Chapter 63

266 7 4
                                    

"Sigurado po ba kayo na wala kayong kwintas..?" Tanong ko kay dad.

"Wala talaga Yuri.. " sabi nya.

"Ganun po ba.. Sige po alis na ako dad! Bye po! Bye tita Jen!" Umalis na ako at sumakay na ulit sa van.

"Tapos ka na?" Sabi ni Chen pagkatabi ko sa kanya.

"Oo tara na?" Sabi ko.

Pagkadating namin sa bahay ni sir Lee bumati kami sa lahat, ang daming tao grabe.

"Asan na yung iba?" Sabi ko.

Sa dami ng mga tao nawala na ako.
Nag lakad lakad ako sa loob ng bahay nung may nabangga ako.

"Oh sorry po" sabi ko habang nakatingin sa baba.

"Yuri haha!" Napatingin ako sa taas, si Baekhyun.

"Hay buti nalang at nakita kita!" Sabi ko.

"Bakit?" Sabi nya.

"Wala kasi akong kilala dito.. Tapos iniwan nyo pa ako mag isa" sabi ko ng nakapout.

"Ah sorry! Binati ko lang si sir Lee at nagpasalamat sa pag invite" sabi nya.

Hinila nya ako malapit sa isang couch pero dahil madami ang taong nakaupo, sabi ni Baekhyun: "tara upo tayo. Dito ka nalang umupo sa lap ko"

"Huh? Wag na" sabi ko.

"Dali na, mahihiya ka pa" hinila nya ako at napaupo ako sa lap nya.

Ang dami talagang tao, mga hindi ko kakilala.

"Oh hi Yuri!" Sumulpot bigla si Jeehyun, kaya napatayo ako.

"Hi Jeehyun" sabi ko habang nakangiti.

"Sino kasama mo?" Tanong nya.

Umisod ako ng konti para makita nya si Baekhyun na nakaupo.

"Ah.. I get it" sabi nya at nag face na pang asar.

"So, wala ka bang ginagawa?" Tanong nya.

"Wala" sabi ko.

"Sama ka sakin sa kwarto ko!" Sabi nya.

"Kwarto mo?" Sabi ko.

"Ahm oo, kasi minsan natutulog ako dito sa bahay ni daddy" sabi nya at hinila ako.

Kumaway nalang ako kay Baekhyun at sinundan si Jeehyun.

"Wow.. Ang ganda naman ng kwarto mo" sabi ko pagkapasok sa loob ng kwarto nya kung saan walang tao kundi kaming dalawa lamang.

"Talaga? Salamat!" sabi nya at tumalon sa kama nya para umupo.

"Ang cute mo pala nung maliit ka" sabi ko habang tinitinnan ang mga picture frames sa wall.

"Bakit? Nung maliit lang ba? Wahaha joke lang" sabi ni Jeehyun at nag peace sign.

"Jeehyun mommy mo ba to?" Tanong ko kasi may nakita akong babae na humahawak sa kanya.

"Ah.. Oo. Sya yung mommy ko" sagit nya.

".." Tininnan ko yung picture, ang ganda ng mommy nya..

"Wala na sya, mga ten years old pa lang ako.. Mabait mommy ko at supportive.. Pero madalas sila mag away ni dad noon.. Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko ay mahal na mahal kami ni mommy" napatingin ako kay Jeehyun.

..hindi ko akalain na magkwekwento sya tungkol sa mommy nya at sa sobrang personal na bagay katulad nito.. Napatahimik ako sa mga sinabi nya, wala na pala syang mommy..

--

Hi po :) sorry po medyo short po ud na to :) bawi nalang po ako sa next chapter :) hahabaan ko po :) salamat po sa pagbasaaa <3

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon