Chapter 68 (part 1)

238 6 10
                                    

"So hindi yung mommy Anne ko ang tunay na mom ko?! Bakit?! Ba-bakit hindi nyo sinabi sakin to?! Maiintindihan ko naman kayo! Pero bakit?!" Biglang tumayo si Jeehyun at pinagtutulak si sir Lee habang umiiyak.

"Anak.. Sorry.. I just wanted you to have a perfect life..." Umiiya rin si sir Lee.

"Perfect?! Sa tingin nyo naging perfect life ko kahit minsan?! Paano yun mangyayari kung bata pa lang ako nakikita ko kayong nag aaway ni mommy Anne?! Puro nalang kayo away away! Hi-hindi nyo na naisip kung ano mararamdaman ko..!" Sigaw ni Jeehyun habang umiiyak.

"...patawarin mo ako Jeehyun.." Sabi ni sir Lee.

Umiiyak rin ako.. Dahil alam ko ang nararamdaman ni Jeehyun..

At tsaka naguguluhan ako.. Sino ba talaga dad ko..? Malalaman ko pa kaya? .. Gusto ko lang naman makaranas ng isang buo at masayang family.. Pero malabo ata yun mangyare..

"Sinungaling ka! Sinungaling! Pinaniwala mo ako sa mga hindi totoong bagay!" Sigaw ni Jeehyun.

"Bakit ba dad?! Ano ba akala nyo sakin?! Tanga?! Kala ko mahal nyo ako! Kala ko may tiwala kayo sakin! Pero ano?! Ganto ka importante na bagay hindi nyo sinabi sakin! Dad, 22 na ako! I'm not a little girl! Maiintindihan ko kayo pero anong ginawa nyo?! Nakakainis ka dad! Paano na ako maniniwala sa sinasabi nyo?!" Malakas na sigaw ni Jeehyun.

"..." Hindi makasagot si sir Lee, umiiyak sya.

"Nakakainis ka dad! Sinungaling! So kung hindi kami nagpunta dito ni Yuri, hindi mo to sasabihin sakin kahit kailan?! Balak nyo ba itago to sakin habang buhay?!" Sigaw pa ni Jeehyun, iyak sya ng iyak.

"Dad! Sumagot ka! Bakit bakit?!"

"Sinungalin ka! Manloloko! Si... Sinungaling ka.." Nanghihina na si Jeehyun.

Unti unti humina pag tulak nya kay sir Lee.

"A..ayoko na sayo.." Sabi nya habang dahan dahan tumitigil sa pagtutulak sa dibdib ni sir Lee.

..hindi ko mapigilan umiyak.. Kusang lumalabas ang mga luha ko..

Tumayo ako sa inuupan ko at bigla akong tumakbo papalabas ng bahay.

"Yuri!" Rinig ko ang boses ni sir Lee sa loob ng bahay.

Nakapikit akong tumatakbo sa daan habang umiiyak.
Hindi pa ako nakakalayo, biglang nagsimulang umulan.

Tumigil ako at pinunasan ang mga pisngi kong basang basa na.

Malabo pagtingin ko, ko kasi basang basa na ang mga mata ko, sa ulan at luha.

Bakit ba ganto ang buhay ko? Ang gulo gulo.. Nahihirapan na ako..

Nakatingin ako sa baba habang nauulanan.

Pagtingin ko sa gilid, may nakita akong ilaw at rinig ko ang isang maingay na tunog.

...

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon