Chapter 18

478 11 2
                                    

Yuri's POV

umaga na pala. Ay dito nga pala ako natulog.. Sino to? Ah oo nga pala. Si Chanyeol. Anong oras na? 6 am.. Tulog pa silang lahat. Makapag ayos na nga. Pumunta ako sa tapat ng pinto ng kwarto (namin) pero tumigil ako. Nasa loob yung dalawa.. Dahan dahan ko binuksan pero nakasara.. Ahm.. Makapagluto na nga lang ng pagkain para sa breakfast. Nag gayat ako ng mga vegetables habang iniisip yung sabi ni Trish. Bigla ako nataga..

"Ouch!" Napasigaw ako.

"Hui! Anong nangyare?!"

"Waaah!" Napasigaw ulit ako kasi nagulat ako. Ay. Si Chanyeol pala.

"Luh! Ginulat mo ako! Bakit ka ba nandito?" sabi ko sa kanya.

"Wala. Wala ka na kasi dun. Kaya pala maluag na haha ano ba nangyare sayo? " Sabi nya.

"Ahh haha. Wala.. Nataga lang ako. Matulog ka na ulit. Ako na dito." Sabi ko.

Pero hindi sya pumayag. Pumunta sya sa banyo at bumalik. May daladalang bandages. Nilagyan nya ang daliri ko.

"Baka mag ka infection yan, kaya mas magaling ang lagyan nyan." Sabi nya.

"Ah.. Salamat" sabi ko.

Tinulungan nya ako magluto. Pagkatapos bumalik na kami sa living room. Unti unti nagising yung iba.

--

Baekhyun's POV

..ewan ko ba.. Naguguluhan talaga ako. Kakagising ko lang. Andito si Trish, natutulog sa kama ni Yuri..

Namimiss ko yung dati..

Wait. May nariring ako konting ingay.. Binuksan ko dahan dahan yung pinto, at nakita ko si Chanyeol na pumunta sa banyo. Nandun si Yuri sa kusina. Teka, dumudugo ba daliri nya? Bago ako makita ni Chanyeol sa labas ng kwarto, pumasok ako. At pasilip silip. Hindi naman siguro ako kailangan ni Yuri.. Andyan naman yung iba. Siguro dapat mas biggyan ko ng attention si Trish.. I think i'm still in love with her..

"Hmm.. " gising na rin pala si Trish.

"Go-goodmorning.." Sabi ko.

Hindi nya ako pinansin at lumabas sya sa kwarto.

Bago lumabas, nagbihis muna ako.

Pagkaupo ko sa sofa, nakita ko si Yuri nakikipag usap sa iba. Nung makita nya ako na nakatingin sa kanya, iniwasan nya yung tingin ko, ano nangyayare dito? May nagawa ba akong mali..?

Nung nagising na ang lahat, umupo na kami sa table.

Tumabi ako kay Trish at Sehun (nasa gitna ako nila) habang kaharap ko si Yuri.

--

Yuri's POV

nung magising ang lahat, umupo na kaming lahat sa table. Hinanda namin ang lahat ni Chanyeol.

Umupo ako sa tabi nya at ni Luhan. Kaharap ko sina Trish at Baekhyun. Sinadya ba ni Trish to..?

Nagsimula na kami kumain.

"Say ah!" Napatingin ako sa harap ko. Sinusubuan ni Trish si Baekhyun. Nagtinginan yung iba sa isat isa.

"Say ah!" Sabi bigla ni Tao kay Suho.

"Loko ka hahaha" sabi ni Suho. Napatawa kaming lahat.

Hindi na ako tumingin sa harap ko hanggan sa naramdaman ko nabasa yung suot ko.

"Opss!" Sabi ni Trish. Patawa tawa sya. Napatingin yung iba samin dalawa. Napatayo ako.

"Ano ba problema mo?!" Napasigaw ako. Tumayo sina Chanyeol at Luhan at pinigilan nila ako maabot si Trish. Inalis ko yung mga kamay nila na at tumakbo ako papunta sa banyo. Nasasaktan na ako. Pinag trtripan na nya ako. Hay.. Makapag bihis na nga para mamaya..

Pagkatapos magbihis at mag ayos napadaan ako kung saan nasaan yung iba na nakain.

"Bye" sabi ko.

Umalis na ako. Wait. Saan ba ako pupunta? Wait nag vvibrate yung cellphone.

I got a txt from.. Chanyeol.

"Saan ka ba pupunta? .. Nag aalala kami."

.. 'Kami' .. pati kaya si Baekhyun..? Hindi. Yuri wag kang tanga. Hindi ka mahal ni Baekhyun, mahal nya pa si Trish..

"Ok lang naman ako, wag kayo mag alala.. Pupunta lang ako kina Jeehyun." Text ko.

Nag reply sya agad.

"Ah. Sige. Susunduin ka namin dun mamaya. Ingat ka"

Nag pahatid ako sa driver (namin) kina Jeehyun. Pagdating sa tapat nila, kumatok ako.

"Who's there?"

"Ako to, si Yuri." sabi ko.

"ako to si Yuri who?"

"Baliw haha. Jeehyun dali na, buksan mo to." Sabi ko.

Binuksan nya yung pinto habang natawa . Niyakap ko sya agad.

"Haha hi Yuri. Oh? May nangyare ba?" Sabi nya habang pinapasok ako.

Ikwinento ko sa kanya lahat, at sinabi ko rin sa kanya na may nararamdaman ako kay baekhyun.

"Si Trish?!" Sabi nya.

"Oo.."

Namumula na si Jeehyun.

"Ang landi talaa nung babaeng yan. Nakakainis. tsk" sabi nya.

"Mag ingat ka Yuri.. Sigurado ako na nay binabalak yan.. " dagdag nya.

Nag usap usap kami hanggan sa may kumatok.

"Who's there?" Sabi ni Jeehyun.

"Kami."

"Ah Jeehyun, baka sinusundo na nila ako." Sabi ko.

Pinapasok sila ni Jeehyun.

Sina Chanyeol, Kai, Chen, Tao, Luhan at Lay lang nandito.

Nung makita ni Jeehyun si Luhan, niyakap nya to at nag usap.

"Salamat sa pag alala ah? .. Dapat hindi na kayo nag alala, wala naman nangyare eh." Sabi ko sa kanila.

"Wala yun. First time kita nakita na nagagalit, kaya nag alala ako" sabi ni Tao.

"Kaya nga, wala yun. Ok ka lang ba?" Tanong ng iba.

"Oo naman.." Ngumiti ako.

"Pag pasensyahan mo na si Trish, Yuri.. Ganyan talaga yan." Sabi ni Chen.

"Pero pinag tritripan nya ako. Hay.. Sige na nga.. Susubukan ko controlin sarili ko." Sabi ko.

"Tsaka pag kailangan mo ng kausap, nandito naman kami." Sabi ni Chanyeol.

"Salamat" ngumiti ulit ako.

Pero naisip ko, wala pala dito si Baekhyun. tama nga ako. Hindi na talaga ako pinapansin nun.. Di bale. Maaalis ko rin tong nararamdaman ko para sa kanya.. Or at least susubukan ko.

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon