Chapter 10

572 12 0
                                    

Nabigla ako sa sinabi nya kaya inalis ko ka-agad yung kamay ko na hawak nya. Waah ramdam ko na umiinit ang mga pisngi ko! Tumayo na ako kasi hindi ko na kaya . Nasa harap na ako nung pinto nung naramdaman ko ang init ng isang yakap.

"Ba-bakit mo to ginagawa? .." Tanong ko sa kanya . Ipinikit ko ang mga mata ko kasi lalong bumilis at lumakas ang pagtibok ng puso ko.

"I think.. I think im in love with you.." Sabi nya while hugging me from behind. Hay hindi ko na talaga to kaya. Inalis ko ang mga kamay nya sakin at lumabas na ako sa kwarto. Napa-upo ako sa sahig sa tapat ng pinto ng kwarto "namin" . Hindi ko alam kung ano gagawin ko.. Buti nalang nasa labas pa silang lahat. Pupunta pa ba ako sa loob? Ahm.. Wag na.. Ayoko muna sya makausap. Lalabas na lang ako. Nung lumabas ako (sa garden) nakaupo sa table sina Jeehyun at Luhan habang yung iba nagkukulitan. Medyo madilim na rin kaya hindi ako makakita ng maayos, wala kasing bumubuhay ng ilaw. Pumunta ako sa mga guys kasi ayoko makaistorbo kina Jeehyun at Luhan. Malapit sila sa pool nakaupo (yung iba) kaya dun ako pumunta.

"Ano ginagawa nyo? Pwede makisama ako? Haha" sabi ko sa kanila habang umuupo sa tabi nina.. Ahm Xiumin at Tao.

"Naglalaro kami nang truth or dare. Sali ka?" Sabi nila. Yun oh.. Sana makatulong to para makalimutan ko yung nangyare kanina.

"Sige." Sabi ko. Pina-ikot nila yung bote na tumapat kay Sehun.

"Truth or dare?" Tanong namin lahat sa kanya.

"Truth." Sagot nya agad.

"Yuri ikaw na ang magtanong sa kanya!" Sabi ni Lay.

"Ahm.. Sino girlfriend mo? Kung meron haha" tanong ko .

"Meron haha. Kim Min Chan pangalan nya. Ipapakilala ko sya sayo pag may time" sabi nya. Wow. May girlfriend din pala sya. Inikot ni Sehun yung bote, na tumapat kay.. D.O.

"Truth or dare?" Tanong namin.

"Ahm.. Dare nalang." Sabi nya.

"Hmm.. Ano kaya? Ah! Mag rap ka" sabi ni Sehun. Wow ayos ah haha.

Tumayo si D.O at nag rap sya. Habang nag r-rap sumasayaw sayaw sya para masundan yung "beat" hahahaha pero ang weird ng sayaw nya haha ang cutee. Tumigil sya bigla nung narinig kaming tumatawa. Ang sama ng tingin nya haha.

"Bakit kayo tumatawa?" Tanong nya.

"Uhm.. Wala hahaha" sagot namin.

Tumayo ni Tao at ginaya gaya si D.O na agad naman lumapit para pigilan sya hahaha. Makalipas konting minuto kumalmana din si Tao . Inikot na ni D.O yung bote, at tumama sya kay.. Tao hahaha. Karma na yan bro haha joke lang.

"Truth or dare?" Tanong namin sa kanya.

"Dare" sabi nya . Hinahamon ata ni Tao si D.O haha.

"Mag push up ka ng 10 times." Sabi ni D.O

"Wow ah. Yun lang?" Sabi ni Tao haha ubod ng yabang eh :3

"Patapusin mo kasi ako. Mag push up ka ng 10 times habang nakaupo si Yuri sa likod mo. Haha." Sabi nya sabay tawa. Ako? U-upo sa likod nya? Ang bigat ko kaya. Nakakahiya.. Wag na haha.

"Luh! Wag! Mabigat ako" sabi ko ka-agad pero mukhang hindi sila nakikinig. Tawa sila ng tawa habang si Tao ready na para mag push up, iniintay ako .

An unexpected life (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon