"Ang.. Ang.. Uh! Nakakainis kang bacon ka!" Sabi ko.
Pinunasan ko ang kamay ko ng tissue at magsasalita na ako pero bigla akong sinubuan ni Baekhyun ng pagkain gamit ang mga chopstick nya. Nalunok ko bigla at sabi ko habang umuubo: "baliw ka ba?!"
"Haha dadaldal ka nanaman eh" sabi nya habang nakain.
"Pero.." Wait.. Ano tong lasang to? Umiinit ang bibig ko..
"Waah!" napasigaw ako ng konti dahil ang spicy ng sinubo nya.
"Wag kang tumawa dyan! tulungan mo akoo" hanap ako ng hanap ng tubig pero naubos na yung sakin, pati narin yung nasa bote kaya kinuha ko yung baso nya at ininom.
"Hay.." sabi ko nung lumipas na ang anghang.
"Hehe sorry!" Sabi ko habang nakalabas ang dila "kasalanan mo naman yun eh, ang sama mo" sabi ko at umupo na.
"Undirect kiss lang? Hindi mo pa ginawang direct, naubos mo pa tubig ko" sabi nya.
"Tse ang sama mo" sabi ko.
"Luto na ba yung bulgogi?" tanong ko.
"Ahm baka" kumuha sya ng isang piece at tinikman, tapos inabot sakin gamit chopsticks.
"Uh.. Bakit mo ako susubuan?" Tanong ko.
"Tikman mo" sabi nya.
Kinagat ko at tinikman.
"Pwede na" sabi ko.
--FF--
Pagkatapos namin kumain gumala gala na kami sa paligid.
"Oh heey" sino yun? Lumingon kami ni Baekhyun at nakita namin sina Luhan at Jeehyun.
"Hii" bati ko.
"Hi" bati ni Baekhyun.
"Pwede sumama sa inyo? Haha" tanong ni Jeehyun.
"Sige" sabi ko sabay tabi kay Jeehyun sa paglalakad.
Naglakad na kami (ako sa left, jeehyun, luhan at Baekhyun sa right).
"So ano ginawa nyo?" Tanong ni Jeehyun sa akin.
"Wala naman, nag roller, haunted house, pirate ship at kumain. Kayo ba?" Sabi ko.
"Nanalo si Luhan sa isang game, eto yung prize" pinaka nya sakin yung malaking bear na hawak hawak nya.
"Ah napansin ko nga" sabi ko.
"Saan tayo?" Tanong nina Luhan.
"Ewan? Sa swimming area!" Sabi ni Jeehyun habang patalon talon.
"Sige tara!" Sabi ng dalawa (Luhan at Baekhyun).
"Ahm.. Kayo nalang" tumigil sila at napatingin sakin.
"Bakit?" Tanong ni Jeehyun.
"Hindi ako marunong lumangoy eh.. Kaya kayo nalang" sabi ko.
"Edi tuturuan ka namin" sabi ni Luhan.
"Oo nga" sabi ni Jeehyun.
".." sumunod nalang ako sa kanila.
Nagpaalam muna kami ni Jeehyun at nagpunta kami sa cr, mag papalit mg swimsuit.
"Hindi ba pwedeng manood nalang ako sa inyo..?" Sabi ko habang nag papalit.
"Oo, hindi pwedeng wala ka. Mag lalaro pa tayo haha" sabi nya sa kabilang 'room' ng cr.
Nagpapalit ako nung biglang sumigaw si Jeehyun.
"Jeehyun?!" Sabi ko.
Anong nangyare sa kanya?!
--
Sorry po short ud :) salamat po sa pag basa :)
Yuri at the media XD hahaha nakikigaya lang kay ate yam.. Ang galing nya kasi haha. Follow her => @mavssxx
Anyway may mga new story po ako :) dahil patapos na po yung unexpected life (ito) :) sana po suportahan nyo :) salamat pooo.

BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomansaI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?