Chapter 5

856 53 2
                                    

***Cheska's POV***

Lagpas tanghali na ng matapos ang klase. Iniisip kong magpapalate na lang ako sa trabaho. Nakapangako kasi ako kay Luke na sasamahan ko siyang maghanap ng malilipatan.

"Let's take lunch first. Don't worry, my treat."

"Okay, thanks!"

Naglunch kami sa isang cafeteria sa labas ng school. Ma-kwento si Luke. Gusto niyang mag-aral dito sa Pilipinas dahil nako-curious lang siya. Kung bakit daw madaming ibang lahi ang nag-aaral dito. Hindi ko na tinanong kung saan niya nakuha ang impormasyong iyon. Nag-iisang anak lang ito at separated na rin daw ang parents niya kaya mas pinili niya lang na mapag-isa though supported naman siya ng parehong magulang.

Mas maswerte pa rin siya sa akin. Kahit separated ang parents niya ay nakakasama pa rin niya ito minsan. Samantalang ako ay hindi ko na alam kung nasaan ang mga magulang ko.

"Penny for your thoughts!"

Napakurap ako sa kanya. Biglang nagtama ang aming  paningin. Ako ang unang bumawi.

"You got great eyes."

Ngumiti na lang ako.

Hindi naman kami nahirapang maghanap ng matitirhan ni Luke. Isang condo unit for rent ito na walking distance lang sa school. Agad niyang pinirmahan ang kontrata at binayaran ang unit niya. Medyo may kalakihan ang unit na pinili niya. Iyon nga lang ang mahal. Pero mayaman naman ata si Luke kasi agad niya itong binayaran.

"Thank you so much for your time, Chikko. I really appreciate your help."

"Anytime, bro! Alright, I have to go."

"Yeah. Thanks! See you in school. You're welcome to stay here... anytime."

"Hahaha. Some other time, maybe. Bye! See yah!"

Pumunta na ako sa trabaho. Nakasalubong ko pa ang intsik na may-ari ng tindahan.

"Ngayon ka lang nalate, Cheska."

"Pasensya na po. May emergency lang."

"Sige na at madaming mamimili ngayon."

---
Nakakapagod ang araw na ito. Pagkatapos ng trabaho ay agad akong umuwi at inatupag ang pagrireview. Maya-maya lamang ay dinalaw na ako ng antok.

"Chase me! Chase me Cheska! Come on!"

"You've got to run faster DJ! I'm gonna catch you right away.."

"Maaayyyyy!!!! Noooo!"

"Mommmmmyyy!!!"

Basang-basa ako ng pawis nang magising ako sa panaginip na iyon. Lagi ko itong napapanaginipan pero hindi malinaw ang mga mukha ng tao sa panaginip ko. Tanging pangalan at sigaw lang nila ang naririnig ko. Nangyari ba ito noon?

Agad akong bumangon at uminom ng tubig. Mag-aalas dose pa lang pala ng gabi. Naalala kong hindi pa pala ako kumakain. Napagpasyahan kong magluto na lang ng noodles. Ito na lang ang kakainin ko.

Bakit ba madalas akong nananaginip ngayon? Hindi naman ako busog na natutulog. May kinalaman kaya ang lahat ng ito sa nakaraan ko?

Pagkatapos kong kumain ay napagpasyahan kong bumalik na lang sa pagtulog. Sana hindi na ako managinip. Bumibigat kasi ang pakiramdam ko sa tuwing mapapanaginipan ko ito at sina Mama.

***DJ's POV***

My dad won't let me take the vacation I wanted. Pero buo na ang pasya ko. Whether he likes it or not.... Sana lang ma-realize niya kung bakit ko ito ginagawa.

Bukas na ang lipad ko papuntang Pilipinas. My mom knows it. Alam kong nalulungkot siya pero supportive pa rin siya sa akin. Siya na lang daw ang bahalang magpaliwanag kay dad.

Malungkot din ako kasi first time kong mawawalay kay mommy. Kahit nga binata na ako ay minsan naglalambing pa rin akong tabihan niya sa pagtulog lalong-lalo na kapag may sakit ako. I'm so dependent on my mom. I love her so much. Kaya alam kong mahihirapan ako sa Pilipinas. Pero kailangang gawin ko ito.

"Love, mag-iingat ka doon ha? Pipiliin mo ang kakaibiganin mo. Doon ka na lang mag-stay kina Mama. Pero dalawin mo rin iyong bahay natin. Lagi kang tatawag ha. Wag magpapagutom at magpapatuyo ng pawis sa likod...."

Nandito si mommy sa kwarto ko ngayon. I asked her na matulog kasama siya dahil bukas ay alis ko na papuntang Pilipinas.

Kahit nagtatampo si dad na ako ang katabi ni mommy ay wala naman itong magagawa. That's what I like about their relationship. Tiklop pa rin si dad pagdating kay mommy. I know how much they love each other. Malaking sakripisyo din ang ginawa ni dad sa nangyari kay mommy pero hindi niya ito sinukuan. Isa iyon sa hinahangaan ko kay dad. Kahit naman papaano meron siyang good side sa paningin ko.

"Ilang months lang naman ako doon, mom. Don't worry lagi po ako tatawag saiyo. Mag-iingat ka rin po dito ha. Sana pagbalik ko, you can walk normally na..." at niyakap ko siya ng mahigpit.

"I'll try my best. Para makapagbakasyon na rin tayong tatlo na magkakasama."

---
Kinabukasan ay mag-isa akong pumunta ng airport. Naluha pa si mommy kanina habang hinahatid ako ng tingin paglabas ko ng pintuan.

Mabigat din sa loob na iwanan siya saglit pero kailangang gawin ko ito.

Connecting flight ang ginawa ko hangang makarating ako ng Pilipinas. Pagdating ko ng airport ay agad kong namataan si Lolo at si Tita Patricia.

"Apo! Ang laki mo na! Napagod ka ba sa biyahe?"

"Hi Lo! Mano po! Hi Tita! Hindi naman po Lo! Si Lola po, nasaan?"

"Hi Edward este DJ! Naku kamukhang kamukha mo kasi ang tatay mo eh!"

"Si Lola mo masakit ang paa. May rayuma na iyon kaya hindi na namin pinasama. Halika ka na at naghihintay na iyon saiyo."

"Mabuti naman at naturuan kang magtagalog ng nanay mo. Akala ko mahihirapan ako saiyo. Hahaha!"

"Oo naman po Tita. Kapag si Mommy ang kausap ko, Tagalog po talaga kami. Si dad lang ang hindi.."

"Kahit naman kailan si Edward... Siya.,, tara na!"

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon