***May's POV***
Tinext ko na si Edward dahil mag-8pm na ay wala pa rin ito. Naghihintay na ang mga bisita para sa dinner. Siya na lang ang hinihintay namin.
Unang beses ko itong maghintay sa kanya. Usually naman kasi 6pm pa lang ay nandito na ito. Kung sobrang traffic naman ay 7pm na ang pinaka-late na uwi nito.
Wala akong nakuhang sagot kaya tinawagan ko na ito.
'The number you dialed is out of coverage area.'
Lowbat?
Bigla akong kinabahan. Bibihirang pagkakataon kung malow-battery ang phone nito. Kung nasa sasakyan man ito'y itsa-charge niya agad ang kanyang cellphone.
I tried dialing his office number pero wala ng sumasagot. Nakauwi na rin siguro ang sekretarya nito.
I felt nervous pero binalewala ko na lang ito.
"Let's eat guys. Natraffic lang siguro si Edward. Parating na rin iyon."
Agad namang nagsisunuran ang aking mga bisita sa dining area.
Magkakatabing umupo sina DJ, Cheska at Laurent. Nakakatuwa silang pagmasdan dahil parang kami lang din nina Lau at Blake... sobrang close.
Magkakatabi rin kami nina Lau. Napapagitnaan namin siya ni Blake. Naka-reserve naman ang main chair para kay Edward.
Nalulungkot akong tinignan ang pwesto nito. Ilang beses na nga ba kaming hindi nagsabay sa pagkain?
"Mommy Ninang?" nagulat ako sa pagtawag ni Cheska. Nahalata yata nito ang itsura ko.
"Here po, tikman ninyo po ito. Ako mismo ang may gawa niyan."
Nakatingin siya sa mga mata ko habang nakangiti.
I know she could sense what I'm feeling right now.
"Wow... may mga chef na pala tayo dito oh. Magtayo na lang kaya tayo ng sarili nating restaurant? What do you think, Lau?"
Pilit kong pinagagaan ang sitwasyon.
"Yeah, that's a good idea!"
"I agree. And when we get old, these three young people here will take charge. Hahahaha." si Blake.
"Laurent's passion is cooking. I won't be having a problem with that." sagot naman ni Lau.
Nakita kong nilalagyan ni DJ ang plato ni Cheska ng pagkain.
"Enough.. di ko na kaya iyan." tangi naman ng huli.
"Here, Cheska. Try this... yung ginawa natin kanina." agaw naman ng atensiyon ni Laurent kay Cheska.
I clearly saw my son's reaction sa ginawa ni Laurent. Bigla itong sumimangot. Nagsiselos ba ito? Parang nakikita ko sa kanya si Edward. Masyadong possessive. Pero mag-bestfriends lang naman silang dalawa ni Cheska.
Naramdaman naman agad ni Cheska ang biglang pananahimik ni DJ.
"Eto pre... tikman mo. Pag nagustuhan mo igagawa ulit kita niyan. Smile na." halos pabulong na sabi nito kay DJ.
Napangiti na lang ako bigla. Cheska knows how to manage my son's tantrums.
Natapos ang dinner na satisfied ang lahat sa sarap ng pagkain. Pati ako na halos mawalan na ng gana ay madami ding nakain.
"Let's go and have some tea or wine." si Lau.
"I have one there. Wait I'll get it in the house." ani Blake at bumalik ito ng bahay nila para kunin ang wine na sinasabi niya.

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...