Chapter 57 (part 2)

247 9 1
                                    

"Baekhyun saan tayo pupunta?" Sabi ko habang hinihila pa rin ako.

"Basta"

Tumigil kami sa tapat ng isang tindahan na may mga laro at prizes.

"Waah ang cute nun!" Sabi ko kay Baekhyun habang tinuturo ang isang cute na peluche.

"Laro ka kung gusto mo" sabi nya.

"Hindi mo ba kukunin para sakin?" Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Subukan mo muna mag laro saka kita tutulungan pag hindi mo kaya" sabi nya.

"Ok" nag bayad ako ng nakapout.

Hinawakan ko ang isang bola (maliit lang) at hinagis ko sa isang lata.

"Yeeey!" Sigaw ko kasi naitumba ko ang lata.

"Kumuha ulit ako ng isang bola at hinagis ko pero wala akong natamaan.

"Ay.." Sabi ko.

Kumuha ulit ako pero wala nanaman.

"Uhh! Nakaka asar!" Sabi ko.

Bilis bilis akong kumuha ng bola at hinagis ko ng malakas pero tumalbog sya sa wall at tinamaan ang mukha ni Baekhyun.

"Ah!" Sabi nya.

Nakatungo sya habang hawak hawak yung ilong nya.

"Soriiii!" Sabi ko habang nakapatong kamay ko sa likod nya.

"Ok lang.." Sabi nya ng nakatayo ng maayos habang hawak hawak pa ilong nya.

"Masakit pa ba?" Tanong ko habang hawak hawak ang isang bola.

"hindi n--" hindi na nya naituloy kasi nung tumira ako tumalbog yung bola at tumama ulit sa mukha nya.

"halaa! Soriii!" Sabi ko habang nakapatong ulit kamay ko sa likod nya.

"Si-sinasadya mo ba?" Sabi nya.

Hindi ko maintindihan kung naiyak ba sya or natawa, kaya niyakap ko sya at sabi ko: "hindi.."

"E-eheeem!" Sabi ng lalaki sa likod ng counter na nagbibigay ng mga bola, kaya napatingin kami.

"Mauuubos na time nyo" sabi nya.

Humiwalay ako sa yakap at kukuha na ng bola nung kumuha si Baekhyun ng isa at tumira, napatingin na lang ako sa kanya.

"Shoot!" Sabi nya at kumuha ulit.

Nakatumba sya ng lima kaya ibinigay na yung prize samin.

"salamaaaaat!" Sabi ko habang hawak ko yung peluche at kiniss sya sa isang cheek.

Magsasalita na sana sya nung may nag salita sa likod namin.

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon