Jeehyun's Birthday~
Kakagising lang namin lahat. Ilang araw na namin iniiwasan si Jeehyun, hindi rin kinakausap. Pero ok lang yan, pasasayahin naman namin sya mamaya with a surprise birthday party. Pero sa ngayon sorry nalang Jeehyun hihi.
"Goodmorning!" Binati ko ang lahat habang nag brebreakfast.
"Goodmorning!" Sagot nila.
Umupo at kumain na rin ako.
"So ok na ang lahat?" Tanong ko.
"Oo"
"Yay so excited" sabi ko habang nakangiti.
"Yuri ikaw ang unang makakasama nya, kaya do what you have to do" sabi ni Chen sabay wink.
Pagkatapos kumain, nag pa alam na ako at umalis papunta sa photoshoot. Pagdating ko dun binati ko ang mga staff at ang iba.
"Hi Yuri!" Masayang sabi ni Jeehyun.
"Hi" yayakapin na sana ako ni Jeehyun pero umiwas ako at kunwaring may kakausapin (naka crutches pa ako syempre)
"Hi po! Ready na po ako magpaayos" sabi ko sa makeup artist.
Nakatalikod ako kay Jeehyun habang pangiti ngiti.
Pagkatapos ayusan at bihisan, nag photoshoot na kami ni Jeehyun from waist to head lang kasi makikita yung cast ko.
--
Jeehyun's POV
Wow ang ganda ng simula ng araw na to.. Bakit ba sila ganyan sakin? May ginawa ba ako?
Kanina nung nag pphotoshoot kami iniiwasan ako ni Yuri, parang galit sya. Sa pagkakaalam ko wala naman akong nasabi na mali na ikagagalit nila. Pero simula nung nag away kami ni Luhan kasi hindi sya pumayag na makipagkita sakin, iniwasan nila ako.
Ngayon nasa sm building na ako, may pinapadala si dad (sir Lee) sa kanila. Sana naman kausapin nila ako. Kumatok ako sa room 20 kung saan sila nag prapractice.
"Come in!"
"Warning, warning, warning! Hahahaha" haha.. Mga loko.. Namiss ko sila.
"Someone call the doctooor haha" dagdag pa nila, naririnig ko sila sa labas ng room.
"Ahm.. Excuse me, may pinapadala si sir Lee." Nakangiti ako hoping na kakausapin nila ako.
"Ah ok, iwanan mo nalang dyan" tinuro ni Chanyeol ang isang table.
"Ah ok.." Hindi man lang nila ako tinitinnan, pati si Luhan, hindi nya ako pinapansin.
"Ahm guys, can i borrow Luhan for a moment..?" Tanong ko.
"Yeah, go ahead" sabi nila.
Tumayo si Luhan at lumabas sa room kasama ko.
"Luhan sor--"
"Ano ba sasabihin mo? Bilis kasi busy ako"
".. Galit ka ba sakin? Sorry na kahit ano man ginawa ko.."
"Yan lang? Sige pasok na ako, salamat sa pagdala nun" pumasok na si Luhan sa room.
Uh, i hate this day..
"Ahm Jeehyun?"
"Yuri ikaw pala.."
"Oo ako nga, pwede umisod ka ng konti? Papasok kasi ako"
"Ah.. Tulungan na kita" naka crutches sya, baka nahihirapan.
"Wag na, kaya ko naman" pumasok na si Yuri.
Wala na ata akong magagawa dito.. Pupunta nalang ako sa office ni dad. Pagdating ko kumatok ako.
"Yes?"
"Dad it's me" pumasok ako at umupo sa harap ni dad.
"Happy birthday Jeehyun! Come here i have a present for my favourite daughter!" Huh? Birthday? Ah oo nga, nakalimutan ko na birthday ko nga pala today..
"Favourite kasi nga ako lang naman ang anak nyo, wala naman akong kapatid dad"
"Kahit na. Here" inabot sakin ni dad ang isang necklace.
"Wow ang ganda.."
"Mahalaga yan sakin kaya wag mo iwawala" nag wink si dad. Ang corny haha..
"Thanks dad" niyakap ko sya at nilagay sa bag yung necklace.
Makalipas ilang minuto:
"How are you Jeehyun?" Tanong ni dad habang may binabasa na papel.
"Not ok i guess.."
"Why? It's your birthday today you should have fun with your friends"
"Yeah.. Fun.. With my friends.." Hindi nga nila ako pinapansin..
"Why? Did something happen'?"
"No, nothing.. Uh i have to go dad bye" kiniss ko sya sa cheek at umalis sa building.
Ayoko na makita nya ako habang napapaiyak. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nila ako ginaganto lalong lalo na na birthday ko ngayon. I should have fun with my friends today, but from what i see, i can only have fun today, without my friends..
"I hate this day" inisip ko.

BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?