Sumakay na ako sa van habang iniisip ang nangyare..
"Tara na?" Sabi ko habang umuupo.
"Manong uwi na daw po tayo" sabi ni Suho.
Napasandal ako sa balikat ni Kai at nakatulog. Nagising ako sa kama ko, medyo masakit pa ang ulo ko.
"Hmm.." Anong oras na..?
Tumayo ako at tumingin sa kwarto, tulog si Baekhyun sa kama nya.
1am na pala, lumabas ako sa kwarto dahan dahan at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
"Magnanakaw ka! Katulad ka rin ng iba! Inaagaw mo ang hindi dapat sayo!" Naalala ko ang sinabi ni sir Lee.
Uh.. Ang sakit talaga ng ulo ko..
Gising pa kaya sina mommy..? Kung tawagan ko kaya?"Hello Yuri?" Sumagot agad si mommy sa tawag.
"Musta na po kayo?" Tanong ko habang sinasara ang fridge.
"Ok lang naman.. Eh ikaw? Bakit gising ka pa?" Sabi nya.
"Medyo nahihilo po pero ok lang.. Wala, nagising po kasi ako" sabi ko.
"Ah.. Magpahinga ka na" sabi ni mon.
"Mommy.. May gusto lang po kasi akong malaman.." Umupo ako sa sofa habang kausap si mommy.
"Ano yun?"
"Minahal nyo po ba si dad..?"
".. Syempre.."
"Mommy.. Pwede po ba kayo magpasa ng picture ng kwintas na sinasabi nyo?"
"Uh sige.. Sige na tulog ka na, aalis na kasi ako.. Goodnight Yuri, mahal na mahal kita" sabi ni mom at pinatay na yung tawag.
Makalipas ilang minuto may nag chat sakin, si mom. Pinasa nya ang isang picture, kung saan maliit pa ako at may kwintas sa leeg.
Similiar sya sa nakita ko sa kwarto ni Jeehyun.. Kailangan ko malaman kung saan nya nakuha.. Pero sa ngayon tulog muna ako kasi nahihilo na talaga ako.--FF--
"Yuri!" Rinig ko ang boses ni Baekhyun na tinatawag ako.
"Hmm..?" Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko sya sa tabi ko, nakahiga din sa kama ko.
"HUH?! Anong ginagawa mo dito sa kama ko?!" Napaupo ako sa kama at hinila yung cover.
"Dito kasi ako nagising eh.." Sabi nya habang nakatingin sakin.
"HUH?! A-ano?!" Malakas kong sabi.
Wag mong sabihin na.. May nangyare ba samin..?!
"HAHA! Jokee! Kakahiga ko lang sa kama mo, wag kang mag isip ng kung ano ano" tumayo na sya sa kama ko at pa wink wink pa.
"Walangya ka! Hay.. Kala ko naman.." Ibinato ko yung unan ko sa kanya.
"Kala mo ano? Haha. Sorry pero hindi pa pwede! Mag intay ka nalang" nag wink ulit sya habang hawak hawak ang unan na ibinato ko sa kanya.
"Anong sorry sorry?! Ano ba ang pinagsasasabi mo!" Tumayo na ako at tininnan sarili ko sa salamin.
"Haha sige kain na ako, hindi ka pa ba kakain ng breakfast?" Sabi nya habang nakahawak sa likod ng leeg nya.
"Mauna ka na. Aayusin ko pa ang kama" sabi ko.
Pagkalabas nya umupo ako sa kama at napatingin ulit sa picture ko na suot ang kwintas.
Bakit ganun? Bakit wala yung kwintas kay dad Seunghwan? Bakit.. Bakit may similiar na kwintas si Jeehyun..? Naguguluhan talaga ako..
Mamaya pagkatapos ng schedule namin, kakausapin ko si Jeehyun, kailangan ko malaman ang lahat..
--
Hii :) short ud ulit XD sorii haha. Ahm baka mahabahaba yung next chap :)
Salamat po talaga sa pagbasa sa story na to :)
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?