***DJ's POV***
Why I am doing this? I felt I'm responsible for this tomboy. I have friends in Germany but I'm not like this to them, that I have to care for her this far. Ewan ko ba.
Hinatid ko siya sa pinagtatrabahuhan niya. It's like a huge wholesale store. She said she's working here as a cashier. Not bad.
Ayaw niya pa sanang magpahatid pero wala siyang nagawa. Gusto niya sanang maghanap deretso ng malilipatan pero alanganin. Hindi raw siya pwede mag-absent ngayon kasi sa Friday, Saturday at Sunday pa ang OFF niya.
"Anong oras out mo?"
"Depende. Mga 6-9pm, depende sa dami ng mamimili."
"I'll be back at 6pm then."
"No. Ibigay mo na lang iyong address ninyo at pupunta na lang ako doon. Magpahinga ka na. Di ko rin alam ang oras eh. Baka maghintay ka lang ng matagal."
"Are you sure? Kaya mong mag-commute papunta doon?"
"Yup, ako pa! Tsaka malapit lang iyon sa school di ba?"
"Okay. Hintayin na lang kita doon. Wag ka na kumain sa labas. Doon ka na mag-dinner. Wait, nag-lunch ka ba kanina?"
"Dito na lang sa canteen."
"Okay. See you later. Wala ka pa namang phone. Hayys. Here's the address. Punta ka sa police pag nawala ka ah."
"OA mo! Ako ang taga-rito, hindi ikaw."
"Alright. See you."
"Salamat, Pre."
"Yes.... Pre..."
She smiled when I called her 'Pre'. Maganda pala siyang ngumiti. I suddenly remember my mom. Mom has the prettiest smile.
Mukhang ganoon din ito.
Pumasok na siya sa store and another tomboy welcomed her. Maybe her friend.
I decided to leave the place.
Suddenly my phone rings.
"Hello, Tita Pat."
"Bakit sa dating bahay ka natulog kagabi?"
"Ahm Tita. Doon po muna ako. I asked permission from mommy. May pinapahanap din po kasi siya. I want to help her. Kaw na po muna magpaliwanag kina Lolo at Lola. Tsaka mas malapit po sa school yung house na iyon."
"Ay siya, sige. Di ka pa naman marunog magluto. Paano ka mabubuhay doon? Tawagan ko ba iyong caretaker ninyo?"
"Ako na po Tita. I'm fine. Promise hindi ako magpapagutom. Thank you po."
"Okay. Pag tumawag nanay mo wag niya akong sisihin na pinabayaan kita. Siya din pala ang pumayag. Wag ka maglalakwatsa ha. Deretso bahay after school, maraming bad guys dito. Kahit malaki yang katawan mo wala sa kanila iyon.."
"I know po and thank you."
"Okay, mag-iingat ka. Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka."
"Yes, Tita Pat. Bye po."
"Okay, bye."
I headed to a commercial store.
Naghanap ako ng cellphone para kay
Tsiko. Mahirap makipag-communicate ng wala nito. Paano kaya natagalan ng babaeng iyon ang hassle ng kawalan ng phone? She's kinda weird. Baka mental telepaty lang gamit niya. Napapailing akong napatawa sa sarili.***Cheska's POV***
"Hoy, sino iyong naghatid saiyo? Artista ba iyon? Ang pogi!"
"Alex? Nagpalit ka na ba?"
"Ng alin?"
"Ng preference mo... ng gusto mo? Babae ka na ba ulit?"
"Hoy! Hindi no! Na-appreciate ko lang naman iyong itsura noon. Kasing pogi kasi natin siya. Pero tipong artista at modelo ang isang iyon. Anong pangalan niya?"
"Aba't ang landi ng tiborsya na ito!"
"Pangalan lang landi na agad."
Kanina pa ako nito kinukulit simula pagkapasok ko ng tindahan. Nakita niya kasi si Dale na bumaba pa ng sasakyan.
"Magtrabaho ka na lang diyan. Yaan mo, kung handa ka ng maging ganap na babae, paliligawan kita doon. Ang tipo noon iyong mga nakapalda ng maiksi, naka-make up.. at litaw ang hinaharap sa suot... kaya mo na ba?"
"Wag na uy! Tsk! Pareho pa pala kami ng tipo!"
"Hahaha!"
Napipikon itong tinignan ako.
Tama naman ang sinabi ko. Malamang sa itsura ni Dale ganoon ang hanap niya.
May girlfriend na kaya iyon?
Teka, ano bang pakialam ko? Hindi rin naman ako interesado sa buhay niya.
Natapos kami ng mag-aalas otso. Sobrang nakakapagod. Ang daming mamimili ngayong araw. Pero at least may over time pay. Makabawi man lang sa dalawang araw na walang pasok. Kailangan ko ng mag-ipon. Wala pa akong matitirhan.
Agad akong nagpaalam kay Alex. Gabi na at maghahanap pa ako bahay nina Dale. Sana may masakyan pa ako papunta doon.
Kinailangan ko pang magtanong-tanong ng masasakyan papunta doon.
Jeep at trycicle galing sa palengke ang sinakyan ko hangang marating ko ang subdivision.
"Saan po sila?"
Pigil sa akin ng gwardiya ng subdivision.
"Kila DaleJohn po. Dito po." Nag-aalangan ako dahil ni hindi ko alam ang apelyido ni Dale. Baka mag-usisa itong gwardiya, patay na.
Pinakita ko sa kanya ang address at may tinawagan ito sa radyo.
"Okay na. Pasok ka na. Alam mo siguro kung aling bahay ang sa kanila?"
"Opo. Maraming salamat po."
Mahigpit din pala sa lugar nila. Safe nga ang mga nakatira dito.
Nag-doorbell ako sa may gate nila.
Hindi ko mapigilang mapalingon sa katabing bahay nito. Malaki din siya pero mukhang walang nakatira dahil walang ilaw. Tanging naghahatid ng liwanag dito ay ang lamp post sa tabi. Tila napaka-pamilyar ng lugar na ito sa akin. Saan ko na nga ba ito nakita? Sa TV siguro or magazine.
"Eyy, why are you staring at that house? May third eye ka ba? May multo ka bang nakikita?"
Hindi ko alam na nasa harap ko na pala si Dale.
"I have a lot of memories in that house, too." ang sabi pa nito.
Napatingin ako sa kanya ng nagtatanong?
"That's my Tito's house. My mom's friend... And my childhood bestfriend used to live there... I used to play with her there tska dito sa bahay."
Biglang lumungkot ang itsura nito.
"Halika ka na. Pasok na tayo. Baka may makita ka pang multo diyan." Aya nito.
"It's not creepy. Something's telling me na it's safe to enter that house." Wala sa sariling nabangit ko.
Napatingin naman ito sa akin.
"You'll see the real view of that house tomorrow morning. Maganda iyan. Tapat lang iyan ng kwarto ko. Kasi katapat ng room ko iyong terrace ng room ng bestfriend ko. If you want, I'll show you tomorrow."
BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...