Ganto pala pakiramdam na may tinatawag na dad.. Ang saya saya ko at nakita ko na sya..
"Wait lang Yuri" pumunta si dad sa mga co-workers nya at may sinabi.
"Punta tayo sa bahay Yuri" sabi nya habang dala dala yung bag nya.
"Bakit po? Wala po ba kayong work?" Tanong ko.
"Humingi ako ng day off, gusto kita makilala ng mabuti" sabi nya ng nakangiti.
Sumakay kami sa isang taxi at pumunta sa kanila. Pagpasok namin sa bahay:
"I'm home!" Sabi ni dad habang ibinababa yung bag nya.
"Daddy!" Tumakbo si Tin at niyakap sya.
"Welcome home hon" dumating din si .. Ano ba itatawag ko sa kanya? Basta mommy ni Tin.
"Ate Yurii!" Napansin ako ni Tin kaya tumakbo sya sakin at niyakap.
"Hi Tin" sabi ko ng nakangiti.
"Hi sweetheart" lumapit sakin si 'tita' Jen at nag beso beso kami.
"Sorry po sa pang iistorbo" sabi ko habang nakatingin sa baba.
"Oh, it's ok sweetie. I'm glad you're here" sabi ni tita habang nakangiti.
Hindi talaga ako makapaniwala... Nakita ko na si dad.. At tanggap nya ako! Tanggap nila!
"Ate! Ate!" Hinila ako ni Tin at umupo kami sa isang couch habang pumunta si tita sa kusina.
"Yuri.. Ikaw ba talaga yan? Hindi pa ako makapaniwala na ikaw ang anak ko.." Umupo si dad sa harap namin.
"Ako nga rin po hindi makapaniwala na nakita ko na kayo.." Sabi ko.
"Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?" Tanong ni dad.
"Nalaman ko po kasi na hindi ko tunay na tatay yung tinuturing kong dad sa isang usapan nila.. Kaya tinanong ko kung sino po yung tunay kong dad. Sabi nya Seunghwan ang pangalan at korean. Kaya nagpunta po ako dito sa Korea para hanapin kayo kahit hindi naman alam ang saktong pwesto kung saan maghahanap.. Kaya nagpapasikat ako, umaasa na dadali ang pag hahanap sa inyo. At yan nga po.. Nagka banggaan po tayo sa mall.." Sabi ko.
"Tadhana nga naman oh.." Sabi ni dad.
"Dad may itatanong po ako.." Sabi ko.
"Ano yun?" Sabi nya.
"Bakit nyo po iniwanan si mommy?" Tanong ko ng nakatungo.
".. Hindi ko sya iniwanan.." Sabi nya.
"Po? Bakit po ba kayo nagkahiwalay?" Tanong ko.
"Kasi..
--
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomantiekI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?