***May's POV***
Simula nang lumabas kami ng hospital ay nagkaayos na kami ni Edward.
Ipinarinig nito sa amin ang recorded conversation nila ni Lizette noon. He said that he tried to anticipate the bigger problems na maaring mangyari kaya niya iyon ni-record. Ang kaso nga lang ay nahuli siya ng pagkakataong ipaalam sa amin ang tungkol dito at nangyari nga ang mga kinatatakutan niya.
Hindi ko rin lubos akalain na magagawa ni Lizzy ang ganoong bagay, ang magpaako sa iba ng responsibilidad.
Ngunit lubos din akong nalungkot nang malaman namin ang kinahinatnan ng aksidenteng kinasangkutan nito. Nawala ang baby na dinadala niya. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng ganoon kaya naawa rin ako dito. Sana lang ay magkaroon na siya ng katahimikan ng loob.
Nalaman na lang din namin na nangibang-bansa na ito kasama ang anak na si Angel. Kinansela na rin mismo ng daddy nito ang business contract nila ni Edward na agad niya namang sinang-ayunan.
Sa ngayon ay masaya kami pero nasa dibdib ko pa rin ang pangamba sa pagkakaroon nito ng sakit sa puso. Hindi ko sukat akalain na ang asawa kong matatag at malakas ay may sakit na palang iniinda. Sinabi niyang nalaman niya ito noong umalis si DJ ng Germany at umuwi dito sa Pilipinas. Nagkaroon na pala siya noon ng mild stroke sa pag-iinda ng sitwasyon pero itinago niya sa amin dahil ayaw niya nga akong mag-alala.
Dahil sa kalagayan niya ay pansamantlang ipinahawak niya ulit kay Uncle Mario ang negosyo. Nais ko nga sanang ako na ang mag-manage nito pero tumangi siya dahil baka kami naman daw ng dinadala ko ang malagay sa alanganin.
Pilit niya na ring kinukumbinsi si DJ na mag-shift na ng course at simulan na ang pag-aaral sa pamamahala ng negosyo niya. Ngunit may sariling isip na ang aming anak at iba ang nais nito. Pangarap kasi nito noon pa man na sundan ang yapak ng ninong niyang si Marco. I tried to talk to him pero malalim talaga ang kagustuhan niyang maging inhenyero lalo pa't si Cheska ay ganoon din ang linyang kinukuha.
Masaya naman kami dahil araw-araw kaming magkasama pero minsan ay nakikita ko sa mga kilos niya ang pagkainip dahil sa kinasanayang trabaho. Maya't maya ay nanghihingi ito ng update kay Lucy o sa mismong uncle niya.
Sa kabilang banda, malaya ko namang nagagampanan ngayon ang pagiging isang ulirang maybahay dahil nga nandito siya sa bahay araw-araw.
Sana nga lang ay tuluyan na siyang gumaling para kahit papaano ay mawala na ang pag-aalalang nararamdaman ko.
Lumalaki na rin ang baby namin sa tiyan ko at excited na kaming makasama ito.
"Love..." kuha niya ng atensiyon ko.
Nakaupo kami ngayon sa bench na nasa hardin. Dito na kami madalas magpahangin tuwing hapon.
"Hmmn..."
"Hope our baby will still experience a good life when he/she grows up. Sana hindi siya dumaan ng paghihirap ng buhay..."
"Bakit mo naman pinangangambahan iyan? Syempre we'll ensure our baby's future di ba? Tsaka by that time katulad mo na si DJ, I know he will also look after his sibling.... You know what Love, nai-stress ka na naman. Bawal saiyo iyan di ba? Wag kang masyadong mag-isip sa maaring mangyayari sa mga negosyo mo. Malalagpasan din natin lahat ng pagsubok na ito, okay? Ang isipin mo ay kung paano ka muna tuluyang gagaling. That's the most important thing..."
Nararamdaman ko na naman na masyado siyang naba-bother sa sitwasyon ng negosyo. Hindi talaga siya kampanteng ipahawak muli ito sa kanyang tiyuhin... ngunit wala siyang magawa.
"Yeah. I wanna grow old with you and the kids, love. I'm just worried na baka mawala ang mga pinaghirapan ko. Those are for you and for them."
"Alam mo love, naiintindihan ko ang worries mo kasi pinaghirapan mo iyon. We'll do our best para ma-save iyon, okay? Pero ano't ano man ang mangyari, maghirap man tayo... ang importante magkakasama tayo... Masaya. Ako lumaki ako sa hirap pero masaya kami nila Papa at Mama noon, naputol nga lang iyon nang maghiwalay sila. Pero salamat sa Diyos kasi nabuo pa rin ulit kami... at iyon ang importante sa lahat... Kaya ikaw.... mamahalin pa rin kita kahit ikaw pa ang pinakamahirap na nilalang dito sa mundong ibabaw." at di ko siya napigilang kurutin sa pisngi. Ewan ko ba, dala yata ito ng pagbubuntis ko... madalas ko siyang nakukurot sa pisngi.
BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...