Chapter 40

374 9 2
                                    

Nandito kaming lahat sa hospital dahil sumuka bigla si Sehun dahil sa cake. Nag iintay kami sa labas ng room nya. Kasi nandun pa si doc. Kasama si sir Lee, kinakausap sya.

".." Tahimik lang kami. Kinakabahan ako..

Finally lumabas na si doc at si sir Lee.

"Doc! Ano po nangyare??" Tanong namin lahat.

"Mukhang may naglagay ng lason sa cake, buti nalang at maaga nyo sya nadala dito kung hindi.. Baka hindi na namin natanggal ang poison" sabi ni doc.

"Saan mo ba nakuha yung cake?" Tanong ni sir Lee.

"May nag lagay po sa tapat ng pinto.. Nakasulat po na galing sa isang fan.. Sorry po talaga.." Sabi ko.

"Hindi fan ang tawag dyan miss Yuri, baka sasaeng fan yan o hater.." Sabi ni sir Lee.

"Paano po si Sehun? Kailangan nya po mag stay dito?" Tanong ni Kyungsoo.

"Hindi, he can go back at your dorm and do any activities he wants but he needs to take some medicines" sabi ni doc.

"Salamat po" sabi namin lahat.

Pumasok na silang lahat sa kwarto ni Sehun (sa hospital) habang nakaupo parin ako sa labas.

"Please eat this cake i made, it's only for you" naalala ko yung nakasulat sa cake.

Ako ba ang dapat kumain nung cake na yun? .. Bakit? Sino ba talaga ang gumawa ng cake na yun? Anong plano nya? ..

"Yuri! Hindi ka ba papasok?" Biglang may tumawag sakin sa loob ng kwarto, si Chen.

"Ah.. O-oo, wait lang" tumayo na ako at lumakad sa loob.

Tininnan ko si Sehun, nakahiga sya at hindi na masyado mapula. Biglang may narinig kaming mga noises sa tapat ng pinto. Pumasok si sir Lee.

"Wag muna kayo lalabas! Madaming reporters" sabi ni sir Lee.

"Ok po" sagot namin.

Na gguilty ako sa nangyare..

"Sehun sorry.." Sabi ko.

"Para saan?" Sabi nya.

"Dahil sa cake.."

"Ah.. Hindi mo naman kasalanan yun.. Kasalanan yun ng kung sino man ang may gawa ng cake na yun.." Sabi nya.

Wala akong naisagot. Tahimik kaming lahat hanggang sa umalis na kami kasama si Sehun papunta sa bahay.

--FF--

Dalawang araw na ang nakalipas sa nangyare, hindi na ako hinahayaan mag isa dun, at dumami na rin ang mga securities ng exo members para walang mangyari. Dahil hindi ako iniiwanan sa bahay mag isa, nasa sm building ako kasama ng exo.

Nanonood lang ako sa dance practice nila. Pagkatapos nila sa practice iniwan nila ako kay Jeehyun kasi hindi ako pwede sumama sa tv show kung saan guest sila.

"Yuri nakakain ka na ba ng lunch?" Biglang tanong ni Jeehyun habang nag ddrive ng kotse nya.

"Hindi pa, ikaw?" Sabi ko.

"Hindi pa rin. Kain tayo sa bahay?" Yakag nya.

"Ah sige."

Ipinark ni Jeehyun yung kotse malapit sa bahay nila at bumaba na kami.

"Sorry ah? Wala na kasing pwesto sa tapat ng bahay" sabi ni Jeehyun habang nag lalakad kami.

"Hindi, ok lang."

Habang nag lalakad kami may napansin ako isang group ng mga babae malapit sa bahay ni Jeehyun.

"Ahm Jeehyun..?"

"Oh?"

"Sino yung mga babae d--" huh? Nawala? Nasaan sila?

"Ano?"

"Uh, wala wala.. Nevermind." Sabi ko.

Baka na iimagine ko lang sa sobrang stress at dahil sa mga nangyare.. Pumasok na kami sa bahay, at nilock ni Jeehyun yung pinto for our 'safety'.

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon