Chapter 1

3.7K 93 18
                                    


***Cheska' POV***

"Hapi bertdey to yu! Hapi bertdey to yu! Hapi bertdey! Hapi bertdey! Hapi bertdey to yu!"

Sabay-sabay na kanta ng aking mga kabarkadang tambay sa kanto. Nandito kami ngayon sa karinderya ni Aling Cora. Nilibre ako ng mga ito ng pansit at softdrinks.

"Tisay! Hapi bertdey! Dalaga ka na ah!"

"Anong dalaga? Upakan kaya kita! Binata na to, hoy! Pero salamat mga Tol ha! Buti pa kayo naalala ninyo ang kaarawan ko. Samantalang--"

"O wag na magdrama! Lika na dito! Banatan na natin to! Bagong luto lang tong pansit ni Aling Cora. Ang sarap sa sukang maanghang!"

"Oo naman! Da best iyan si Aling Cora."

"Cheska... Ineng! Maligayang kaarawan. Disiotso ka na di ba? Sana mag-ayos ka naman. Dalaga ka na. Hindi bagay saiyo ang ayos lalaki.. Ang ganda-ganda mo kaya."

"Aling Cora naman eh. Ilibre ninyo na lang kaya kami ng puto, pandagdag dito."

"Nakung bata ito. Siya sige. kuha na kayo ng tag-iisa. Tsk! Nasaan na kaya ang mga kamag-anak mo? Hindi ka man lang nila hinanap noon."

Natahimik ako sa sinabi ni Aling Cora. Pati mga kaibigan ko ay natahimik din. Alam ng mga ito ang kaunti sa istorya ng buhay ko bago ako umabot sa ganitong kalagayan. Pero ayoko nang maalala iyon.

"Aling Cora naman eh. Panira ng moment. Ayan tuloy si Tisay, nalungkot na."

"Okay lang ako. Sige mga tol! Kayod muna ako. Salamat sa pabertdey! Salamat din ho Aling Cora."

"Walang anuman, Cheska!"

Ayoko sana na tinatawag ako ng Cheska. Masyadong babae. Pero wala akong magagawa. Iyon talaga ang pangalan ko eh. Buti na lang iyong apelyido ko napapalitan ni Nana Carmen ng parehong ng sa kanya.

Walong taong gulang ako nang mapadpad sa lugar na ito. Dito na ako lumaki sa piling ng isang matandang babaeng nagkupkop sa akin, si Nana Carmen nga, na namatay dalawang taon na ang nakararaan. Nagka-pulmonya ito at nagkaroon ng mga komplikasyon kaya hindi na kinaya ng katawan.

Putol-putol na ang alaala ko ng mga nakaraan. Ang iba ay sa panaginip ko na lang nakikita pero di ko na maisip din kung totoo pa nga bang nangyari ang mga iyon o hindi. Masyado pa akong musmos noon.

Ang malinaw lang sa akin ay tumakbo ako ng tumakbo noon palayo sa aming bahay. Pinatakas ako ng mama ko at pinatakbo ako ng mabilis. Sinabi niyang wag daw akong lilingon at babalik. At sa panghihina ko kakatakbo ay hinimatay ako. At nang magising ay nasa bahay na nga ako ni Nana Carmen.

Sa panaginip ko naman laging nakikita ang tila pinagmulan ng insidenteng iyon.

Nasa bahay kami nila Mama at dalawa kong maliliit na kapatid nang umuwi si Tito Andy ng lasing. Nagbabasa ako ng mga oras na iyon noon.

Si Tito Andy ay pangalawang asawa ni Mama at anak niya ang dalawa kong kapatid.

"Chery akin na ang pera mo, kailangan kong bayaran si Atoy dun sa sugal."

"Andy, wala akong pera. Wala ngang pambaon ang mga anak mo."

"Sinungaling! Alam kong pinapadalhan ka pa rin ng asawa mong kano! Akin na kung hindi malilintikan ka sa akin!"

"Hindi! Alam mong wala na akong komunikasyon sa daddy ni Cheska. Iniwan niya na ako ng tuluyan ng mahuli niya tayo."

"Wag mo akong pinaglolokong babae ka. Akin na ang atm mo! Yung kay Cheska din."

"Wala nga Andy, ano ba! Pati ako nawalan na ng trabaho dahil saiyo tapos ngayon ako pa ang hihingian mo ng pera. Dapat nga ikaw ang bumubuhay dito sa dalawa mong anak."

"Aba't sumasagot ka ah!"

Pak!

"Aray, Andy tama na. Nakikita ng mga bata. Huhuhu!"

"Ma?" umiiyak akong tinitignan sila. Naaawa ako kay Mama.

"Tito Andy! Stop hurting my mom! Papa will kill you!"

"Isa ka pang bata ka! Paingles ingles ka pang bwisit ka! Umalis ka sa harapan ko at baka tamaan ka rin sa akin!"

"Wag mong idadamay ang bata, Andy."

"Pareho kayo ng tatay mong kano! Bwisit kayo sa buhay ko!"

At itinulak ako ni Tito Andy. Galit na galit siya sa akin at kay Mama.

"Wag mong sasaktan ang anak ko..."

"At sino ka para utusan ako ha? Pag-aari kita. Akin ka lang pero lumandi ka sa tatay nito di ba? Di ba!?"

"Andy tama na.... ano pa ba ang gusto mo? Binalikan na kita... "

"Ang pera mo ang gusto ko.., akin na!"

"Wala na nga... Binili ko na ng gatas at pagkain..."

"Sinungaling ka talaga!"

Pak! Pak! Pak!

"Tito, no! Stop!" at kinagat ko ang kamay niya para pigilan siya. Pero lalo lang siyang nagalit sa akin. Mukha ng demonyo si Tito sa paningin ko.

"Ahhhh! Walanghiya kang buwisit ka! Manang-mana ka sa tatay mo! Halika dito!"

May kinuha siyang kahoy at alam kong ipapalo niya iyon sa akin...

Ngunit maagap si Mama kaya sa tagiliran niya siya tinamaan.

"Ugghhhh! Cheska! Run! Faster! Run baby! Don't look back! Run!"

"Mama? Huhuhuhu!"

"Run now! Baby, run pleeeaaasseee!!! Huhuhu! Faster! He'll kill you! Ruuuunnnn!!!!"

At iyon na ang huling tinig na narinig ko mula sa aking ina.

Nagigising akong pawis na pawis at umiiyak sa tuwing mapapanaginipan ko iyon. Malinaw pa sa panaginip ko ang mga itsura nila...

Kumusta na kaya sila? Ano na kaya ang nangyari kay Mama? Malalaki na din kaya ang mga kapatid ko?

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon