Chapter 16

553 10 1
                                    

Kakalabas ko lang sa building kung saan kasama ko kani-kanina lang sina Jeehyun at Kim.

Medyo madilim dilim na kaya kailangan ko na magmadali. Nag lakad lakad ako papunta sa station. Tumigil ako bigla kase parang may naririnig akong sumusunod. Binilisan ko ang paglakad, pero naririnig ko pa yung ingay ng sapatos sa likod ko. Kinakabahan ako kaya hindi ako makalingon. Tumakbo na ako. Tumatakbo na rin yung sumusunod sakin. Lumingon ako, pero pagkalingon ko nauntog ako sa pader. Kala ko kasi malayo pa yung wall ng bahay na yun.. Pero wait!

"Ouch.." Sabi ko habang hinahawakan ko yung ulo ko. Na alala ko na may nasunod pa sakin kaya napatingin ako sa taas. Nakita ko isang tao (malamang tao, alangan naman na alien nakita mo Yuri. Lol) na nakatingin sakin. Napasigaw ako, pero tinakpan nya yung bibig ko gamit ang kanyang kamay. Ang lambot..

"Shh! Ate bakit kaba nasigaw?!" Sabi ni.. Ng isang babae? Inalis nya ang kamay nya, at nakapagsalita ako.

"Ba-babae ka?? B-bakit mo ako sinusundan?!" Tanong ko sabay tayo.

"Ay sorry ate.. Natakot ka sakin.. Eh kasi nasa labas ako ng building kung saan ka lumabas.. Fan kasi ako ni ate Jeehyun at ate Kim kaya iniintay ko sila lumabas.. Pero nakita po kita at may nahulog po sa inyo." Sabi nya sakin. Pinakita nya yung silver ring ko. Inabot nya sakin. "Kaya nilimot ko para isauli po sainyo pero binilisan nyo yung lakad nyo kaya binilisan ko rin po para ma-abot kayo. Sorry po kung nagmukhang humahabol sainyo.." Dagdag nya. Ang bait pala nya.

"Ah.. Hehe salamat.. Ilan taon ka na ba? Parang ang bata mo pa ah.. Wala ka bang kasama? Madilim na eh.." Sabi ko sa kanya.

"12 po ako. Wala po. Mag isa lang po. Umalis na po yung kaibigan ko kasi sabi nya gabi na, pero. Nanatili po ako dito kase gusto ko po to ibigay kina ate.." Sabi nya. Napatingin sya sa baba. Mukhang nag intay sya ng matagal. Tulungan ko kaya sya.

"Tara sasamahan kita sa kanila. Pagkatapos, sasamahan kita sa inyo, ok?" Sabi ko.

"Talaga po? Salamat talaga ate.. Pero ayoko po umuwi.. Siguradong mapapagalitan po ako nina mama" sabi nya.

"Ako na ang bahala. Sasabihin ko na kasama ka namin sa building. Ako na ang bahala sa mama mo. Tara na" sabi ko. Dinala ko sya sa loob ng building. Nung makita nya sina Jeehyun napaiyak sya.

"Oh? Yan na sila oh. Puntahan mo na" sabi ko sa kanya. Tumakbo sya at niyakap silang dalawa. Nag usap usap sila at nag picture. Pagkatapos ibinigay nila yung picture sa bata. Nag pa-alam na kami at lumabas na. Sumakay kami sa isang taxi papunta sa kanila.

"..ate ano nga po pala pangalan nyo?" Tanong nya sakin.

"Hmm? Ah. Yuri. Eh ikaw? Hindi mo pa nasasabi sakin ang pangalan mo." napangiti ako.

"Tin po, christin" sabi nya.

"Ah. Ganda naman ng pangalan mo, Tin." Sabi ko. Tumawa sya.

"Ate Yuri alam mo po , pangarap ko po talaga makita sina ate Jeehyun.. Pero si mama ayaw nya.. Hindi po sya supportive.. Hindi tulad ng daddy ko.. Pero wala na po sya.. Nag away po sila ni mama, kaya wala na po sya sa tabi namin." Kwento nya. Naalala ko tuloy yung tatay ko.. Asan na kaya sya? Ayan.. Napapaiyak na ako.

"Ate bakit ka po naiyak?" Tanong nya habang tinitinnan ako.

"Huh? Ah.. Wala. Naalala ko lang yung tatay ko. Magkatulad tayo, hindi ko alam kung nasaan yung tatay ko. Pero buti nalang ikaw, nakilala mo sya. Eh ako hindi ko sya nakita kahit isang beses lang. Sya tama na yan. Andito na ata tayo." Sabi ko habang pinupunasaan ang luha ko. Bumama na kami, syempre nag bayad muna ako. Pagkatapos makausap yung nanay ni Tin niyakap ko si Tin at umalis na. Sumakay ako ulit sa taxi at umuwi na sa "bahay" .

Pagbukas ko ng pinto andun silang lahat sa sofa.

"I'm home!" Sabi ko. (Who cares? Haha)

Dumaan muna ako sa living room para batiin sila bago pumunta sa kwarto. Pagkadating ko dun wala na sila. Ahm.. Asan na sila? Baka nasa kwarto na nila. Nag shower ako at nagpalit na. Pumunta ako sa dining room para kumain at.. At nakito sila dun, nakaupo sa bawat pwesto, para kumain. Pero.. Bakit ngayon sila kakain? Mga 9pm na ah..

"Oh andyan na pala si Yuri!" Sabi ni Tao.

"Kainan na!" Sigaw nilang lahat.

Inintay ba nila ako?

"Bakit ngayon lang kayo kumakain?" Tanong ko habang umuupo sa natitirang pwesto (tabi ni Suho at Chanyeol).

"Inintay ka namin." Napangiti ako at nag simula na kami kumain. Pagkatapos kumain inayos namin ang lahat. Umupo kami at nanood ng tv. Katabi ko (as usual) si Chen. Katabi ko rin si D.O. (Kyungsoo)

Napatingin ako kay D.O. Natawa sya. Bigla ako kinausap ni Chen.

"Bakit ka nga pala na-late umuwi? Diba dapat 8pm ka nandito?" Sabi nya.

"Wala.. Nahulog kasi yung singsing ko.. Nilimot ng isang bata tapos sinubukan nya ibalik sakin pero akala ko sinusundan ako.." Habang nag kwekwento, nakikinig narin yung iba, parang nakuha yung attention nila (ng hindi ko sinasadya) ikwinento ko lahat at napatawa sila nung sinabi ko na nauntog ako kasi lumingon. Tapos pinakita ko yung singsing kay Chen.

"Wow.. Ganda. Bigay to ng boyfriend mo? Sino ang ma-swerte?" Sabi nya hbang nag bibiro.

"Luh wala akong boyfriend. Haha. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang PANGET na katulad ko? Haha" napatingin ako kay Baekhyun kasi na-alala ko yung sinasabi at pang-aasar nya sakin nung bagong dating pa lang ako. Agad naman nya iniwasan yung tingin ko. Biglang may kumatok sa pinto. Sino kaya?! Mag 10pm na ah..

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon