"Hindi na, mabilis lang naman" sabi ko.
Bilis bilis akong bumama sa building at pumunta sa tapat ng van. Binuksan ko yung pintuan at hinanap yung cellphone ko. Napansin ko nandun pala yung driver, hindi ko kita mukha nya.
"Ahm kuya may nakita po ba kayong cellphone dito?" Tanong ko sa kanya habang nag hahanap.
Wait lang.. Bakit iba ata yung color ng mga seat? Nagkamali ba ako ng van?
"Ops.. Sorry po ah? Nagkamali po ata ako." Bababa na ako pero biglang may nagsara ng 'pinto' .
"Wag kang lalabas" wait, alam ko ata itong boses na to.. Sya ba yung babae na sumunog ng bahay?!
Nung na-realize ko kung sino sya, agad agad kong binuksan yung pinto pero bigla syang tumalikod (humarap sya sakin from the driver seat) na may hawak hawak na knife.
"Wag kang lalabas!" Sigaw nya. Umupo ako at inalis yung kamay ko sa pinto.
"A-ano ba ang gusto mo?" Tanong ko.
Hindi sya sumagot. Biglang 'umandar' yung kotse pero hindi pa to umaalis sa pwesto.
"Wait! Saan mo ako dadalhin?!" Sigaw ko.
Nag papanic na ako. Ano ba ang gagawin ko?!
"Yuri!" May sumigaw. Si Baekhyun at si sir Lee! Nasa likod nila ang mga guards.
This time umandar na talaga yung kotse. Ang bilis.
"Itigil mo! Bababa ako!" Kinakausap ko sya pero walang sagot ang dumadating galing sa kanya.
Tumingin ako sa likod ng kotse, sumusunod silang lahat samin gamit yung 'tunay' na van. Pansin ko na may kausap si sir Lee sa cellphone. Napansin din nung babae na hinahabol kami kaya binilisan nya yung pagtakbo ng van. Napatingin ako sa likod, malayo sila.
"Hoy! Sumagot ka!" Sabi ko sa kanya ng pagalit.
"Tumahimik ka!" Sigaw nya.
Maka lipas ilang minuto wala na yung iba sa likod namin at huminto na rin sya. Nasa harap kami ng isang bahay na medyo ok lang naman.
"Baba!" Sabi nya habang binuksan yung pinto ng van.
"Ayoko!" Lumayo ako sa kanya pero hinila nya buhok ko.
"Baba sabi!" Sabi nya.
Sumunod nalang ako.. Dinala nya ako sa isang kwarto na puti ang walls, walang mga gamit. Pinaupo nya ako sa sahig. Lumabas sya sa kwarto at nilock.
"Dyan ka lang!" Sabi nya.
Hindi ko napigilan umiyak. Ano ba talaga nagawa ko para dito? Tumayo ako, at sumilip sa window. Walang katao-tao. Sobrang taas din para tumalon. Nabigla nalang ako nung biglang pumasok yung babae.
"Ano ginagawa mo dyan? Tatalon ka? Sige, mag suicide ka na" sabi nung babae habang kumakain. Hinagis nya sa mukha ko ang isang plastic bag. Ano to..?
"Yan. Kumain ka muna." Umupo sya malayo sakin sa sahig.
"A-ayoko.." Nilagay ko sa tabi ko yung plastic bag.
"Wala yang lason hahaha" ang weird talaga ng babaeng to..
Kahit sabi nya yan, hindi ko parin tinanggap.
"Bakit mo ba to ginagawa?" Tanong ko. Ayan nanaman sya.. Hindi sumasagot.
Tumayo sya at lumabas ulit.
"Dyan ka lang, mamaya tayo MAGLALARO hahahaha" sabi nya.
.. Ibig bang sabihin nyan.. Hindi, hindi to pwede mangyare. Kailangan ko makatakas dito. Wait. Nilock ba nya yung pinto? Parang hindi..
Dahan dahan ako pumunta sa tapat ng pinto at sinubukan ko buksan. Pero biglang may nagbukas nito.
"!!" Nabigla ako biglang may tumakip ng bibig ko.
"Shh! Yuri ako to!" Napatingin ako. Si Baekhyun!
"Ano ginagawa mo dito?! I mean paano ka nakapunta dito?!" Sabi ko pero tinakpan nya ulit ang bibig ko kasi malakas yung boses ko.
"Andito sina sir Lee sa likod ng bahay.. May kasamang mga pulis.. " bulong nya.
"Ah.."
"Tara na.. Alis na tayo dito" hinawakan ni Baekhyun yung pinto pero nung bubuksan na nya ito..
"Baekhyun?!" Sigaw ng babae.
"Ano ginagawa mo dito?!" Sigaw nung babae.
"Ibaba mo yan please.." Sabi ni Baekhyun sabay turo sa knife na hawak hawak ng babae.
"Hindi!" Lumakad yung babae papunta samin, at napa-urong kami.
"Wag.. Wag mo tong gawin.." Sinusubukan kausapin ni Baekhyun yung babae na umiiyak.
"Bakit mo ba to ginagawa..?" Tanong ni Baekhyun.
"Gumaganti lang naman ako kay Yuri!" Sigaw ng babae.
"Huh?!" Ano pinagsasabi nya? ..
"Matagal na kitang kilala Yuri! Simula nung bata pa tayo! Naalala mo ba ako?! Yung korean classmate mo na niloloko ng iba?!" Sigaw nya habang umiiyak.
"H-huh..? Yoorin..?" Sabi ko.
"Oo! Naalala mo pa ba nung na aksidente ako?! "
"Ano sinasabi nya Yuri?" Sabi sakin ni Baekhyun.
"Na aksidente ako dahil sayo! Tandang tanda ko pa! Gabi noon, pareho tayong sumali sa isang singing contest. I aannounce na yung winner nung biglang may sumigaw ng 'sunog!' Dun nagkagulo ang mga tao, na-apak apakan ako ng mga tumatakbo. Naiwan pa tayo sa stage, habang may sunog, habang wala na yung mga tao. Ang sabi mo sakin noon 'walang iwanan, magtutulungan tayo, ang problema ng isa ay problema na din nung isa' pero bakit ganun? Nung dinala tayo sa hospital dahil madaming usok ang nahinga natin, ang sabi nila hindi na daw ako makakanta ng ayos kasi may na affect na chord.. Pero bakit ikaw?! Bakit ikaw hindi?! Kasi ikaw ang inuna nilang gamutin! Kasi ikaw ang mas pinili nila katulad lang ng iba! Pare-pareho kayo! Palagi nyo nalang ako iniiwanan!" Itinutok nya yunh knife samin habang umiiyak.
"Yoorin.. Sorry.. Sorry talaga.." Sabi ko.
Bata pa lang ako noon.. At tsaka hindi ko naman kasalanan kung ako inuna nila..
"Hindi totoo sinasabi mo.. Hindi kami tulad ng iniisip mo.. Ikaw yung kusang lumalayo samin sa tuwing gusto ka namin tulungan.. Kahit anong pilit namin, umiiwas ka. At tsaka hindi naman sinasadya ng mga doc.."
"Tumahimik ka!" Sigaw ni Yoorin.
Lumapit sya at malapit na kami madali nung..
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?