Chapter 69 (part 2)

570 7 21
                                    

[A/N: para maintindihan nyo kung sino si Seunghwan na dad ni Tin, ilalagay ko SG. Pag Seunghwan, si sir Lee, ilalagay ko buong name 'Seunghwan']

Yukiko's POV

22 lang ako nun, may boyfriend ako, sya si Seunghwan. Tinatago namin ang relationship namin dalawa, pero nalaman din ito ng magulang nya at ng iba. Hindi maganda ang reaction ng magulang nya, hindi sila payag na magka girlfriend si Seunghwan na hindi korean. In fact, pinag bawalan sya na makipag kita sakin, pero hindi sya pumayag kaya tumira kaming dalawa sa isang simpleng bahay at dun namuhay ng tahimik.

Ang dami dami namin problema, nag aaway kami minsan ni Seunghwan dahil sa magulang nya.

May isang kaibigan ako nun, korean sya, sya si SG. May gusto sya sakin, alam ko yun. Pero may mahal na akong iba nung time na yun.

Hindi ko ikwinekwento sa kanya ang mga problema ko, pero nandyan sya palagi para sakin.

Isang gabi sinamahan nya ako sa club, kasi gusto kong makalimutan lahat ng problema ko kahit saglit lang.

Nalasing sya, ako medyo lang. Sinamahan ko sya hanggang sa bahay nya. At pagkatapos nun, umuwi na rin sa bahay.

Limang araw makalipas sa pagpunta ko sa club, natagpuan din kami ng magulang ni Seunghwan, may kasakasama silang babaeng korean nung pumunta samin. Gusto nila ipakasal si Seunghwan sa kanya, pero nalaman namin na buntis ako kaya sumuway sya sa magulang nya at lumuwas kami sa Korea ng walang pa-alam. Hindi ko na rin sinabi kay SG, kasi wala na akong time para sabihin pa.

Tumira kami sa Manila, sa Philipiines kung saan ako nang galing.

Nung nasa bahay ako, madalas tumawag si James, bestfriend ko. Kinakamusta nya ako palagi at pinag sasabihan.

May tumatawag din na unknown number. Isang araw nung sinagot ko, nalaman ko na si SG yun, hinahanap ako, sari sari ang sinasabi nya. Mga 'bumalik ka na dito' 'mahal kita'. Hindi ako nag sasalita sa tuwing tumatawag sya, kasi ayokong malaman nya na ako to, baka malaman nya kung nasaan ako. Yung korean number pa kasi ang ginagamit ko nun..

Hindi ko alam kung bakit, pero medyo nanlamig si Seunghwan simula nung tumawag yung unknown number.. Alam nya ba?

Ilang months nakalipas nanganak na rin ako. Dalawang babae.

Nag decide na kami ni Seunghwan sa ipapangalan sa kanilang dalawa. Jeehyun sa mas matanda sa dalawa, at Kim sa bunso.

Ang saya saya ko nung nanganak ako, pero nung pumasok si Seunghwan sa kwarto ng hospital, isa lang dala nya, wala yung nurse na dapat dinadala yung isa pa.

Sinabi nila sakin na hindi na daw humihinga yung bata, si Kim.

Nung umuwi ako sa bahay kasama si Seunghwan, na depress ako.

Madalas kami mag away, dahil palagi natawag ang magulang nya, nalaman kung nasaan kami. In-engaged si Seunghwan kay Anne, yung babaeng korean na kasama nila noon..

Habang nasa work si Seunghwan tumawag yung ina nya sakin.

"Iwanan mo na ang anak ko. Layuan mo sya. Ayokong masira ang tradition ng pamilya ko dahil lang sayo. At tsaka isipin mo nga? Anong magiging future dyan ng anak ko? Kung talagang mahal mo sya, papakawalan mo sya para gumanda buhay nya. Engaged na rin sya kay Anne, kaya wala ka na magagawa. Wag kang selfish, isipin mo din kung ano ang mas maganda para kay Seunghwan" tandang tanda ko pa ang sinabi nya.

Pinag isipan ko ng mabuti, at nag decide na ako.

Pinagtabuyan ko sya, hanggang sa umalis na sya kasama ang anak namin, si Jeehyun, na sanggol pa kasi wala pang isang week ang nakakalipas sa birth nya.

Iyak ako ng iyak pagkalabas nya sa bahay, mahal ko sya syempre, pero mahirap relation namin.. Hindi ko na rin kaya. Nahihirapan ako. Umalis sya ng hindi kami bati.. At kasama ang anak namin..

Isang araw makalipas may tumawag sakin.

Hospital.

Kailangan ko daw pumunta sa hospital. Hindi ko alam kung bakit.

Pagkadating ko, sinamahan ako ng isang nurse sa isang room. Binuksan nya ang kwarto at nakita ko ang isang sanggol, tulog sa higaan nya.

Binasa ko yung name plate: Kim Lee.

Nagulat ako, at bakit ganun yung pangalan ng bata, at inexplain sakin ng nurse na akala nila hindi na humihinga yung bata, pero miracle daw ang naganap kasi nabuhay sya, kaya chineck nila at tininnan ng isang week, bago ipaalam samin na buhay sya.

Umiyak ako sa tuwa, dahil nabuhay sya.

Nalaman din ni James, bestfriend ko, kaya pumunta dya agad samin.

Ayokong palakhin si Kim ng walang nakikilalang ama kaya 'nagpakasal' kami ni James at pinalaki si Kim magkasama.

Pinapaltan ko din ang pangalan at surname nya. Yuri Salazar. Salazar dahil ni James.

Pinapaltan ko kasi ayokong maalala yung nangyare. Ayokong maalala ang masakit na pag iwan ni Seunghwan..

Nag panggap lang kami ni James, hindi ko naman sya mahal, kasi bestriend ko lang talaga sya, at ganun din ako para sa kanya. 'Pinakasalan' nya lang ako kasi gusto nya akong tulungan, kasi mahak nya ako bilang bestfriend nya.

Makalipas ilang taon.

Wala narin ako nabalitaan kay Seunghwan, ang alam ko lang, nagpakasal na sila ni Anne.

Pagkatapos ng 20 birthday ni Yuri, nalaman nya na hindi si James ang totoo nyang ama, at pinilit nya akong sabihin ang totoo, kaya nagpunta sya sa korea para hanapin si Seunghwan. At dun nagsimula ang lahat, ang paghahanap nya..

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon