Napasigaw kami ni Jeehyun. Biglang nasunog at umapoy yung mga gamit na malapit ng pinagpatakan ng bote. Biglang tumakbo si Jeehyun papunta sa pinto. Sinubukan nya buksan ito pero hindi mabuksan. Nagpapanic na kami. Hindi ako makagalawa ng ayos kasi may crutches ako, at kahit gustuhin ko, hinding hindi ako makakatakbo para tumakas.
"Yuri!!" Sigaw ni Jeehyun, umiiyak sya.
Ano gagawin ko?!
Ah! Panyo! Kailangan ko ng basang panyo! Pero saan ako makakakuha ng panyo?? Wala ng time para maghanap pa.
"Jeehyun! Pumunta ka dito!" Tumakbo si Jeehyun sa tabi ko.
Dahil wala akong makitang ibang paraan, pinunit ko nalang yung dulo ng tshirt ko in two pieces, at inabot ang mga ito kay Jeehyun.
"Je-jeehyun tumakbo ka muna sa kusina please.. Basain mo yan pero bilisan mo" mahina kong sabi.
Nahihirapan na akong huminga sa daming usok na naipon sa loob ng bahay, kasi nakasarado lahat ng mga bintana at pinto. Buti nalang mabilis bumalik si Jeehyun. Kinuha ko yung basang piece ng tshirt at ipinatong sa bibig ko ng natatakloban ang ilong. Ganun din ginawa ni Jeehyun. Habang hawak hawak yung piece nya, sinusubukan ni Jeehyun buksan ang pinto pero nakalock ito.
"Yuri hindi ko mabuksan! Walang susi! Nasa taas!" Sigaw ni Jeehyun.
"Paano yan?! Wag ka na pumunta sa taas, baka mapaano ka pa!" Sabi ko.
"Tulungan mo ako dito!" Sinusubukan buksan ni Jeehyun yung bintana para dun kami lumabas, pero pareho na kaming nanghihina.
"Tulong! Tulong!" Sigaw kami ng sigaw pero walang sumasagot.
Biglang nawasak yung pinto na nakalock.
"Yuri!! Jeehyun!!" Yes.. Finally may dumating na..
Wala na ako masyadong nakikita pero ramdam ko na may bumubuhat sakin papalabas..
--FF--
"Yuri..?" Dahan dahan ko iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Baekhyun at Chen sa tabi ko.
Nakahiga ako sa isang kama, sa isang puting room. Kala ko talaga hindi na kami makakalabas..
"Si Jeehyun..? Asan si Jeehyun?" Tanong ko.
"Nandun sa kabilang room..nagpapahinga" sagot ni Chen.
"Sorry.." Sabi ni Baekhyun habang hinahawakan ang kamay ko.
"Ok lang, hindi mo naman kasalanan kung busy kayo.." Sabi ko.
"Nakita mo ba yung babae?" Tanong ni Chen.
"Oo.. Pero hindi ko masyadong tanda yung mukha nya.." Sagot ko.
"Sige.. Wait lang, labas muna ako" sabi ni Chen.
Nung lumabas si Chen, pumasok si sir Lee.
"Ok ka lang Yuri?" Tanong nya habang ininasara yung pinto.
"Ok lang po.." Sagot ko.
"Kakausapin ka mamaya ng police, hindi na pwede to. Sumosobra na" sabi nya.
"Ah ok po.. Ahm si Jeehyun po? Gusto ko po sya makita" sabi ko.
"Nakatulog na sya, mamaya mo nalang bisitahin. At tsaka magpahinga ka muna" sabi ni sir Lee.
Tama nga si sir Lee, sumosobra na sila.. Ano ba ginawa ko para ikagalit nila? Kung umalis kaya ako.. Titigil ba sila?
"Yuri, Baekhyun. Sainyo muna si Jeehyun titira habang inaayos pa ang bahay na nasunog.." Sabi nya.
"Ok po" sagot namin ni Baekhyun.
"At tsaka for all of your safety, may mga guard nakabantay sa labas ng bahay. Wag kayong aalis ng hindi nag papa-alam. Ok?" Sabi ni sir.
"Ok po." Sagot namin.
Lumabas na sya, pati si Baekhyun. Kasi pumasok ang mga police, tinanong ako tungkol sa babae at sa nangyare. Pagkatapos ko ikwento ang nangyare, lumabas na sila. Biglang may naalala ako.
Yung babae na nakita ko sa labas ng bahay, sya yung babae na nakita ko sa meet&greet.. Yung masama ang tingin sakin. Siguro sya rin yung nagdala ng cake..
--FF--
Makalipas ang ilang araw, nakalabas narin kami sa hospital, at natanggal na rin yung cast sa paa ako, finally.
Dahil sa mga nangyare, madami ng mga issue ang kumalat. Araw araw, may nag cocomment sa official exo-l site ng mga "ingat kayo!" "Omg, what happened?" , mga ganyan. Pero madami na rin nag ccomment at nag ssabi na mas maganda daw na umalis na ako sa group para hindi mapahamak ang mga members. Sabi nina sir Lee wag ko nalang daw pansinin. Tama nga sila.. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang gusto nila.
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
רומנטיקהI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?