Lalabas na sana ako para pumunta ulit sa kwarto, kaso nadulas ako, at nauntog ang ulo ko sa lababo.. May kumakatok ata sa pinto.. Sino kaya? Ay wait tatayo muna ako.. Wah.. Kakahilo.
"Sino yan?" Sabi ko habang 'minamassage' ang ulo ko. Bago pa makasagot yung nakatok, binuksan ko na yung pinto. Ahm si Baekhyun?
"Bakit ka tumayo? Humiga ka na!" Sabi ko sa kanya.
"May narinig kasi akong ingay galing sa banyo. Ok ka lang ba?" Tanong nya sakin.
"Oo.. Ok lang ako. Humiga ka na, parating na ako" ( wag kayong green haha) .. Pumunta sya dito kasi nag alala siya sakin kahit may sakit sya? .. Parang hindi sya ang kilala kong Baekhyun na masungit.. Hay, may sakit nga sya. Pumunta na kami sa kwarto, pinahiga ko sya at nilagyan ko ng basang towel sa noo.
"Dyan ka lang ha? Kukunin ko lang ang pang tingin ng lagnat.." Tumayo ulit ako para kunin nga yun pero pagkatalikod ko, may naramdaman akong kamay na humahawak sa kamay ko. Tumalikod ako at humarap kay Baekhyun. Bakit nya hinahawakan ang kamay ko? Nababaliw na ata sya.. (Haha)
"Wag ka umalis.. Wag kang umalis sa tabi ko.." Sabi nya ng mahina. Huh.. Bakit ganto? Ano pinagsasabi nya? Ano nangyayare sa kanya..?
"Huh? May kukunin lang a--"
"Wag mo ako iwanan Yuri.. Kailangan kita please.." This time nilaksan nya. Huh hindi alam ang gagawin ko.. Bakit gantoooo? Bakit ganto ang nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan..
"Sige.." Hindi na ako umalis. Umupo nalang ako sa sahig at ipinatong ko yung ulo ko sa kama nya malapit sa kanya. Agad agad sya nakatulog. Tininnan ko yung mukha nya habang tulog. Parang iba sya.. Yan ba ang "totoong" Baekhyun? Nakatulog na din ako ng konti. Pag gising ko kinuha ko yung basang towel at binasa ko ulit, pagkatapos kong pigain , inilagay ko ulit yung towel sa noo nya. Nagising sya. Opss.
"Ops.. Sorry. Binasa ko lang yung towel." Sabi ko . aalsin ko na yung kamay ko sa noo nya pero bigla nya tong hinawakan. Bakit ganto?! Bakit.. Bakit bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa tuwing hinahawakan nya ang mga kamay ko? Kala ko ba crush ko si Kai..? Bakit ganto ang reaction ng puso ko kay Baekhyun?
Hinawakan nya ang kamay ko at inilapit nya sa pisngi nya sabay tingin sakin.
"Gusto kita Yuri.. Bakit hindi mo napapansin?" HUH? A-ano? Ako? Nabigla ako sa sinabi nya kaya inalis ko ka-agad yung kamay ko nahawak nya. Waah ramdam ko na umiinit ang mga pisngi ko! Tumayo na ako kasi hindi ko na kaya . Nasa harap na ako nung pinto nung naramdaman ko ang init ng isang yakap.

BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomansI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?