Biglang may kumatok sa pinto. Sino kaya?! Mag 10pm na ah..
"Sino yan?" Tanong ni Chanyeol habang tumakbo sa tapat ng pinto.
Sumilip sya at binuksan nya yung pinto.
"Oh.. Kayo pala.." Sabi nya.
5 babae ang pumasok. Sino sila? Kaibigan nila? Girlfriends?
Binati namin lahat sila. Mukha silang mabait.. Pero bakit ganun makatingin yung isang babae? .. Ang sama naman makatingin.
"Sino sya?" Tanong nung babae na tumitingin sakin.
"Ah Trish, sya yung new member namin. Si Yuri." Sabi ni Chanyeol.
"Hi! Nice to meet you" sabi ko habang nakangiti pero tinaas nya kilay nya kesa sumagot sakin.
"Sino ba sya? " pa bulong ko itinanong kay Chen.
"Sya yung pinsan ni Jeehyun, sa part ng ama." Bulong nya.
"Eh sino yung iba?" Tanong ko ulit pa bulong.
"Mga kaibigan nya at kakilala namin." Sagot nya.
Hmmm.. Bakit kaya sila nandito?" Tanong ko. This time si Chanyeol ang sumagot sakin (pabulong)
"Hindi namin alam eh.." Sabi nya.
Umupo sila sa natitirang sofa (na nasa left) .
"Nandito kami kasi sabi ni tito Lee kailangan namin kayo dalhin bukas sa *name of place* para sa mga challenge for a show." Sabi ni Trish.
Ilan samin nanood ng tv, iba nag cecellphone or nag uusap. Ako nanonood ng tv habang nakasandal sa balikat ni Chanyeol. Napansin ko na nakatitig yung mga babae sa ilan sa amin. Like si Trish nakatitig kay baekhyun. Nakalipas ilang minuto, mag a-alas 10:25 pm na.
Pumunta na kami sa bawat room.
Ahm wait. Dito ba sila tutulog? Kung dito nga, saan sila tutulog? Wala na kayang kwarto..
Pumasok na rin si Baekhyun sa kwarto.
"Bakit gising ka pa?" Tanong nya sakin.
"Ahm.. Wala.. Hindi pa kasi kita nakakausap mula nung umalis kayo." Sabi ko.
"Ah.. " Sabi lang nya. Parang iba sya ngayon.. Pumunta sya sa banyo, at pagka alis nya, dumating si Trish.
"Hi!" Biglang pumasok si Trish at umupo sa kama ni Baekhyun. Ang sama ulit ng tingin nya sakin. Ano ba meron?
"Ahm Yuri right?" Sabi nya sakin.
"Uh. Oo." Sabi ko.
"Can you leave for a moment? I mean can you sleep in the living room?" Sabi nya sakin.
"Huh? Bakit?" Nung time na yan wala si Baekhyun sa kwarto. Nasa banyo sya, na liligo as usual.
"Alam mo kasi.. Boyfriend ko sya. Kaya ako dapat ang matulog dito. Tsaka hindi kita gusto maging ka close ni Baek. Gets mo ba?" Tinaas nya ulit ang kilay nya. Boyfriend nya si Baekhyun..? Hindi naman ata nabanggit ni Baekhyun na may girlfriend sya..
"Pero--"
"Leave!" Sigaw nya sakin. I had no choice but to leave.
Pumunta ako sa living room. Asan na yung ibang mga babae? .. Dumating sina Lay, Xiumin, Tao at Chanyeol.
"Oh. Bakit ka nandito?" Tanong nila sakin nung makita nila ako na nakahiga sa bed (na sofa)
"Eh.. Nandun kasi si Trish sa kwarto. Sya daw ang matutulog dun.. Eh kayo?" Sabi ko.
"Dun tutulog sina Naomi, yuka, crystal at jenny sa mga kwarto namin, kaya dito kami matutulog." Sagot ni Xiumin.
"Kakainis nga. Ang aarte pa nila" sabi ni Tao.
"Pero kailangan natin sila respetuhin. Babae at bisita natin pa rin sila." Sabi ni Lay.
"Oo nga." Agree yung iba. Napatulala ako kasi iniisip ko yung sabi ni Trish.. Boyfriend nya ba talaga si Baekhyun?
"Oy Yuri! Ang lalim ata ng iniisip mo ah" sabi ni Tao.
"Huh? Ah eh.. " wala akong masabi.
"Ano ba iniisip mo?" Tanong ni Xiumin.
"Ahm.. Wala naman. Girlfriend nga ba talaga ni Baekhyun si Trish? .." Tanong ko. Napatahimik sila.
"Bakit mo yan nasabi?" Sabi ni Chanyeol.
"Sabi kasi ni Trish sya daw ang tutulog sa kwarto kasi boyfriend nya si Baekhyun. At tsaka ayaw nya na maging ka close ko si Baekhyun.." Sabi ko. Napatingin sila sa isat isa.
"Yuri.. Hindi yan girlfriend ni Baekhyun.. Ex nya yan.." Sabi ni Lay.
"Eh bakit.." Sabi ko. Hindi ko alam na ex nya yun.. Pero bakit ganun yung sabi ni Trish?
"Alam mo.. Pinaglaruan nya si Baekhyun. Nag tagal sila ng 1 year. Nung una, mahal talaga ni Trish si Baekhyun pero makalipas ang ilang months na-attract sya sa ibang lalaki.. At yung lalaking yun ay yung boyfriend ni Jeehyun ngayon. " kwento ni Tao.
"S-si Luhan?" Sabi ko.
"Oo. Sya nga. Nag away pa nga sila ni Jeehyun. Hindi pa sila magkasundo dahil sa ugali ni Trish. Simula non, ginawang libangan at laruan ni Trish si Baekhyun, na kahit nasasaktan sa pinag gagagawa ni Trish ay minahal nya parin." Sabi ni Chanyeol. Wala akong masabi..
"Hanggat sa nag break up sila dahil kay Trish. Sa tingin ko may nararamdam pa si Baekhyun kay Trish. Kaya siguro pinagsasamantalahan ni Trish yun para makalimutan na yung ex boyfriend nya na kakabreak up nya lang. Sigurado ako na iiwanan nya din si Baekhyun" dagdag ni Tao.
Grabe naman.. Ganun ba talaga si Trish? Gusto ko sya pigilan sa pinag gagagawa nya pero.. Sino ba naman ako para gawin yun?
"Pero wag nalang tayo maki-alam. Hindi rin naman tayo pinapakinggan ni Baekhyun." Sabi ni Lay.
"Oo nga. Matulog na tayo." Sabi ni Xiumin.
"Wait. Saan kayo tutulog? Hindi kayo kakasya dyan.." Sabi ko.
"Wag ka mag alala. Dito ako sa sahig tutulog" sabi ni Chanyeol.
Luh hindi pwede yan.. Pero.. Nakakahiya naman pag mag katabi kami.
"Ahm.. Dito ka nalang, tapos ako dyan. Dali tayo ka." Sabi ko sa kanya.
"Sus wag na. Kaya ko to"
"Ahm.. Malamig dyan eh! Edi..edi dito ka nalang sa taas, s-sa t-tabi ko." Sabi ko. Parang hindi ako ganun ka sure sa sinabi ko.
"Sure ka? .." Sabi nya. Tumango ako at tinulunan sya tumayo. Umipod ako ng konti para mag kasya kami..
(Wag kayo mag isip ng masama)
Makalipas ilang minuto nakatulog narin ako.
--
Baekhyun's POV
Pagkatapos ko maligo, pumasok na ako sa kwarto. Pagpasok ko nakita ko isang babae. Si Yuri siguro yan. Ma-asar nga sya.
"Oy Yuri, bakit gising ka pa? Iniintay mo ko no? Siguro namumula ka na ngayon" sabi ko habang napapatawa.
"Wala dito si Yuri." Sabi ni..
Humarap ako sa babae. Hindi pala sya si Yuri. Sya si.. Trish?! Ano ginagawa nya dito?
"A-ano ginagawa mo dito?" Sabi ko sa kanya.
"Wala. Namiss lang kita. Sigurado ako na namiss mo rin ako. Diba babe?" Sabi nya. Lumapit sya at niyakap nya ako.. Na-alala ko yung dati.. Hindi ako makaibo.. Parang naging blank ang lahat..
"Nasaan si Yuri?" Bigla ko naitanong.
"Dun daw sya sa living room tutulog. Wag ka mag alala. Nandito naman ako eh." Sabi nya.
Naguguluhan talaga ako.. Lalo na yung puso ko.. Baka nga hindi ako na-inlove kay Yuri.. Baka nadala lang ng emosyon.. Am i still inlove with.. Trish?
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?