Pagkatapos ko maligo dumeretso na ako sa kwarto. Nakalimutan ko pala na nandyan si Baekhyun. Sana tulog sya. Humiga na ako at nakatulog na ka-agad. Nagising ako ng mga 1am. Hindi na kasi ako makatulog. Umupo ako sa kama ko at tininnan ko si Baekhyun na natutulog. Hindi ko na namalayan na nasa harap na nya ako. Hinawakan ko yung noo nya. Mainit init pa ng konti. Kinuha ko yung towel, pumunta ako sa banyo at binasa yung towel. Bumalik ako sa kwarto at inilagay ko yung towel sa noo nya. Hindi ko alam kung bakit pero napaupo ako sa tabi nya. Tinitinnan ko yung mukha nya. Palapit ako ng palapit nung nagising sya. Luh!
"Ano.. Anong ginagawa mo?" Sabi nya . Napa-upo ako sa sahig kung saan pa silip silip si Baekhyun. Namumutla na ata ako, buti nalang patay yung ilaw haha.. Nakakahiya.
"Ahm.. Pinaltan ko lang naman yung towel.. Mainit ka kase." Excuse ko.. Wait excuse ba yun? Totoo naman yun eh..
"Ah sige. Salamat." Sabi nya. Yun lang? Akala ko pa naman aasarin nya ako.
"Ah.. Welcome." Tumayo na ako para humiga na ako sa kama ko pero hinila nya ako at napaupo ako sa kama nya. Niyakap nya ako, at nabigla ako sa ginawa ko. Hindi na ako nag reklamo, niyakap ko nga rin sya.. Totoo ba to? Bakit.. Bakit ko to ginagawa? Wala syang sinabi, basta.. Basta nag yakapan kami . Bago nya ako pakawalan sa embrace nya sabi nya: "totoo yung sinabi ko kanina.. Sigurado na ako. Tandaan mo yan" wala na akong nasabi. Humiga na ako at natulog.
Pagkagising ko wala na si Baekhyun sa kama nya. Wala na syang lagnat? Nag bihis na ako at nag ayos. Lumabas ako sa kwarto at nakita ko si Baekhyun, Xiumin at Chen habang nanonood ng tv. Nung makita ako, tumayo si Chen at sinalubong ako.
"Goodmorning Yuri" bati nya sakin with a big smile.
"Goodmorning din hehe" sabi ko sa kanya.
"Nakakain kana?" Tanong nya habang pasilip silip ako kay Baekhyun. Bakit hindi nya ako pinapansin? Parang wala lang yung sabi nya kahapon.. Hay, baka napagtripan lang ako.
"Ahm hindi pa . Ikaw ba?" Sagot ko sa kanya.
"Hindi. " sagot nya.
"Sabay na tayo Chen" sabi ko sa kanya habang hinihila sya.
"Yung iba nakakain na?" Tanong ko sa kanya habang nag luluto ng breakfast.
"Hindi pa din." Sagot nya. Nagluto ako for 12people. Hay, nakalimutan ko batiin si Jeehyun bago sya umalis. Pagkatapos ko magluto tinulungan ako ni Chen maglagay ng plato sa table. Unti unti nagising yung iba. Lahat sila binati ako except for Baekhyun. I feel like a fool . Akala ko pa naman totoo yung sinasabi nya kahapon.. Huh nevermind. Makakain na nga.
Tumabi ako kay Chen at Lay.
"Bon appetit" sabi nilang lahat.
"Oy Yuri, ang sarap mo magluto." Sabi ni Lay sakin nung natikman yung niluto ko.
"Ah haha salamat. Pero mas magaling ka magluto kesa sakin ng korean food.. Turuan mo kaya ako" Sabi ko habang kumakain.
"Ah! Sige sige. Pag may time tayo tuturuan kita." Sabi nya.
"Ahm may gagawin ba tayo? Ano ba schedule natin?" Tanong ko sa dalawa.
"Ahm dance rehersal at may gagawin tayong add. Tapos wala na." Sabi ni Lay.
"Sino sa inyo ang pwede akong samahan sa labas? Pasama pleasee" sabi ko.
"Ako! Ako!" Sabi ni Chen.
"Salamaaaat." Sabi ko. Hay gumanda mood ko ^^
"Saan ka ba pupunta? Ano gagawin mo sa labas?" Tanong ni Lay pagkatapos uminom.
"Wala, ang tagal ko na hindi nakakalabas simula nung naging member ako ng exo" sabi ko.
Pagkatapos namin lahat kumain inayos namin yung table at hinugas ang mga plato. Since bihis na naman ako, nag toothbrush nalang ako at inintay si Chen sa living room. Walang tao sa living room kung di ako lang hanggang sa umupo sa tabi ko si Baekhyun. Lumayo layo ako pero lapit sya ng lapit.
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
Roman d'amourI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?