga mata nya, wala na syang kulay.
"Bakit?! Alam mo ang tanga tanga mo! Bakit mo sinayang yung buhay mo para lang sa isang pagkakamali?! Diba sabi ko noon tutulungan kita?!" Kinakalog ko sya at umiiyak.
"Yuri tama na.." Pumasok si sir Lee at inilayo ako sa kanya.
"Bakit..?" Napaluhod ako at tinatakip ko yung mukha ko gamit ang mga kamay ko.
"..yaan mo na Yuri.. Baka masaya na sya ngayon kasi wala na syang mga problema" sabi ni sir Lee.
"Paano po to nangyare?!" Tanong ko.
".. Pagkatapos operahan, mga isang oras makalipas, binisita namin sya. Nakahiga sya at mukhang ok na (behave) .. Humingi sya ng papel samin kaya biniggyan namin. Umalis na kami sa kwarto at nung bumalik kami wala na syang buhay.. Nag pakamatay sya.. Hindi namin alam kung ano ang ginamit nya pero nakita namin na laslas na yung wrist nya.." Sabi nya.
.. Wala akong masabi at kung meron man hindi ko masasabi kasi naiyak ako. Tumayo ako at tumakbo. Ayoko ko muna umuwi kaya pupunta nalang ako sa park..
Umupo ako sa isang bench at umiyak habang iniisip yung nangyare. Dapat kasi hindi to nangyare.. Kasalanan ko ata to.. Ano gagawin ko? Umuwi nalang kaya muna ako sa pilipinas..?
Biglang nag vibrate yung cellphone ko.
"From: Jeehyun. Nasan ka? Sabi ni dad tumakbo ka sa labas.." Isang text ang natanggap ko.
Tumawag ako sa kanya.
"Hello..?" Sabi ko.
"Yuri! Nasan ka? I'm worried! We're all worried!"
"Nasa park.. Wag kayo mag alala, ok lang ako.." Sabi ko habang pinupunasan ko yung mga luha na natitira.
"Sige wag kang aalis dyan! Wait for me!"
Call ended.
Makalipas ilang minuto dumating na rin sya.
"Ok ka lang?" Tanong nya habang uumupo sa tabi ko.
"Oo bakit naman hindi.." Sagot ko habang nakatungo.
"..uwi na tayo.." Sabi ni Jeehyun.
"ayoko pa.."
Niyakap nya ako.
"Dapat kasi--"
"Oo Yuri.. Alam ko.."
--FF--
Nakalipas na ang ilang araw simula nung mamatay si Yoorin. Hindi ko na rin masyado iniisip yun, kasi wala na akong magagawa pa.. Baka maayos na sya kasama si God..
Anyway, day off namin ngayon. Ano kaya magawa namin? Medyo boring sa bahay..
"Pahinge!" Nag aagawan sina Chanyeol at Kyungsoo ng popcorn.
Nanonood sila ng movie sa salas.
Andito ako sa practice room ng bahay na maliit lang at simple, nag mumukmuk kasi hindi ko magawa yung isang part ng song.
"Uhh! Ano ba to?!" Sabi ko habang hinagis yung papel kung saan naka sulat yung lyrics.
"Kailangan mo ng tulong?" Napatingin ako sa taas at nakita ko si..
--
Hi :) salamat po sa pag basa :) malapit na po matapos ang story na to :( hahaha. Sana suportahan nyo din yung ibang mga story ko :) salamat po :)
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomansaI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?