Chapter 46

338 7 1
                                    

Muntik na kami madali ni Baekhyun nung ..

May nagpaputok ng baril at tinamaan si Yoorin sa likod.

"Huh?! Bakit nyo sya binaril?!" Lumuhod ako sa harap nya.

"Bakit.. Bakit ikaw ang mas pinipili nila..? Bakit ako nawalan ng boses para kumanta, at ikaw hindi..? Bakit?"

"Yoorin.. Sorry.. Sorry.." Mahina kong sabi habang umiiyak.

--

FLASHBACK

"Hahaha! Taba! Sintonado! Panget!"

"Hoy! Ano ginagawa nyo dyan!"

Maliit pa kami. Palaging niloloko si Yoorin dahil iba ang itsura nya samin. Hindi naman sya mataba at panget.. Chubby lang pero cute.

"Ok ka lang Yoorin?" Lumuhod ako sa harap nya at tinulungan syang tumayo pero bigla syang tumakbo. Hinabol ko sya hanggang sa tumigil sya.

"Wag mo akong lalapitan" sabi nya habang nakatalikod sakin.

"Hin-hindi kita sasaktan" dahan dahan akong lumapit at niyakap sya pero bigla syang lumayo sakin at umiyak.

"Ayoko sa inyo! Palagi nyo na lang ako niloloko! Hindi ko naman kasalanan kung ganto ako ah?! Kasalanan mo yun kung hindi na ako makakanta! Kung hindi ka palagi nakikipag competensya sakin edi sana wala ka dun sa hospital! At sana ako inuna nila!" Tumakbo na sya. Naiwan ako mag isa dun. Napaupo ako at umiyak. Totoo yun, na iinggit ako noon sa kanya dahil mas magaling sya sakin kumanta.. Kaya pag may contest palagi ako nasali para mapatunayan ko sa sarili ko na kasing galing ko sya. Ewan ko ba.. Pero.. Yung sinasabi nya na ako ang palaging pinipili ng iba.. Hindi totoo yun. Sya talaga yung lumalayo samin.. Oo may mga taong nilololoko sya pero hindi lahat..

--

"Alis dyan miss Yuri" pinatabi ako ng police. Binuhat nila si Yoorin at dinala sa hospital.

Kasalanan ko ata kung bakit sya galit sakin.. Dahil naiinggit ako noon sa kanya.. Pero..

"Yuri?" Napataas ang tingin ko. Kinakausap ako ni Baekhyun.

"Tapos na.." Niyakap nya ako.

"Kasalanan ko kung bakit sya ganyan.." Sabi ko habang umiiyak.

"Hindi.. Aksidente lang ang nangyare na sunog.." Sabi nya.

Pinasakay na kami ni sir Lee at pumunta din sa hospital para mag pa check up.

"Sir Lee ok lang po ako, hindi ko po kailangan mag pa check up" sabi ko, pero hindi sya nakinig at dinala parin ako.

Pagkalabas ko sa clinic nakita ko lahat ng members sa labas, nakaupo.

"Yuri!"

"Ok ka lang?"

Tumayo sila at tinanong ako ng tinanong pero "ok lang" ang mga sagot ko. Kasama ko ngayon si sir Lee, nasa tapat kami ng operation room kung saan nandun si Yoorin..

"Sir Lee sorry po" sabi ko.

"For?"

"Isa nanaman po itong issue.."

"Ah.. Ok lang yan. Hindi naman maiiwasan.. Uwi na muna kayo sa inyo saka nalang kayo mag practice pag ok ka na"

Tumango ako at nag lakad na papunta sa iba. Umuwi kami, at dumeretso ako sa kama.

Kailangan ko sya bisitahin bukas.. Kailangan ko sya makausap..

"Yuri" may pumasok, si Baekhyun.

"Oh?" Sabi ko habang nakahiga.

"Kakain na daw.. At tsaka nadyan si Jeehyun, iniintay ka" sabi nya.

Tumayo na ako at lumabas sa kwarto kasama sya.

"Yuri!" Tumakbo ka-agad si Jeehyun at niyakap ako.

"Ok ka lang?" Tanong nya.

"Oo" sabi ko.

"Ahm.. Classmate mo daw yun noon..?" Tanong nya.

"Oo" malamig kong sabi.

"Sorry Jeehyun pero.. Wag na muna natin pag usapan" umupo na ako sa lamesa mag isa.

Hindi parin ako masyadong makapaniwala na nagawa nya ang lahat ng ito para lang gumanti..

--FF--

The next day.

Nag bibihis palang ako nung may tumawag, si sir Lee.

"Po?" Sabi ko habang inaayos yung jeans.

"May nangyare kay Yoorin, pupunta ka pa ba dito?" Sabi nya.

"Huh..? Ano po?"

"Basta. Punta ka dito, may iniwan sya para sayo.."

Ano..? Bilis bilis akong nagbihis at lumabas ng kwarto.

"Pasaan ka?" Tanong nina Xiumin.

"Uh, pupunta sa hospital.. May nangyari daw kay Yoorin.." Sagot ko.

"Ah.. Sorry ah? Hindi ka namin masasamahan kasi pupunta pa kami sa isang variety show.." Sabi ni Tao.

"Ah ok lang.. Sige alis na ako"

Nagpahatid ako sa driver namin sa hospital. Pagkadating ko sa hospital nakita ko si sir Lee.

"This way" sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa talat ng isang kwarto.

"Ano po ginagawa natin dito? Tapos na po maoperahan si Yoorin?" Sabi ko.

".." Tahimik lang sya.

May inabot syang letter sakin.

--

Ok tapos na po ang chap na to :) .. Sorry po kung pangit at boring.. Pero salamat po sa pagbasa :)

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon