Chapter 16

673 57 5
                                    

***DJ's POV***

"Saan ka nangaling? Ba't pawis na pawis ka?"

She's holding my t-shirt soaked in sweat.

"Naku maligo ka na, baka magkasakit ka pa. Di ka pa kumakain, noh? Wait, ipaghahain kita."

Tumango na lang ako at umakyat na papuntang kwarto.

I took a shower and changed clothes.

Bumalik ako ng dining dahil nagugutom na talaga ako.

"Kain ka na, habang mainit pa itong nilaga."

Umupo naman ako and I begin to eat.

Tahimik akong kumain habang siya naman ay nagbabasa ng libro sa kabilang upuan. Maya-maya ay may tila sinasagutan na ito.

Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko na sa sink ang pinagkainan.

"Ako na diyan, tapusin ko lang ito. Pahinga ka na." sabi nito nang hindi tumitingin.

"Salamat. Akyat na ako."

***Cheska's POV***

Anong nangyari doon? Ba't parang may problema?

Ibinaling ko na lang sa pag-aaral ang atensiyon ko.

Natapos ang maghapon pero hindi ko napansing lumabas ng kanyang kwarto si Dale. Nakatulog siguro.

Naisipan kong magluto ng pancake. Binasa ko lang ang instructions sa kahon. Madali lang palang gawin ito.

Gusto kong matikman ni Dale ang ginawa ko at baka sakaling gumanda ang mood nito. Mukhang may pinagdadaanan.

Kumatok ako sa kwarto niya ng tatlong beses pero hindi ito sumagot. Naka-ilang tawag ako ng pangalan niya pero tila bingi ito. Pinihit ko ang doorknob. Buti na lang at di siya nag-lock.

Nagulat ako sa itsura ng kwarto. Nakakalat ang bag nito sa sahig at may mga empty cans of beer na nagkalat sa baba ng kama. Uminom siya? Saan nangaling ang mga ito? Nasagot ang tanong ko nang may makita pa akong isang beer na nakausli sa plastic na nasa kanyang bag.

Tulog na tulog ito. Naka-boxers at sando lang habang yakap-yakap ang unan.

Wala akong nagawa kundi ligpitin ang kalat sa kwarto niya.

Nang matapos ako ay nilibot ng mata ko ang kabuuan ng kwarto. Malaki din ito at may sliding door palabas?

Tinungo ko ang sliding door at maingat na binuksan iyon. Sa labas nito ay terrace ng kwarto niya. Di ko mapigilang humanga sa ganda ng view sa terrace. Eto yata ang sinasabi niya noong isang gabi. Ang bahay sa tabi.

I felt strange nang mapagmasdan ko ang terrace sa kabila. May sliding door din ito ngunit nakasara.

Parang may kung anong pumapasok sa isipan ko na hindi ko maintindihan. Parang may naririnig akong mga boses ng mga batang naghaharutan.

Biglang umiba ang pakiramdam ko nang mapadako ang mata ko sa bakuran ng bahay.... lalo na nang mapunta ang tingin ko sa gate.

May isang ale na nakatayo doon na tila sumisilip. Medyo malayo kaya di ko maaninag ang itsura niya.

Bigla na lamang itong napatingin sa banda ko nang hindi ko inaasahan. Tila ako ang tinitignan ng ale. Hindi niya nga ako inalisan ng tingin. Nakaramdam ako ng sobrang kaba kaya dali-dali akong bumalik papasok ng kwarto.

Abo't-abot ang kaba ko at napahawak ako sa dibdib habang nakasandal sa likod ng sliding door.

"Anong ginagawa mo diyan?"

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon