Chapter 2

1.2K 72 7
                                    

***May's POV***

Germany.

"Mom, I'm gonna shift next semester whether you like it or not...." malumanay na pahayag ni DJ na nakatingin sa akin. Sa akin lang siya nakatingin pero para sa aming dalawa ng daddy niya ang sinabi niyang iyon.

"I don't wanna waste my time fighting over this again, Dale John! My decision is final." galit na sagot ni Edward sa anak niya.

"Mom, I don't like Business courses. I want to be an engineer like Tito Marco and Tito Blake... Business is not my forte.."

"I have the final decision in this house. Deal with it!" napipikon na sagot ng daddy niya.

"Excuse me, mom. I'll go ahead." at umalis na ng hapag-kainan si DJ.

"See that?"

"Hayaan mo na muna, love. Hindi kasi niya talaga gusto ang business course. Eh sa akin nagmana iyang anak mo eh. Puro drawing at math ang alam."

"He doesn't have any choice. Everything can be learned, love. You know that... He's the only one who will inherit my business. Hindi lahat ng panahon malakas ako at kaya kong i-manage ang lahat ng negosyo. Siya lang ang nag-iisang pag-asa kong aako ng responsibilidad ko in the future. Para rin naman sa kanya 'tong lahat ng ginagawa ko..."

"I know.." ang tanging nasabi ko. Nagsisimula na naman kasi siyang maglitanya...

"I won't be forcing him kung buhay sana----"

"Love, please... Wala siyang kasalanan...."

"Hindi mo maiaalis sa akin ang nararamdaman ko... I know it's unfair pero.... buhay sana ang kambal kung hindi dahil sa kanya at kay Cheska. May iba sana akong anak na aasahan..."

"Love.. they were babies at that time... Inosente sila..." pagtatangol ko kay DJ.

"I know pero tignan mo ang nangyari... You couldn't walk for years.... nawala ang mga kapatid niya... at ngayon suwail pa siya sa akin..."

Hindi na ako sumagot pa. Ayoko ng humaba pa ang diskusyon naming mag-asawa.

Masakit pa ring isipin ang mga nangyari mahigit sampung taon na ang nakararaan.

Nasa Pilipinas pa kami noon. Isa kaming masayang pamilya dati. Kaming tatlo... at malapit kami sa mga mahal naming kaibigan na may kanya-kanya na ring pamilya.

Kapitbahay namin sina Blake at Chery kasama ang anak nilang si Cheska. Hinding-hindi makakalimutan ng lahat lalo na ni Edward ang malagim at masakit na pangyayaring iyon...

Pitong buwan akong buntis noon sa pangalawang anak sana namin ni Edward.

Isang hapon ay nasa bahay namin si Cheska at nakikipaglaro kay DJ pagkatapos ng klase. Iyon ang usual na routine ng dalawang bata. Naghahabulan sila sa loob ng bahay at kararating lang ni Edward galing opisina.

"Chase me! Chase me Cheska! Come on!"

"You've got to run faster DJ! I'm gonna catch you right away.."

"Son, be careful... Baka madapa o mahulog kayo... wag sa may hagdan ah..." Narinig kong sabi ni Edward na nasa ikalawang palapag ng bahay kasama ng dalawang bata.

"DJ, Cheska. Dito kayo sa baba. Baka mahulog kayo diyan."

Pero dahil mga bata ay hindi sila basta-basta nagpapigil sa kakulitan...

Sigawan at tawanan pa ang dalawang bata... Bilang nanay ay hindi ako mapakali kaya inakyat ko sila galing sa sala sa baba.

Nasa ika-huling baitang na ako paakyat ng sumalubong sa akin si DJ na tumatakbo...

"DJ! Careful! Baka mahulog ka... Tigil na please.."

Pero hindi niya ako pinakingan at pumunta pa ito sa likuran ko hawak ang damit ko.

Nakita kong parating si Cheskang humahabol sa kanya at bigla na lamang nahila ni DJ ang damit ko dahilan para mawalan ako ng balanse. Mabuti na lamang at nakakapit pa si DJ sa railings. Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon, tuluyan akong nahulog sa napakataas na hagdan ng bahay namin.

"Maaaaayyyy!!! No!!!!"

Huling sigaw na narinig ko ng araw na iyon.

Nagising ako pagkatapos ng mahigit isang lingo.

"Love? You're awake!!! Doc! Gising na siya!"

Tulala ako noong una.

"Anong nangyari?"

"Love... you were on a coma for more than a week."

"Huh?" Pinilit kong alalahanin ang nangyari.

Bigla akong napahawak sa aking tiyan.

"Love...." Umiiyak na si Edward habang hawak ang mga kamay ko.

"Anong nangyari? Nasaan---?"

"They didn't survive. Our twins didn't survive..."

Bigla na lang akong nagpalahaw ng iyak... Pagkatapos ng pitong buwan... mawawala lang sa isang iglap... Hindi ko kinaya ang mga pangyayari... lalo na sa natuklasan ko pa bukod sa pagkamatay ng dalawa kong munting anghel.

"May.... Love.... I don't know how to say this... pero may nangyari saiyo..."

Hindi maituloy-tuloy ni Edward ang sinasabi niya dahil panay iyak na lang din siya...

"You.... you won't be able to walk anymore... I'm sorry love..."

Parang bombang sumabog ang balitang iyon sa akin... Hindi ko mapigilang mag-iiyak at magsisigaw sa sinapit ng kambal ko at ng katawan ko... dahilan para maya't-maya ay turukan nila ako ng pampakalma.

Ilang buwan bago ko natangap ang nangyari. Pero in-assure naman ako ng doktor sa napakaliit na posibilidad na makalakad pa ako sa hinaharap.

Simula noon ay nagbago na ang lahat... lalo na ang pakikitungo ni Edward kay DJ. Si Cheska din ay hindi niya na pinayagang makipaglaro pa kay DJ.

I was invalid for years... Sa ngayon ay paunti unti na akong nakakalakad pero may saklay pa ding gamit. I'm taking all the theraphies possible.

Hindi lang para sa akin ang ginagawa kong ito kundi para sa mag-ama ko. Hanga't hindi ako nagiging normal ay hindi magiging normal ang relasyon naming mag-anak lalo na ang aking mag-ama.

Tila nawalan ng amor si Edward kay DJ. Hindi niya man direktang sinisisi ang anak namin pero alam kong ganoon ang nararamdaman niya sa nangyari. Kaya lumayo din ang loob ni DJ sa kanya. Panay "mommy" na lang ang alam niya. Iwas ito lagi kay Edward. Pero hindi naman nagkulang si Edward sa obligasyon niya bilang daddy kay DJ. Hindi na lang talaga sila magkasundo... At ako lagi ang apektado kapag nagkakasagutan ang dalawa.. na bihira din namang mangyari dahil laging nagwo-walk-out na lang si DJ....

Gusto kong bumalik sa dati ang samahan naming tatlo... Isang masayang pamilya.... Naluluha pa rin ako sa tuwing ipinagdadasal ko ang bagay na ito.

Pagkatapos kasi ng nangyari ay nagmigrate na kami dito sa Germany para na rin maipagamot ako. Dito na rin nag-aral si DJ at ngayon nga ay nagtatalo na naman sila ng daddy niya sa kursong kinukuha niya.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon