Pumasok na ako sa bahay. Walang ilaw. Baka tulog na sila?
Pumasok ako sa kwarto namin, habang umiiyak parin.
Buhay yung ilaw. Andun si Baekhyun nakaupo sa kama na parang may iniisip.
Ng hindi sinasadya tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya ng mahikpit.
--
Baekhyun's POV
Umalis si Trish, may gagawin daw sa place nila (hindi sya tutulog dito for about 1 week).
"Kakain na!" Si Chen ata sumigaw.
Lumabas ako sa kwarto at umupo sa lamesa. Bakit parang kulang?
"Nasan si Yuri?" Tanong ni Tao.
"Nasa labas. Nag pa alam sya kanina" sabi ni Chanyeol.
Ganun.. Nag simula na kaming kumain.
"Hindi na ba natin sya iintayin?" Tanong ni Kyungsoo.
"Gutom na akoo! Hindi ko na kaya mag intay!" Sabi ni Chen.
"Oo nga gutom na tayong lahat.. Mag tira nalang tayo para pag nagutom sya mamaya." Sabi ni Xiumin.
Pagkatapos kumain, nag imis kami ng kalat at bumalik na ako sa kwarto.
Humiga ako sa kama ko. Ayoko na sundan si Trish.. Pero hindi ko pwede hayaan na ipublish nya yung mga pictures.. Kailangan ko gumawa ng paraan. Pero sa ngayon kailangan ko sya sundan sa mga gusto nya.
Napansin ko na mga 8 pm na pero wala pa si Yuri. Nasan ba sya? Baka kina Jeehyun.. Umupo ako sa kama ko at nilagay yung headphones para mawala yung mga iniisip. Makalipas 10mins lumabas ako sa kwarto para uminom ng tubig. Wala na yung iba, siguro tulog na kasi maaga pa kami bukas. Pagkatapos, bumalik na ako sa kwarto at humiga.
Ewan ko kung bakit hindi ako makatulog..
makalipas 20mins (8:30pm) papikit pikit na ako habang nakaupo nung bigla nalang nag bukas yung pinto ng kwarto.
Si Yuri? Gabi na ah. Hindi ko makita ang mukha nya, patay kasi yung ilaw, pero ng hindi ko inaasahan tumakbo sya palapit sakin at niyakap ako ng mahikpit. Uh? Ano nangyayare? Umiiyak ba sya??
Niyakap ko rin sya.
"Ok ka lang..?" Tanong ko.
".."
(Nakaupo ako sa kama) hinikpitan ko yung yakap habang pinaupo ko sya sa tabi ko.
"May nangyari ba..?" Tanong ko ulit.
"..." Wala syang imik.
*Makalipas ilang minuto*
"Yuri?"
".." Tulog na ata sya..
Dahan dahan ko sya ini-higa sa kama nya. Basa yung mukha nya ng luha kaya pinunasan ko. Sana maging ok lang sya.
Humiga na rin ako (sa kama ko) at tumulog.
--
Yuri's POV
Huh? Anyare..?!
Nakatulog nga pala ako habang kayakap si Baekhyun! Luuuuh.. Ano sasabihin ko?? Ganto nalang! Dedma! Hindi ko nalang sya papansinin hanggan sa makalimutan nya na niyakap ko sya kagabi! Pwede ba yon..?
Pagbangon ko, wala na sya. Anong araw ngayon? Uh.. Anong oras na? Uh, WHAT? Waah! Late ako nagising! Maaga pa kami aalis mamaya! Bilis bilis ako nag bihis at nag handa. Pagkatapos lumabas na ako sa kwarto. Tumakbo ako sa kusina. Kinuha ko isang pocket ng 'cracker' at binuksan. Oh! 'Pak shiit' nakalimutan ko ayusin yung buhok koo! Tumakbo ako papunta sa kwarto, pero napatigil ako sa tapat ng living room. HUH?
"Oh gising ka na pala Yuri!" Sabi ni Lay.
"Ba-bakit kayo ganyan?" Tanong ko.
"Anong ganyan? Hahaha ikaw dyan! Bakit ganyan yung buhok mo?" Sabi ni Tao.
"Bakit nanonood kayo ng tv?? Late na tayoo!" Sabi ko.
"Ah oo nga pala, hindi namin nasabi sayo na: na cancel na yung interview natin sa show na yun." Mahinhin sabi ni Xiumin.
Napa nganga nalang ako.
"Tss. Sige sige." Dahan dahan ako bumalik sa kwarto at humiga. Haaaay.
"Yuri" may humawak sa balikat ko (habang nakahiga ako ng baliktad.)
"Huh?" Si Baekhyun sya.
"About kagabi.." Nag simula na sya mag salita.
"A-ahm .. Sorry ah? Punta lang ako sa kusina. Nagugutom kasi ako." Bilis bilis ako tumayo at lumabas sa kusina.
--FF--
Buong araw ko sya iniiwasan. Hanggan kailan pa to?
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?