Chapter 56

283 7 1
                                    

"Sya nagsimula" sabi nya sabay turo sakin.

"Ako?! Ikaw kaya!" Sabi ko.

"Hay.." Nakacross arms si Jeehyun habang tinitinnan kami.

"Binabawi ko na yung sinabi ko, pwede na kayong umalis dyan sa pool" sabi nya.

"Salamaaat" umahon agad ako at niyakap ko si Jeehyun at lumingon ako kay Baekhyun (na nasa swimming pool pa) at dinilaan ko sya.

"Sige magbihis ka na, no, i mean tara na, magbihis na tayo" hinila ako ni Jeehyun at pumunta kami sa cr.

Pagkatapos ko mag palit lumabas na ako sa cr at inintay ko matapos si Jeehyun.

"Oy Luhan" nakita ko sya kaya kinulbit ko kasi hindi nya ata ako nakikita.

"Oh Yuri tapos ka na pala. Si Jeehyun?" Sabi nya habang nakasandal sa wall.

"Patapos na siguro" sabi ko habang sumisilip.

"Tapos na ako Yuri!" Lumabas na si Jeehyun at lumapit samin.

"Oh diba" sabi ko kay Luhan.

"Yuri gala muna kami ah?" Sabi ni Luhan sakin.

"Huh? Saan?" Tanong ni Jeehyun.

"Madami pa tayong hindi nasasakyan kaya tara" sabi ni Luhan.

"Eh si Yuri?" Sabi ni Jeehyun.

"Ahm.. Ok lang Jeehyun. Sige na, bye bye!" Tinulak ko silang dalawa ng nakangiti.

Kumaway kaway si Jeehyun bago umalis. Ano na gagawin ko? Nasaan ba yung iba? Ako lang ba mag isa ngayon? T.T

"Tara na?" Lumingon ako para tinnan kung sino ang nag salita sa likod ko. Andyan si Baekhyun.

"Saan..?" Tanong ko.

"Mag i-ice cream. Ayaw mo ba?" Sabi nya.

"Gusto" sabi ko ng nakangiti.

Nag lakad na kami papunta sa ice cream shop.

"Kung sino mahuli sya ang manglilibre" biglang sabi ni Baekhyun sabay takbo.

"Hoy! Wait lang!" Sabi ko.

Tumakbo na rin ako ng mabilis at hindi ko namalayan na nalampasan ko na sya, hindi ko alam kung ako ang mabilis or sya talaga ang humina ng takbo.

"Ikaw ang manglilibre sakin" sabi nya at bigla akong nilampasan kaya binilisan ko rin at nalampasan ko na sya ulit.

"Hahaha! Ikaw na talaga ang manglilibre sak--" Papasok na ako sa shop ng patakbo nung bigla akong nauntog sa.. Glass door -.-

"Aray.." Nauntog ako at tumalbog kaya eto nakaupo ako sa sahig habang hawak yung ulo ko.

"Miss ok ka lang?!" Lumapit sa akin ang isang babae, staff ata ng shop.

"Medyo po.." Sagot.

Lumapit si Baekhyun at lumuhod sya sa tabi ko, at habang tinutulungan akong tumayo sabi nya: "grabe.. Buti nalang hindi nabasag yang glass door sa tigas ng ulo mo hahaha!"

"Ay! Langya ka huhu! Ako na nga nasaktan tapos yang pinto pa inaalala mo?? Ang sama mo" sabi ko ng nakapout at parang paiyak na.

"Oh sya sorry na, wag kang mag alala, ililibre naman kita haha" sabi nya na parang nag ccomfort sa isang batang naiyak -.-

"Sorry po sa nangyare miss" sabi ni Baekhyun at inalalayan ako papasok.

Umupo na kami at kaharap ko sya.

"Masakit pa ba?" Tanong nya.

"Medyo.." Sabi ko.

"Dali bili mo na ako" sabi ko.

"Uh..? Kala ko masakit ulo mo? Bakit nag palit ng tono yung boses mo?" Sabi nya ng natatawa.

"Dalii na please bili mo na ako haha" sabi ko.

Tumayo sya at tinanong ako kung anong flavour.

"Kahit ano, pareho nalang sa kukunin mo" sabi ko ng nakangiti.

Makalipas ilang minuto dumating na sya dala dala ang dalawang ice cream.

"Yay salamat" sabi ko ng nakangiti.

Hindi sya sumagot.

"Baekhyun?" Sabi ko pero hindi sya sumasagot sakin.

"Hui..?" Wala parin.

Anong nangyare sa kanya..?

--

Hii po :) salamat po sa mga nag babasa :) sorry po kung boring XD

sana suportahan nyo yung ibang story ko :) salamat poooo <3

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon