***May's POV***
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa tuwing inaalagaan ako ni Edward.
I know he's just doing his duties as a husband.
Galit ako sa kanya dahil sa paglilihim niya sa akin. Hindi pa rin kami nakakapag-usap tungkol sa business deal. Siguro dahil sa bilin ng doctor na bawal ako ma-stress kaya hindi niya pa ma-bring up. I know he cares so much for our baby.
Iniisip ko nga na siguro kung walang nangyari sa akin sa Cebu... wala talaga siyang dahilan para puntahan ako doon o habulin man lang. I was waiting for him na sundan niya ako doon tulad ng dati. Pero wala. Walang Edward na humabol.
Nakakalungkot na hindi niya binigyan ng importansiya ang proposal ko sa kanya. It's a family matter. Iyon ang paraan ko para ma-save ang pamilyang ito sa posibleng pagkawasak dahil sa pagbabalik ni Lizzy. It's really a big deal for me. Hindi ito simpleng insecurities lang... Dahil alam ko ang kakayahan ni Lizzy.
Pero hindi ko na rin magagawa ang counter deal ko dahil magkakaroon na nga kami ng bagong baby at delikado pa ang pagbubuntis ko. I can no longer go back to Marco's company as much as I want to. Sana lang hindi niya ituloy ang business deal nila. Because I know it'll be a big threat to our relationship. It'll be my great defeat kapag nagkataon...
Sa ngayon hinahayaan ko na lang munang gawin niya kung ano ang gusto niya. Wala akong lakas para makipag-argumento, baka ikasama pa namin ng anak ko.
So far maayos pa rin naman ang pakikitungo niya sa akin. Extra effort pa nga siya dahil sa sitwasyon.
Mahirap nga lang na hindi kami nakakapag-usap kahit halos 24 oras kaming magkasama sa araw-araw. Para akong nakikitungo sa isang estranghero.
Ayoko kasing magsimula ng usapan. Una, natatakot ako sa malalaman ko. Pangalawa, natatakot ako sa maaring mangyari sa akin oras na mamrublema ako.
Napapanis na nga ang laway ko. Nakakapag-salita lang ako sa tuwing nandiyan si DJ o kaya si Aling Aida at Mang Nestor o di kaya'y sa oras na dalawin ako ni Pat.
How I wish na siya na ang kusang magsabing kinancel niya ang business deal nila ng daddy ni Lizzy at hindi na siya nakikipag-communicate dito. Baka sakaling bumalik ang dating pakikitungo ko sa kanya.
"Love, aalis muna ako saglit. May importante lang akong aasikasuhin. I'll be back maybe after lunch. Binilin ko na kay Aling Aida ang lahat ng kailangan mo. Don't forget to take your medicine after mo kumain." pagpapaalam nito.
Napansin ko na lang na nakapang-opisina na pala siya.
Hindi ko siya sinagot.
Humalik ito sa pisngi ko.
"Bye love, bye baby. Alis muna si Daddy." sabay haplos nito sa tiyan ko.
Hindi ko mapigilang hindi maapektuhan sa ginawa niya pero hindi ako nagpahalata. Parang may kung anong humaplos sa puso ko.
Tahimik ako hangang sa makalabas siya ng bahay at marinig ko ang kanyang sasakyang paalis.
Saka ko lang napansin ang cellphone na naiwan niya sa mesita. Huli na para tawagin ko si Aling Aida dahil naka-alis na ang sasakyan niya. Hinayaan ko na lamang ito. Wala naman sigurong tatawag.
Napagpasyahan kong magpinta na lang kaya ipinakuha ko kay Aling Aida ang mga gamit at ipina-akyat sa kwarto. Nakakaburo na rin kasing lagi na lang ako sa loob ng kwarto at walang ginagawa.
Naalala ko tuloy ang pagpipinta ko sa Cebu. Araw-araw kong ginawa iyon habang binabantayan ako ni Pareng Sean. Wala pa nga pala akong balita sa kanya simula ng mangyari ang aksidente. Sana okay lang din siya. Nakakalungkot na naghiwalay din sila ng asawa niya.
BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...