Pagkatapos mag bihis ini-unlock ko yung pinto. Kakatalikod ko lang nung may bumukas kaya nauntog yung ulo ko sa pinto. Sino ba kasi yan? Uso kaya kumatok.
"Ouch naman." Sabi ko habang hinahawakan yung ulo ko. Humarap ako sa pinto, at nakita ko si.. Kai?
"Ay sorry! Hindi ko kasi alam na nandyan ka sa tapat ng pinto.." Sabi nya.
"Ahm ok lang.. Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Pinapasok ko sya sa kwarto, umupo ako sa kama habang umupo naman sya sa upuan.
"Wala lang. Magpapasalamat ulit ako sayo." Sabi nya habang nakangiti. Niyakap nya ako. Medyo kinilig din ako kasi nga crush ko sya.
"Ah. Wala yun haha. Ahm.. Alam mo ba kung nasaan si Baekhyun? Wala kasi sya dito sa kwarto as you see.." Sabi ko sa kanya. Pero bakit ko tinanong si Baekhyun?
"Ewan. Baka nasa garden. Paano ka nga pala nahulog sa pool?" Tanong nya.
"Eh kasi natulala ako habang nakaupo sa gilid ng pool tapos hindi ko alam kung paano pero nahulog yung bracelet ko kaya sinubukan ko abutin pero nadulas ako kaya nawala yung balance ko.." Kwento ko sa kanya.
"Ahh. Bracelet lang naman yun Yuri haha. Hindi yun kasing halaga mo." Sabi nya. Ang sweet.. Pero parang walang reaction yung puso ko..
"Hehe salamat.. Kaso bigay yun ng mom ko nung maliit pa ako.. Mahalaga yun sakin." Sabi ko.
"Ah.. Sorry. Susubukan ko hanapin mamayang hapon pagdating natin." Sabi nya.
"Sige salamat" napangiti ako.
"Haha.. Wala yun, basta masaya ka gagawin ko ang lahat." Sabi nya. Nag paalam na sya at lumabas sa kwarto. Pagkalabas ni Kai napahiga ako. Makatawag nga kay mommy.
"Hello Yu? Musta ka na?!" Sabi agad ni mom.
"Hi po. Ok lang naman po. Kayo po? Si daddy?" Sagot ko.
"Ok lang kami anak. Musta ang pag hahanap mo?" Tanong ni mommy.
"Eto.. Nagpapasikat para mapadali ang pag hahanap ko sa kanya." Sagot ko.
"Nagpapasikat?!" Sabi nya.
"Opo.. Natanggap po ako as new member ng exo. A boyband" sagot ko.
"Ah.. Goodluck Yu. Kaya mo yan.. Tawag ka samin pag may kailangan ka ha? " sabi nya.
"Sige po mom. Kailangan ko na to ibaba. Ingat po kayo. Loveyou mom." Sabi ko
"Ingat ka din. Love you more Yuri." Sabi nya . Call ended. Tumayo na ako at nag make up, since hindi naman ako nag make up kaninang umaga bago umalis. Konti lang naman, eyeliner, mascara at lipgloss. Hindi kasi ako mahilig maglagay ng mga fond. At powders sa mukha ko. Pagkatapos ko mag "make-up" may pumasok sa kwarto. Si Baekhyun. Basa sya, baka naligo.. Ay! wait! shirtless nanaman sya! Simula pagpasok nya, nakatitig na ako na hindi ko na malayan. Inalis ko yung tingin ko, ramdam ko na umiinit yung mga pisngi ko.
"Oh bakit ka namumula?" Tanong nya sabay lapit sakin. Bakit ganun? Lumapit lang sya tapos lumakas yung pagtibok ng puso ko.
"W-wala. Lu-lumayo ka nga. Magkasing tapat na yung mukha natin." Sabi ko sa kanya habang inilalayo ko yung mukha nya gamit kamay ko. Pero hindi sya lumalayo ng kahit isang cm. Ipinikit ko yung mga mata ko for no reason. Kinakabahan ako. After a while iminulat ko, tumatawa sya. Oh wtfudge.. This is so embarrassing..
"Alam mo nakaka inis ka!" Sigaw ko. Hinagis ko yung unan ko sa mukha nya. Tawa pa rin sya ng tawa. Tss.
"Dyan ka na nga" sabi ko. Tumayo na ako papunta sa living room. Biglang tumigil si Baekhyun sa kakatawa at hinarangan yung pinto. At dahil patakbo na ako, nauntog ako sa chest nya. Asar. Talbog ako eh.
"Wag" sabi nya with a serious face. Serious bigla? Lols. Napatingin ako sa mukha nya.
"Bakit kaba naiinis? Gusto mo na ituloy ko yung kiss no? Hahaha" sabi nya. Hay nang-aasar nanaman to. Kinurit ko ng mahina yung braso nya para tumigil sya, pero tawa parin sya ng tawa. Pero tumigil na rin sya at tinitigan ako.
"Ba-bakit?" Sabi ko.
"May ibibigay pa ako sayo." Ay. Naalala ko na ibibigay ko pa sa kanya yung binili ko. Pero ano ibibigay nya?
"A-ano?" Sabi ko. Hinawakan nya yung kamay ko, at may kinuha sya sa bulsa ng pantalon nya at nilagay nya sa wrist ko. Wait.. Bracelet ko ba yan?! Paano napunta sa kanya?
"Bracelet ko yan ah! Paano napunta sayo?" Tanong ko habang tinitinnan yung wrist ko.
"Nakikinig ako kanina sainyo ni Kai, kaya nag swimming ako para hanapin yung bracelet mo. Pagkatapos, naligo ako at pumasok sa kwarto." Sabi nya.
"Eh.. Bakit mo hinanap? Diba si Kai ang nagsabi na maghahanap?" Tanong ko. Ewan ko ba kung bakit ko to natanong.
"Kasi hindi lang sya ang gusto magpasaya sayo." Sabi nya. Aw.. Oh wait! Ba-bakit ko sya niyayakap? Niyakap ko sya bigla at parang nagulat sya pero niyakap nya din ako. Nakalipas na ang 2minutes pero hindi parin kami umiibo , his embrace is so warm.. I don't know why but i kinda feel protected.. Why am i feeling like this?
Biglang may kumatok. Napalayo kaming dalawa sa isat isa. Tumalon ako sa kama ko at nagkunwareng nag ce-cellphone. Binuksan ni Baekhyun yung pinto.
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?