***Cheska's POV***
Sunday.
Dumaan muna ako ng simbahan bago tumuloy kina Alex. Malapit lang ang bahay nito doon sa store na pinagtatrabahuhan namin.
Galing simbahan ay mabagal akong naglakad patawid sa palengke.
"Cheska? Naku! Ikaw ba iyan?"
"Uy Aling Cora? Kamusta na po? Mamalengke po kayo?"
"Ba't bigla kang nawala? Pinaghahanap ka na ng mga kaibigan mo. Napagtanungan iyong kapatid ni Carmen. Ayun galit na galit sila sa mga iyon. Sabi ko nga sana mahanap mo na ang pamilya mo."
"Sana nga din po Aling Cora, kaso di ko nga po alam ang mga pangalan nila, pati apelyido ko. Sa panaginip nakikita ko mukha ni Mama tapos may konti ng ng kay Papa pero mukhang malabo po eh."
"Eh talagang ganoon siguro kapag nauuntog ang ulo."
"Po?"
"Eh sabi kasi ni Carmen noon, nauntog daw ang ulo mo noong hinimatay ka... noong araw mismo ng makita ka niya..."
"Pero naaalala ko naman po iyong iba..."
"Doktor lang ang makakasagot niyan, anak. Kung may pera ka na. Patingin ka, baka sakaling bumalik na ang memorya mo."
"Salamat po Aling Cora, gagawin ko po iyan. Namiss ko po kayo tsaka sila Boknoy."
"Dalaw ka naman doon pag minsan. Sabi nga namin may habol ka rin sa bahay niyo kasi legal ang pagkaka-ampon saiyo ni Carmen."
"Yaan ninyo na po iyon sa kanila. Magkakaroon din po ako ng sariling bahay sa hinaharap."
"Napakasipag at napakabait mo talagang bata ka. Siya, mamamalengke pa ako para sa tindahan."
"Sige po Aling Cora, mag-iingat po kayo."
"Kaw din, anak."
So iyon pala ang dahilan kaya konting alaala lang ang meron ako sa pamilya ko? Dahil nauntog ang ulo ko noon?
Narating ko ang bahay nina Alex ngunit wala ito doon, naghanap daw ng panibagong trabaho.
Kailangan talaga namin ni Alex ang additional na income. Sa school sana merong student assistant post na opening, ang kaso alanganin sa schedules ng klase ko.
Naisipan ko na lang na umuwi. Maglilinis na lang siguro ako ng bahay.
***DJ's POV***
Tsiko left without a word. Sabagay nasabi niya naman kagabi na pupunta nga daw siya sa Alex na iyon.
I decided to go out, too. Bibili ako ng ice cream pagkatapos kong magsimba.
Sunday ngayon and it's supposed to be a family day namin nina mom and dad. Lagi pa rin kaming nagsisimba tuwing Linggo sa Germany. Tapos kakain sa isang resto , kahit hindi naman kami nag-uusap ni Dad. Basta it should happen every week. Pero ngayon I know sila lang ni mommy ang magsisimba at lalabas.
After ng mass ay naglakad na ako papuntang parking lot ng simbahan.
Nagulat ako dahil may bigla na lang na humawak sa braso ko.
Inakala kong pulubi ito dahil sa suot niyang damit at dungis ng katawan. Pero tila pamilyar sa akin ang itsura niya.
Lalo pa akong nagulat ng magsalita ito habang nakahawak sa braso ko.
"Edward..... tulungan mo ang ang anak ko... Tulungan mo siya, parang awa mo na..."
Binigyan ko siya ng barya.
BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...