***Cheska's POV***
Parang himala na nakatulog ako ng mahimbing sa ibang bahay. Napakomportable naman kasi ng higaan dagdag pa ang lamig ng aircon sa kwarto. First time kong makatulog sa ganitong lugar.
Agad akong bumangon at pumunta ng banyo. Naisipan kong maligo na rin dahil hindi ko pa alam kung gaano kalayo itong bahay sa eskwelahan.
Agad akong nag-ayos pagkatapos kong maglinis ng katawan.
Lumabas ako ng kwarto at laking gulat ko dahil kasabay ko ring lumabas ng kanyang kwarto si.... DaleJohn nga ba ang pangalan niya?
Pero mas nagulat ako sa ayos nitong nag-iinat ng katawan. Tipong kakabangon lang talaga ng kama. Wala itong ibang suot kundi boxer shorts.
Wala ding pakundangan!
Bigla akong napalunok at napatingin sa nakatalikod niyang katawan. In fairness, may sinasabi rin ang isang ito. Parang si Luke lang din.
Ngunit bigla naman itong pumihit paharap.
"Good morning!"
Nagulat ako dahil nakaharap na sa akin ang halos hubad nitong katawan.
Pandesal!
Di ko mapigilang tignan ang abs nito.
"Kape na lang okay na.." di ko namalayang nasambit ko.
"What? You want coffee?"
"Ha? Ah eh.... sana..."
"Let's go to the kitchen. You're so early. Nakabihis ka na kaagad."
"Maaga talaga akong nagigising."
"Maaga pa naman. Let's check if there's something that we could eat."
Nagpunta kami sa malaking kusina. Kompleto ito sa kagamitan. Kahit walang nakatira ay alam mong may nagmi-maintain ng kalinisan.
Binuksan niya ang ref at naghanap ng maluluto.
"Ahm... Tsiko... Do you know how to cook? Ah.... kasi hindi ako marunong eh... But I can make coffee for the two of us.."
"Oo ako na diyan. Ano ba ang gusto mong kainin?"
"Eto may hotdogs dito, eggs, ham, bacon.... madami pa. Kahit alin then rice na lang."
"Okay... Yun lang pala. Upo ka muna diyan o di kaya'y maligo ka na para kakain na lang tayo pagkatapos ko."
"Okay. But I'll make coffee first..."
Di na ako sumagot at nakita ko na lang siyang naglagay ng coffee beans sa coffee maker.
Maya-maya ay umakyat na ulit ito ng kwarto.
Naka-ayos na ang pagkain sa mesa nang muli itong bumalik sa kusina.
"Wow... Pwede ka ng mag-asawa..."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"I mean... you can settle with a partner..."
"Kain ka na. Gutom lang iyan."
"Okay. Thank you."
Nagdasal muna ito bago kumuha ng pagkain.
"Ahm... Tsiko. You can stay here as I've said."
"Kala ko ba wala kang tiwala sa akin? Di ka ba natatakot na nakawin ko ang mga gamit ninyo dito? O di kaya'y tawagan ko iyong sinasabi mong mga kasamahan ko para manloob dito?"
Tinignan ko ang reaksiyon niya. Bigla itong yumuko at tumahimik.
Tsk! Kitam.
"Okay, sorry for misjudging you.."

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...