"Jeehyun.." Naiisip ko pa rin ang ikwinento nya tungkol sa mommy nya..
"Oh?" Sabi nya habang nakangiti.
"Sorry ah? Hindi ko sinasadya dalhin ang topic na to.." Sabi ko at umupo sa tabi nya.
"Ok lang, matagal na naman yun. At tsaka alam ko na ok na sya ngayon.." Sabi nya.
"..." Patingin tingin lang ako sa kwarto nyang maganda.
Mga ilang oras ata lumipas na nagkwekwentuhan kami at nag tatawanan, 10pm na, medyo napainom kaming lahat kasi pumipilit sina sir Lee. Lumabas kami sa kwarto nya kasi paalis na kami (ng exo).
"Sige Jeehyun bye na! Sir Lee!" Bati namin, pero tulog na si sir Lee sa sofa.
"Sige bye guys, ingat!" Sabi ni Jeehyun habang hawak hawak ang hawakan ng pinto ng bahay.
"Ah wait lang, samahan ko na pala kayo hanggang sa van" sabi nya at lumabas din ng bahay.
Nakainom nga sila.. Kung maglakad sina Kai parang zombie na, at lalo na si Luhan, kung hindi pa inaakay ni Jeehyun sana nasa sahig na sya nakahiga. Ako rin nakainom ng konti, ang sakit nga ng ulo ko.. Nahihilo..
"Oh Yuri" biglang sumulpot si Baekhyun habang naglalakad kami dahan dahan papunta sa van.
"Oh..? May kailangan ka?" Sabi ko.
"Nakainom ka ba?" Tanong nya habang papikit pikit.
"Konti.." Sabi ko habang kinukusot kusot ang mga mata ko.
Wait.. Bakit magaan ang braso ko..?
"Ay Jeehyun nakalimutan ko yung bag ko sa kwarto mo.. Kunin ko lang ha?" Sabi ko.
"Sige sige, bukas naman ang pinto" sabi nya habang inaakayan si Luhan.
"Ang sakit ng ulo ko grabe.." Nasa loob na ako ng kwarto ni Jeehyun.
Kinuha ko yung bag ko at paalis na pero may napansin ako.
Isang kwintas.. Lumapit ako sa maliit na lamesa kung saan nakapatong yung kwintas at ibang mga jewerly.
Hinakawan ko at nilapit sa mukha ko kasi hindi ko makita ng maayos."Anong ginagawa mo?!" Nagulat ako kasi biglang may pumasok sa kwarto, si sir Lee. Kaya bigla kong nabitawan ang kwintas.
"Wa-wala po.. Kinuha ko lang po ang bag ko" sabi ko.
"May nanakawin ka ba?!" Tanong nya habang paturo turo yung kamay nya sakin.
Lasing ata sya..
"Hindi po.." Sabi ko.
"Magnanakaw ka! Katulad ka rin ng iba! Inaagaw mo ang hindi dapat sayo!" Sigaw nya.
"Hi-hindi po ako ganun.." Sabi ko.
"Mang aagaw ka!" Bigla syang lumapit sakin ng mabilis at pinag sasampal ako.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak.
"Dad!" Biglang pumasok si Jeehyun sa kwarto at pinigilan si sir Lee.
"Yuri ok ka lang?!" Sabi ni Jeehyun habang hinahawakan nya pisngi ko ng dahan dahan.
"O-oo.." Sabi ko habang nakatingin sa baba.
Napahiga si sir Lee sa sahig kasi itinulak sya ni Jeehyun para pigilan sya.
Habang nakatayo lang ako, binubuhat ng dahan dahan ni Jeehyun si sir Lee papunta sa kama nya.
"Sige na Yuri.. Alis ka na, magpahinga ka nalang sainyo. Sorry sa nangyare.. Nakainom kasi si dad.." Sabi nya.
"Sige..." Tumakbo ako sa labas habang naiiyak ng konti.
Hindi ko masyado nakita ang kwintas... Pero parang similiar sya dun sa sinasabi ni mommy.. At tsaka, anong sinasabi ni sir Lee..? May pinagmumulan ba ang mga yun or.. Talagang nakainom lang sya..?
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?